-
- (Author's POV) -
-Dumating sina Venora sa kanilang kampo. Batid nila na muli nang maghahanda sina Sellena para sa isang digmaan. Lumapit ito Kay Alazar at Ibinahagi ang nalalaman.
Lumuhod ang tatlo bilang pagbibigay galang.
"Siguradong nabigo ka nanaman Venora." Tugon ng isang Alphang lalake na naka balalabal din di kalayuan sakanila.
"Dumating sina Sellena, at ang mga iba pang alphas."
"Pinuno, nagsisimula na silang maghanda." Tugon ni Mervil
"Sino sino ang pumanig kina Sellena." Mataimtim na pagtatanong ni Alazar
"Si Elvis, Vincent at si Sylvania"
Hindi na nagulat dito si Alazar.
"May ibabahagi ako pinuno, may naka harap akong isang Clairvoyant"
Napatayo si Alazar sa pagkaka upo nito. At bakas ang pagkagulat ay pagka mangha sa nalaman. Ngumiti ito at tumingin kina Venora.
"Hanapin kung saan nagtatago sina Sellena."
"Ngayon din po mismo." At dali daling umalis ang mga ito. Upang hanapin ang pinaroroonan ng mga ito.
"Matagal kitang hinanap, Clairvoyant" tugon nito sa sarili habang naka ngisi.
-
-Nagtungo sina Sellena sa kagubatan at nagpahinga. Kasama ng mga ito ang Iba pang mga lobo na pinamumunuan ng Mga Alphas.
Inihiga si Lucas sa loob ng isang Kubo upang makapag Pahinga ang mga ito.
Nagpulong ang mga alphas at Tinawag si Bella upang may pag usapan. Sumama si Tyler sa mga ito upang samahan si Bella.
"Bakit tayo nagpupulong Sellena?" Tugon ni Bella habang naka upo ang mga ito kasama ang iba pang mga alphas.
"Meron akong kailangang ipaalam sa inyo."
"Tungkol saan?" Tugon ni Tyler
"Tungkol lay Lucas at sa mga Elemental wolves." Nagsi tahimik ang lahat at naka tuon lamang ang pansin ng mga ito sa sasabinin ni Sellena.
"Alam kong alam niyo na ang tungkol sa mga elemental wolves. May mga malalakas na kapangyarihan ang mga ito, kayat kung sino man ang magmamay ari nito ay siyang kikilalanin bilang Alpha ng mga Alpha oh ang Alpha King. Alam natin na ang isa ay nasa pangangalaga ni Alazar, si Freosan (Ice Element). At ang isa naman ay nakay Lucas, si Pernicies (Fire Element). Ngunit hindi pa niya alam kung paano niya ito makokontrol." Mataimtim na tugon ni Sellena.
"Asan na ang mga iba?" Pagtatanong ni Tyler Kay Sellena.
Tinignan ito ni Sylvania at nagsalita. "Bago pa man mapatay ni Alazar si Adher pinakawalan niya ito mula sa kanyang pangangalaga. Pinakawalan niya ito at dumako sa ibat ibang lugar ang bawat isa."
"Alam niyo ba kung saan nagtungo ang bawat Elemental wolves?"
"Hindi, pero alam namin kung sino ang nakaka alam." Lumingon si Sellena sa kina uupuan ni Bella.
Hindi batid ni Tyler kung bakit itinuturo ng mga mata ni Sellena si Bella. Tumingin ang lahat Kay Bella.
"Ako? Wala, wala akong alam" tugon ni Bella habang umiiling ito.
Muling humarap si Tyler Kay Sellena mula sa pagkakatitig Kay Bella. "Ano bang sinasabi niyo?"
"Hindi mo alam, pero kaya mong malaman Bella. Tanging mga taong may kakayahan na kumausap sa mga spiritual na nilalang lamang ang makaka hanap sakanila." Pag sambit ni Sellena. Nilapitan ni Sellena si Bella at hinawakan nito ang kanyang Kamay.
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...