KABANATA 11

2 2 0
                                    

Kinabukasan, muli kong nakasalubong si Loide dala ang kanyang gamit palabas ng opisina. Inilipat kasi s’ya sa Pasay dahil doon n’ya gusto. Matalim n’ya akong tiningnan sa mata at hindi n’ya iyon inialis hanggang sa malagpasan n’ya ako.

Nakarating na ako sa loob ng opisina nang muling biglang bumukas ang aking pinto at pumasok si Loide. Masama pa rin ang timpla ng utak n’ya.

“Jeffrey, tandaan mo, layuan mo si Ella, dahil kahit heneral ka pa, hindi kita uurungan,” sambit n’ya sabay hampas ng lamesa ko. Tumayo na lang ako saka naglakad palabas.

Bago ko pa mahawakan ng doorknob ay sinuntok na n’ya ako dahilan para masubsob ako sa sahig. “Pwes Loide, h’wag mo rin ako subukan, matagal na akong nagtitimpi sa’yo at kung ‘di lang ako naaawa sayo, wala na ang pinaghirapan mo,” sagot ko sa kanya.

Muli n’ya sana akong susuntukin ngunit inilagan ko ‘yun. Ramdam kong may umagos na kung ano sa pisngi ko, dugo. Sa lakas siguro ng pagkakasuntok n’ya sa’kin kanina. Pero ‘di ko s’ya pwedeng patulan at kung ano pang gulo ang manyari.

“H’wag kang duwag, inspector ka habang ako naman ay PO2, pero ‘di mo magawang—” pinutol ko ang panlalait n’ya.

“Hindi ranggo ang sukatan ng lakas Loide. Aanhin mo ang pagiging pulis at ang ranggo mo kung ang sarili mong pag-uugali ay ‘di mo na maayos. H’wag mong daanin sa kamao mo ang lahat Loide, matuto kang magtimpi gaya ng ginagawa ko. Hindi pagiging mahina ‘yun, iyon ay pagiging makatarungan,” putol ko sa sambit n’ya.

Akmang susuntukin n’ya ulit ako pero mabilis akong lumabas. Agad akong sinalubong ni Leo na nagtataka dahil sa sugat ko sa pisngi na patuloy na nagdudugo.

“Sir, anong nanyari?” tanong n’ya at biglang lumabas si Loide sa opisina ko. Nagulat s’ya nang makita na tinitingnan kami ng iba.

“Walang hiya ka—,” pinutol ko ang kanyang sambit.

“Kahihiyan ka sa hanay ng ating ahensya. Bilang opisyal ng kapulisan ng bansa, pinag-uutos ko na tanggalin ka sa trabaho mo, sinabi ko na h’wag mo akong subukan,” putol ko sabay ngisi.

“Aba! Walang hiya ka talaga Lesviano,” inis n’yang ani. “Ibalik mo ang trabaho ko ngayon na,” dagdag n’ya.

“Una pa lang Loide binalaan na kita pero ‘di ka nakinig, pinagpatuloy mo pa rin ‘yan init ng ulo mo. Ngayong sumusobra ka na, nararapat lang na patawan ka ukol sa iyong nagawa,” sagot ko. “Ngayon, umalis ka na rito kasama ng mga basura mo PO2, este mamamayan,” dagdag ko sabay ngisi.

“Wala kang karapatan---,” pinutol ko ang sasabihin n’ya.

“May karapatan ako Loide, pumili ka sa dalawa, trabaho mo o check-in sa kulungan? Ngayon subukan mo ko,” putol ko.

“Kapal talaga ng mukha mo ungas ka, pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa’kin, hindi ko ‘to malilimutan!” sigaw n’ya.

“Pwes ‘wag mo kalimutan, gusto mo araw-araw ko pa ipaalala sa’yo para ‘di mo malimutan,” asar ko.

Akmang susuntukin n’ya ako pero bigla akong nagsalita,”sige, suntukin mo ako. Hindi lang pagtanggal sa’yo sa serbisyo ang matatamo mo, patitirahin na rin kita sa selda rito.”

Napatigil naman s’ya sa banta n’yang pagsuntok at napahinga sa inis. Muli n’ya akong tiningnan ng masama tsaka nagsalitang muli, “bagbabayaran mo ang lahat ng ito Lesviano, hindi ko ‘to palalagpasin.”

“Bantaan mo lang ako pero kailan man ay hindi mo ako masisindak, handang-handa ako sa’yo kaya ikamusta mo na lang ako sa kisame ng bahay mo, dahil bukas, wala ka nang babalikan na trabaho,” tugon ko.

In Love with the Same Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon