KABANATA 5

15 4 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas at nagleave muna ako para umuwi sa probinsya. Ngayon ay nagmamaneho ako papuntang Antique. Kakababa ko lang ng pangalawang barko at nasa Aklan na ako ngayon.

Alas-tres pa lang ng umaga at rinig ko ang alon na lumalagaspas sa tabi ng kalsada dahil dagat ang katabi ng daan. Masyadong madilim at ang headlights lang ng kotse ko ang nagsisilbing liwanag ko, wala na kasing ilaw mula sa mga bahay rito.

Nakarating ako sa Bugasong, Antique kung saan nakatira ang mga kamag-anak ko sa part ni mama. Alas-sais na ng umaga nang makarating ako at sinalubong nila ako.

Lahat sila ay nakangiting bumati sa’kin. Nagpaalam muna ako para maglakad-lakad sa tabing dagat na ilang metro lang ang lapit. Sinabi ko rin mamaya na ako kakain dahil namiss ko ang simoy sa tabing dagat.

Nakatayo ako ngayon sa buhangin sa tabing dagat. Natatanaw ko ang pagsikat ng araw sa ibabaw ng asul na dagat. Naririnig ko ang bawat alon ng dagat na kay sarap pakinggan. Gayun na rin ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.

Naaalala ko na ang iba sa nakaraan ko at puro masasaklap. Masyadong magulo ang buhay ko mula nang umibig ako sa kanya.

Siya si Ella Mae Silvasquez, kaklase ko noong grade 8 ako. Pinaglaban ko ang pag-ibig kahit na walang pag-asa. Dahil sa kanya, ang dating kilalang matalino na Justine ay nakilala bilang tanga.

Siya rin ang nagturo sa akin na dapat tinutupad ang pangako. Gaya ng naaalala ko na 1 year rest n’ya.

Noong araw na isinulat ko ang tulang ginawa ko noong February 1, kakahiwalay lang nila ng kasintahan n’ya, hindi ko maalala kung sino. ‘Yun din ang araw na sinabi n’ya na maghintay ng 1 year.

5 months before the right time come, nag-iba ang simoy ng hangin. ‘Yung 1 year na sinasabi n’ya ay naging 10 years. Pero 10 years na ang nakakaraan… may binitiwan akong pangako sa kanya na magbabalik ako. Kahit na anong manyari, babalik ako. Ang pangako dapat tinutupad.

Pero ang problema ay may asawa s’ya. Dapat bang ipaglaban ko ang pag-ibig ko? Mahal n’ya si Ken, ang dating ako ‘di n’ya minahal. Para bang wala nang pag-asa.

Ang pangako dapat tinutupad. Ang pangako kapag ‘di tinupad ay hindi masasabing pangako, kundi isang panloloko. Promises wasn’t made to be broken. Words that you said become a word ‘sorry’ at last. If you didn’t do your promises, you’re irresponsible.

Kailangan ko bang tuparin ang pangako ko? Paano kung sa huli mali pala ang ginawa ko? Paano kung masaktan ako sa gagawin ko?

Ok… sige… I’ll try to do my promises. Kapag ‘di tama, titigil ako. The important was I did it, I try my best to do it.

Pumasok na ako sa bahay ng tita ko roon sa probinsya para kumain. Matagal-tagal na rin akong ‘di nakakakain ng bagoong, ginamus, at mga sariwang isda. Puro mamantika na lang kasi ang nakakain ko sa syudad.

Pagkatapos ko kumain, muli akong pumunta malapit sa dagat. Nasanay na rin akong mag-isa mula nang and’un pa ako sa campo. Nagduyan muna ako sa duyan na nakasabit sa dalawang puno. Kailangan kong pagaanin ang sarili ko. I need to relax, this is my vacation.

Noong high school ako, kilala ako bilang taekwondo player. Ako ang kaisa-isang atleta ng Balara na nakapagdala ng karangalan sa National Taekwondo Tournament.

Magaling rin ako sa pagsulat ng tula. Sa klase noon, ako ang laging nauuna. Kailangan ng apat na taludtod sa isang saknong at apat na saknong naman ang kailangan gawin. Natatapos ko ‘yun ng wala pang dalawang minuto.

Naaalala ko n’ung high school ako, ang tula ang nagpapagaan sa’kin. Naaalala ko na ang iba kong nakaraan. Kapag may problema ako, isinusulat ko sa papel ang tula about sa problem ko. Kasi kung maghahanap ako ng makikinig sa’kin siguradong wala. Maaaring husgahan pa nila ako kaya mabuting mas tumahimik na lang. Atlis ang papel hindi ako tatraydurin, maaari kasing ipagsabi nila ang problema mo para husgahan ng iba pero ang papel hindi ‘yun magagawa.

Naaalala ko rin na kaibigan ko ang limang ‘yun. Dati kong close friend si Ella hanggang sa nahulog ang loob ko sa kanya. Pinaglaban ko ang pag-ibig na walang kasiguraduhan kaya sa huli ako ay nasaktan.

Marahil sasabihan din ako ng iba na tanga pero tanggap ko ‘yun. Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Ella at lahat ay gagawin ko para sa kanya. Nasakripisyo ko na ang sarili ko, ano pa bang kulang?

Para lang kaming dagat at langit. Maaaring inaabot ng alon ang langit pero kailanman hindi n’ya ito maaabot. Marahil tinitingala ko s’ya pero gaya ng mga bituin sa kalangitan, imposible ko s’yang mahawakan.

Masyadong komplikado, s’ya lang ang natutunan kong mahalin. Kung nauutusan lang ang puso, uutusan ko itong tumigil. While my love flow like river, my tears flow like stream. Sa bawat pagmamahal ko, nababalot ng luhang naggaling sa kanya.

Siguro gaya ng sinabi n’ya sa’kin na ang pangako ay dapat na natutupad, dapat ay tuparin ko ang aking pangako. Since ang lalaking ‘yun ay hindi talaga nararapat sa kanya, kailangan ko nang kumilos. Hindi ko na iintindihin ang manyayari sa’kin, kailangan kong gawin ang aking pangako.

LIMANG ARAW na ang nakalipas at ngayon uuwi na ako sa Quezon City. Kasabay ng mga bus ay minamaneho ko ang aking kotse sa madilim na highway na ‘to, alas-dos pa lang ng madaling araw.

Madilim ang bawat gilid ng kalsada at tahimik lamang. Binuksan ko ang radyo ng kotse ko at nakinig ng music. Masyadong makaluma ang naririnig kong kanta sa radyo pero meaningful.

~Always somewhere miss you where I’ve been
I’ll be back to love you again
Always Somewhere miss you where I been
I’ll be back to love you again~

Always Somewhere by Scorpions. Gaya ng kantang ‘to, hinahanap-hanap ko s’ya kahit na malayo. Kahit na ilang milya ang pagitan namin ay naaabot n’ya pa rin ang isip ko. Ngayon, dala ang sarili ko, I’ll be back to love you again. Martyr na kung martyr, tanga na kung tanga, hanggang sa huli ay s’ya pa rin ang sinisinta.

Another song was played on my radio. Makaluma pero puno ng meaning. Habang nagmamaneho, namamasa-masa ang mata ko. Everything I do, I do it for you by Bryan Adams.

~Look into my eyes
You will see
What you mean to me
Search you heart, search your soul
When you find me there, you search no more
Don’t tell me, it’s not worth trying for
You can’t tell me, it’s not worth dying for
I know it’s true, everything I do
I do it for you~

Ang masaklap sa kanta, kapag naghanap s’ya sa kanyang puso at kaluluwa, hindi ako ang makikita n’ya, kundi si Ken na mahal n’ya. Is it worth trying for? Is it worth dying for? Lahat ba ng sakripisyo nagkakaroon ng halaga sa huli? Paano kapag nag-effort ka pero hindi ka pa rin pinili?

Love is too much complicated. Yes, it worth trying for and it worth dying for, pero kung alam mo namang wala naman talagang pag-asa, do you still try and die for it?

Sakripisyo ay ang kusang loob na pagbibigay, pero mahirap kapag nagsakripisyo ka at alam mong ‘di masusuklian sa huli. Sa isang storyang pag-ibig, may dalawang bida kung saan hanggang huli ay sila pa rin. Sa istorya, laging may narereject or nasasaktan. It’s normal to feel sadness lalo na kapag ‘di ka pinili.

~Look into your heart
You will find, there’s nothing there to hide
Take me as I am
Take my life
I will give it all, I will sacrifice
Don’t tell me it’s not worth fighting for
I can’t help it, there’s nothing I want more
I know it’s true, everything I do
I do it for you~

Take me as I am, handa kong ibigay ang sarili ko kahit na alam kong hindi ako ang iyong iniibig. Kahit na ang buhay ay iaalay at lahat-lahat. I give it all pero sa huli, wala ring naisukli. Is it worth fighting for? Paano ka mananalo kung sa umpisa pa lang talo ka na? Paano ka matututunang mahalin kung sa umpisa ay may mahal na s’yang iba?

Isa lang ang kasagutan sa lahat ng ‘yan. Letting go dahil alam ko na sa una na wala talaga pero pinagpipilitan kong mayroon.

Siguro baliw na ako at tanga. Dahil sa kabila ng tanong at masasakit na salita, patuloy ko pa rin iaalay ang puso ko. Gan’yan ako kamartyr, talo na nga, pagpapatuloy pa.

To be continue...

In Love with the Same Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon