Chapter 28: The Fight (2)

221 9 1
                                    

-
- (Lucas POV) -
-

          Isang Boses ng lalake ang aking naririnig na umiiyak habang tinatawag nito ang aking pangalan.

      "Lucas....kailangan kana namin. Lucas..."

       Animoy parang nagsusumamo na akoy tawagin. San ba nanggagaling ang Bose's na iyon. Ang boses na yun ay parang pamilyar sa akin. Ngunit hindi ko matandaan kung kanino nanggagaling.

     "Lucas.... Gumising ka. Hindi totoo lahat ng nakikita mo. Lagpasan mo ang pag subok Lucas. Kailangan kana nila, wala nang oras."

       Sa pag sambit nito sa mga salitang iyon ay mga alaala ang nanumbalik sa aking isipan.

      "Poprotektahan ko Kayo"
" natatakot ako paano kung nabigo ko sila"
"Ayoko nang maging mahina"
"Mapapatay mo sila"
"Hindi ako, kung hindi Ikaw"
"Handa nako"
Kita ko ang aking sarili na sinasambit ang mga salitang iyon.

       Kita ko rin ang mga tao sa paligid ko. 'Tyler' 'Bella' 'Sellena' 'ina' at ang mga iba pa. Mga taong unti unting nagpa balik sa aking katinuan.

       'Bakit ako nandito, anong ginagawa ko dito. Sina Tyler, ang iba pa kailangan ko silang iligtas.'

      "Anong problema anak?" Tugon sa akin ni Ama.

     "Hindi, Hindi kayo totoo. Lahat ng ito ay hindi totoo. Patay na kayo ni Kua!"

   ' Kailangan mong makalabas dito. Tinatawag nila ako. Kailangan nila ang tulong ko. Kailangan ko silang Iligtas. Kailangan ko silang protektahan.'
"Pernicies"
"Pernicies!" Sigaw ko. At ang mundo kung saan ako nakulong ay unti unti nang naglalaho.

      "Pumasa ka Lucas. Kailangan ka nila, Tulungan mo sila." Sambit nito sa akin.

       "Hindi ko ito kakayanin mag isa. Kailangan ko ang tulong mo. Maaari mo ba akong tulungan?"

       "Hindi mona kailangan humingi ng pahintulot Lucas. Dahil ako at Ikaw ay iisa na."

      Sa pagsambit nito ni Pernicies ay isang kakaibang kapangyarihan ang aking Nararamdaman. Kahantulad ito ng mga nauna pang nangyare. Ngunit sa oras na ito ay kontrolado ko na.

       Sa aking pag mulat ng mata ay kita ko sa Tyler habang naka handusay at si Bella na Walang Malay.

        Kita ko ang isang Lobo sa harapan  ko. Sa sobrang galit sa aking nakita. Sa pamamagitan ng kakayahan ni Pernicies ay itinapat ko ang aking kamay at sinunog ito ng hindi nagdadalawang isip.

         Nagsimula akong maglakad, Habang napapalibutan ng apoy ang aking mga katawan.

        "Lucas" mahinang tugon ni Tyler. Kita ko sa mga mata nito ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata.

       "Tyler.." Tugon ko dito. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa aking nakita at sa kalagayan niya.

       "Lucas..." Mahinang boses ng babae ang aking narinig. "Tyler!" Sigaw nito. Nagising si Bella at dali dali nitong pinuntahan si Tyler.

        "Lucas.. Nagawa mo" tugon nito sa akin. Tinanong ko ito tungkol sa mga bagay na nangyayare at sinabi niya ang lahat sakin.

     Ayokong iwanan si Tyler ng ganito ang lagay ngunit nagsusumamo ito na iligtas ang iba at gawin ang dapat at kailangang gawin.

Tinignan ko ito at nginitian bago magsalita.
      "Magpahinga na muna kayo.. Wag mo siyang iiwanan Bella"

      Naglakad na ako patungo sa aming kampo. Sa aking paglalakad ay tinawag ko ang pangalan ni Pernicies. Sa pag sambit ko nito ay siyang paglitaw ng isang Lobo na gawa sa apoy. Ito ay ang Fire Element na si Pernicies. Sinamahan ako nitong maglakad patungo sa kampo. Ang taas nito ay kahantulad lamang sa taas ko.

FullMoon: Legend Of The Elemental WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon