Ngayon ay ang ika-26 na kaarawan ko. Wala namang bago sa araw na ‘to. Pagkagising, facebook ang pinaka-maeffort mag-greet, may pa-video. Mayroon ding magsusulat sa timeline ko at ang iba naman plastic, maggi-greet lang pero kapag sa personal dedma.
Since wala akong makakasama ngayon, tawagan ko kaya si Maris para imbitahin din sila Ella para kumain. Ililibre ko na lang sa McDonald. “Hello,” bati ko pagkasagot n’ya.
“Happy Birthday Frey!” pabalik na bati n’ya.
“Pwede mo bang imbitahan mga kaibigan mo mamaya sa UP Town para kumain, libre ko kayo,” ani ko.
“Hala weh! Sige sige, anong oras?” tanong n’ya.
“Ala-una mamaya sa McDonald,” sagot ko.
“Hala! Sana all, yayamanin ka talaga pero saglit—” napatigil s’ya at napakunot na lamang ang nuo ko. “September 13 ngayon at birthday mo. Si Justine naman ay—,” pinutol ko.
“Baka nagkataon lang ‘yun,” putol ko.
“Umamin ka nga, ikaw ba si Justine?” pilit n’ya.
“Pinakita ko na lahat ng ID ko tapos pinagdududahan n’yo pa rin ako,” sagot ko at pilit kong hindi ako si Justine.
“Hayst, o sige, kita tayo mamaya,” aniya at ibinaba ang tawag.
Grabe muntikan na ako ‘dun. Kapag nalaman nila, tiyak katapusan na ng buhay pag-ibig ko. Dapat maitago ko ‘yun at hindi nila malaman na kami ni Justine ay iisa. Kahit anong manyari dapat itanggi ko sa ngalan ng aking puso.
Mahirap man magtago ng matinding sikreto, sana ay kayanin ko. Dahil ‘yun na lang ang susi ko para muling mapasok ang puso ni Ella. Kapag umamin ako o nahuli, lalayuan n’ya ako, e ‘di mas humirap ang sitwasyon ko ngayon.
ALA-UNA na ng tanghali at naghihintay ako sa loob ng McDonald. Naka-pwesto ako sa lamesa kung saan una ko silang nakilala bilang Jeffrey. ‘Di nagtagal naririnig ko na ang tawanan nila, hudyat na naririto na sila.
Nakangiti ko silang sinalubong papasok ng restaurant. Ngumiti rin sila at lumapit sa’kin. “Happy Birthday!” sabay-sabay nilang bati. Ngunit parang may kulang.
Wala si Ella…
“Ahmm… may sopresa kami para sa’yo, saglit lang at darating na ‘yun,” ani Maris.
Nagtatago sila eh halata naman kung ano. Si Ella.
Maya-maya ay pumasok si Ella na may dalang cake na may nakasinding kandila. Sabay-sabay silang apat na kumakanta ng “Happy Birthday!” habang si Ella ay papalapit sa’kin.
“Mag-wish ka na,” ani Maris.Ipinikit ko ang mata ko at nagsimulang magdasal sa isipan:
Lord, pinupuri kita sa iyong kadakilaan at sa iyong walang hanggang pag-ibig sa bawat isa sa amin, Lord sana ay mapatawad n’yo po kami sa bawat kamalian na ang nagawa sa araw-araw, maraming salamat naman po sa panibagong taon na binigay ninyo sa akin, maraming salamat din po sa mga biyayang araw-araw naming tinatanggap, Lord, sana magawa ko ang aking hangarin, gabayan mo po ang bawat isa sa amin, pamilya, kamag-anak, kaibigan, sarili at lalo na po si Ella.Pag-mulat ko ng mata naghiyawan silang lima at kumanta ulit. Ang ingay nila, nakakahiya sa ibang costumer sa loob ng restaurant.
“Frey… saglit lang, may napansin ako,” ani Jam sa tabi ni Maris.
“Ano ‘yun?” pagtataka ko.
“Ka-birthday mo si Justine, hindi kaya ikaw si Jus—,” pinutol ko na.
“Hindi ako si Justine, ok? Ilang beses ko na pinatunayan sa inyo hindi ba?” putol ko sa kanya.
Nagsitanguan na lang sila habang ako naman ay umorder sa counter. Pagkatapos kong makuha at ipa-assist ‘yung iba ay bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Naka-upo kami nila Maris at Jam sa may dingding at nasa harap naman namin sila Ella, Chrisia at Jen.
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomanceSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...