Ilang araw na ang nakalipas at naririto ako sa PDEA para asikasuhin ang inilapit sa akin na kaso, ang kaso ni Ken.
Bumuo ako ng task kasama si Loide at ang mga piling pulis mula sa PDEA para hulihin si Ken.
“Kailangan ko ang mga details kung saan s’ya maaring magtago, ICT unit, you are assigned for that task. Field unit, ready for my signal kung kailan tayo mara-raid,” utos ko.
“Yes sir,” sagot nila at sumaludo.
“Inspector,” tawag mula sa likod, si General.
“Yes sir?” sagot ko at sumaludo.
“How’s the operation going?” tanong n’ya.
“It’s good sir, almost done,” sagot ko.
“Good, maaasahan ka talaga, bagay sa’yo maging inspector,” papuri n’ya.
“Thank you sir,” ani ko.
Biglang tumunog ang phone ko dahil may tumatawag. Nagpaalam muna ako kay General para sagutin.
“Hello,” sagot ko sa phone.
“Frey!” panic na sagot ni Maris.
“Oh Maris, bakit?” tanong ko.
“Kailangan ka namin ngayon, si Ella!” sagot n’ya.
Bigla na lang ako nagulat at para bang nagpapanic na rin. “Anong nanyari?” tanong ko.
“Bilisan mo, pumunta ka dito sa Oval sa UP ngayon na please!” panic n’yang sagot.
Binaba ko ang phone at pumasok sa kotse ko na kakabili ko lang kahapon. Agad ako nagtungo sa UP. Haharangin na sana nila ako nang sabihin kong pulis, pinadaan nila ako. Pero saan ba ang oval dito?
Bumalik ako sa may guard at tinanong ang daan. Sabi n’ya kakaliwa ta’s kakaliwa at etc. Sinunod ko ang direksyon n’ya at may kumpol ng tao akong nakita.
Bumaba ako sa kotse at nakita ko si Ella na kinakaladkad ng isang lalaki. Nakita ko si Maris na nagpapanic kaya nilapitan ko.
“Frey! Si Ella sinasaktan na naman ng asawa n’ya,” naiiyak na sambit ni Maris.
“Ako bahala,” pakalma ko sa kanya at iniwan sa kinatatayuan n’ya.
Lumapit ako sa lalaki at namukhaan ko, si Ken ‘to. Asawa ni Ella ay isang wanted sa kapulisan. Kaya agad kong pinilipit ang kamay ni Ken nakahawak kay Ella. Nabitawan n’ya si Ella na agad tumakbo kay Maris nang umiiyak.
Susuntukin na sana ako ni Ken nang hawakan ko ang kamay n’ya at pilipitin sa likod n’ya. Sinipa ko ang tuhod para mapaluhod sa damo saka pinosasan. “You’re under arrested Mr. Ken. May karapatan kang manahimik dahil ang mga sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa’yo. May karapatan kang kumuha ng abogado at kung wala ay kami ang magbibigay sa’yo,” sambit ko.
“Walang hiya ka, ‘wag kang maki-alam sa’min ng lalakerong babae na ‘yan,” panlalaban n’ya.
“Noted, mukhang masisintensyahan ka ng sobra sampong taon, sapat na para sa ginawa mo,” sagot ko habang hawak s’ya mula sa likod.
Nanahimik s’ya at maya-maya ay dumating na ang ibang pulis. Papasok na ako sa kotse nang tawagin ako ni Ella. Ba’t s’ya nakaluhod sa harap ko?
“Anong ginagawa mo Ella?” tanong ko. “Tumayo ka d’yan,” dagdag ko.
“Parang awa mo na Frey, pakawalan mo ang asawa ko, nagmamakaawa ako,” sagot n’ya habang basag ang boses.
Lumuhod din ako para magkasing-pantay na kami. “Di ko maaaring gawin n’yan. Ang asawa mo ay matagal nang tinutugis ng mga kasamahan ko,” ani ko.
“Paki-usap Frey, nakiki-usap ako sa’yo,” makaawa n’ya.
“Haysst, ano pa bang magagawa ko, pyansahan mo ang asawa mo gamit ang pera ko,” sagot ko sa kanya.
“Mababayaran din kita Frey, maraming salamat,” pasalamat n’ya sa akin at niyakap ako.
May pumasok sa isip ko na kung ano. Para bang may naalala ako. Harap ng school kasama si Jam, Maris at Ella. Niyakap ako ni Ella gaya nang ngayon. In public place dati. Naaalala ko pero ‘di ko maalala kung bakit n’ya ako niyakap.
Bumitaw na si Ella at nagpaalam akong aalis na. Muli s’yang nagpasalamat sa’kin. Sumakay na ako ng kotse at umalis roon.ISANG LINGO na ang nakalipas mula nang pangyayaring ‘yun. Nakalaya na si Ken mula sa kulungan. Ano na kaya nanyari kay Ella ngayon?
Nasa meeting ako ngayon kasama ang mga bigatin na personalidad sa kapulisan. Pinag-uusapan namin kung ano ang sunod na hakbang para malabanan ang illegal drugs.
Nakakalungkot dahil pati na rin ang kabataan ay nalululong sa droga. Kahit ang alak at sigarilyo ay drugs, tinatawag lang na gateway drugs. Hindi ko ba alam na pati ang mga teenager lalo na kapag high school ay natututo nang uminom ng alak. Ako nga na 25 years old, takot uminom ng alak at hindi umiinom.
Nakakagulat dahil biglang nagvibrate ang phone ko, sa gitna nang meeting. Tiningnan ko iyon kung sino, si Maris.
“Excuse me sir, I need to take this call for a moment, emergency,” paalam ko sa kanila at pumayag naman.
Sinagot ko ang phone nang makalabas ako ng meeting room, “Hello?”
“Frey kailangan ko ang tulong, ikaw na lang malalapitan ko,” panic n’yang sagot.
“Anong nanyari?” tanong ko.
“Si Ella nawalan ng malay ditto sa Balara Filters,” sagot n’ya.
“Sige sige papunta na ako, hintayin mo ako,” dali-dali kong binaba at tumakbo patungo sa sasakyan ko.
Humarurot ako patungo sa Balara Filters. Hindi ko alam kung saang part ng Balara Filters pero maliit lang ang lugar kaya lilibutin ko na lang. Sa may gitna nang kalsada ay may mga nakatigil na motorista at may kumpol ng tao. Siguro sila Maris na ‘yun.
Dali-dali akong bumaba para puntahan si Ella. Nanginginig ang buong laman ko sa kaba. Itinulak ko ang mga nakaharang at tumambad sa akin ang walang malay na katawan ni Ella.
“Maris, buksan mo ang pinto ng kotse bilis,” utos ko kay Maris na kanina pa ‘di mapakali sa gilid.
Mabilis pero maingat kong binuhat si Ella at isinakay sa may kotse ko. Pumasok si Maris at sumakay sa may likod kasama ang nakahiga na si Ella. Humarurot naman ako papuntang ospital.
Hindi ko pinapansin ang mga kasabayan namin na sasakyan sa kalsada. Halos lumipad ang sasakyan namin at over speed na ako. Sinisingitan ko na rin kahit ang malalaking truck.
“Check mo ang paghinga,” utos ko kay Maris na ‘di malaman kung sinong tinatawagan.
“Namumutla na s’ya Frey bilisan natin,” sabi n’ya.
Talaga naman, kailangan kong bilisan. Umabot na nang 25 kilometer per hour ang speed ko. Para na akong nakikipagkarera. Wala na akong paki-alam kung may mabangga ako. Ang mahalaga madala ko sa ospital si Ella.
Nakarating kami ng East Avenue Hospital. Agad-agad kong pinarada kung saan man ang kotse. Binuhat ko si Ella papasok nang Emergency room, sinalubong naman kami ng nurse.
Pinasok sa isang room si Ella, hindi ko alam kung ano ‘yun dahil hinarangan kami. Umiiyak na si Maris na nakaupo sa tabi ko. Habang ako naman ay tahimik na nakatulala sa kawalan.
“Kayo po ba ang relatives ng pasyente?” tanong ng babaeng doctor mula sa silid kung saan pinasok si Ella.
“Asawa n’ya po ako,” ‘di ko mapigilan na sambit ng bunganga ko. Napatingin naman sa akin si Maris pero ‘di ko na ginantihan ng tingin.
“Stable na ang pasyente, pinakakain n’yo po ba s’ya,” tanong ng doctor.
“Madalas po akong wala, maaaring hindi po s’ya kumakain,” sagot ko.
“Nawalan ng sustansya ang pasyente at walang laman ang tiyan. Sana naman ay siguraduhin n’yong kumakain s’ya,” ani ng doctor. “Papaalam na ako,” dagdag n’ya.
“Hayyyssst, salamat at ayos lang s’ya,” ani ni Maris na kalmado na ngayon.
“Ako na ang magbabayad ng hospital bills n’ya, puntahan mo na s’ya sa loob,” sabi ko.
Binayaran ko ang hospital bills ni Ella at umupo saglit. Biglang may lumitaw sa isip ko. Para bang may naaalala ako na nanyari dati.
Nahimatay na rin ako, same place kung saan nahimatay si Ella kanina. Gutom rin ang dahilan pero bakit ko naman gugutumin ang sarili ko.
“Frey, gising na si Ella,” tawag sa akin ni Maris.
Tumayo ako at sumunod kay Maris. “Maris!” tawag ko.
“Bakit?” tanong n’ya nang lumingon s’ya.
“Dati ba si Justine, nahimatay na rin?” tanong ko na nagpakulot ng noo n’ya.
“Oo, dahil rin sa gutom, ‘di kasi s’ya kumakain dahil mas inilalaan n’ya ang pera n’ya para kay Ella noon,” sagot n’ya.
“Pero bakit naman n’ya ginagawa ‘yun?” tanong ko.
“Martyr kasi s’ya, mas pipiliin n’yang mamatay nang nagmamahal kay Ella,” sagot n’ya saka pumasok sa loob kung saan naroon si Ella.
Pumasok rin ako at nakita ko si Ella na namumutla pa rin. “Ella ayos ka na ba?” nag-aalala kong tanong. Para bang nanghihina akong makita s’yang ganyan
“Ok na ako,” sagot n’ya nang nakangiti. “Salamat Frey, makakabawi rin ako sayo.
“Magpahinga ka na rito, babalik muna ako sa opisina, kapag may kailangan ka, bibigyan ko si Maris ng pera, pambili ng pagkain mo, pamasahe n’yo sa pag-uwi at kung may kailangan pa,” sabi ko.
“Hindi na Frey, sobra-sobra na ang pagtulong mo,” sagot n’ya.
“Hindi ka na iba sa’kin,” nakangiti kong sambit.
“Sige alis na ako,” paalam ko.
Nagpaalam na rin ako kay Maris. Nag-iwan ako ng pera sa kanya, sobra limang libo ata ‘yun. Basta para kay Ella.
Umalis na ako sakay ng kotse ko habang naiwan silang dalawa sa ospital.NAKABALIK na ako ng opisina at sinalubong ako ni Leo. “Sir ba’t bigla kang nawala kanina?” tanong n’ya.
“May emergency lang akong pinuntahan,” sagot ko.
“Anong nanyari sir?” tanong n’ya.
“Mahabang kwento,” sagot ko at tumango na lang s’ya.
Pumasok ako sa loob ng opisina ko at nag-isip nang tahimik. Binabalot ako ng matinding katahimikan habang nakatulala sa kawalan.
Ang tao sa mundo ay sobra kung magmahal, kahit nasasaktan na ay patuloy n’ya pa rin pipiliin ang taong mahal nila.
Hindi lang s’ya ang gumagawa n’un. Pati rin ako, dahil alam kung masakit na isipin na nananatili pa rin s’yang na kay Ken, iniibig ko pa rin s’ya.
Masyado na s’yang pinahihirapan ng lalaking ‘yun pero mahal n’ya pa rin. Gan’un ba talaga kapag umiibig?
Kahit na masakit ay nananatiling nakakapit.
Kahit na nasasakal ay nananatiling nagmamahal.
Kahit na ikakamatay, puso pa rin ay nananatiling inaalay.
Kamartyran ba ang tawag roon?
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomanceSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...