Ilang araw na ang nakalipas mula noong nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin ni Loide at hanggang ngayon, hindi pa nagkakasalubong ang landas namin. Para bang sinasalunghat ang daan namin.
Nasa bahay ako ngayon since now is Sunday. Nakaupo lang ako sa terris at dinadama ang hangin na dumarampi sa balat ko. Ngayon ay ang unang araw ng Setyembre, 12 days before my birthday.
Nakatitig lang ako sa ibon nagsisiliparan nang maalala ko ang kahon kung saan naroroon ang mga tungkol sa akin. Kaya tinungo ko ang table ko sa kwarto ko para kunin ‘yun. Kinuha ko ang isang papel na para bang may sulat na nakalagay na: Kay Jay Shun Valdeza. Sino ang lalaking ‘to?
Binuklat ko ang sulat at nagsimulang basahin iyon. Screenshot pala ‘to na pinrint. Ito ang nakasulat:
Hi kuya, may sasabihin Lang akong very important. I can't keep it on my own so I want to tell it to you. Alam mo ‘yung feeling na walang nakakaintindi, walang nagmamahal, walang nagpapahalaga, gan’un ako. Then I found Ella, s’ya ‘yung taong marunong umintindi. By the way, what it is all about? tungkol ‘to sa nararamdaman ko. Oo sinabi ko sa’yong mag-momove on ako for sake of your relationship with Ella, but ‘di ko kayang tanggalin ‘yung pagmamahal ko Kay Ella.
Ever since si Ella na ang minahal ko at lahat ginawa ko para kay Ella. Pinagsilbihan ko s’ya, lagi ako nakaantabay kapag may kailangan s’ya kasi ayokong nahihirapan s’ya. Matagal kaming naging close, halos kilala ko na sya. Tuwing nakikita ko ‘yung post mong sweet na para sa kanya at ang kulitan n’yo na kay saya, naiiyak ako kasi ikaw minahal n’ya, akong matagal ng nagmamahal sa kanya, wala man lang akong napala.
Ilang beses na akong umiyak dahil mahal ko s’ya at halos ng mga luhang ‘yun ay dahil sa inyong dalawa. Mahal ko si Ella, higit sa iniisip ng iba, kaya hanggang ngayon na alam kong mahal ka n’ya, ‘di ko pa rin magawang sumuko, kahit ilang beses na akong umiyak kahit na ngayon umiiyak na ako. ‘Di ko na kaya ‘yung sarili ko, wala naman akong karapatan na magreklamo, pero ‘di ko na kaya.Masakit sa loob ko ‘yung nakikita ko s’yang masaya sa’yo. ‘Di kita masisisi kung minahal mo s’ya at alam kong wala naman akong puwang sa puso n’ya. Alam kong madrama ako, pero kung alam mo lang kuya ‘yung sakit na naramdaman ko mula noong minahal ko s’ya, wala ka pa n’un kaya’ di mo alam kung gaano ko sinakripisyo ‘yung sarili ko.
Yes you are better than me, but if I can convince you to leave her but I can't, dahil mahal n’yo ‘yung isa’t isa at wala na akong magagawa. I just want you to know what I feel. Masakit, mas masakit pa sa masakit, mas masakit pa sa kamatayan, gan’un ka sakit, kung naintindihan mo lang ako kuya.
Ang mundo ko noon ay umiikot sa libro, notebook, ballpen sa madaling salita sa pag-aaral, then n’ung nakilala ko s’ya, s’ya na ‘yung nagpatibok sa puso ko. Kung sa bagay, wala naman kayong paki-alam sa nararamdaman ng iba kasi kayo nagmamahalan na, ba’t n’yo pa ako iintindihin. Masakit, masakit, masakit ‘yun ‘yung salitang bumaon na sa puso ko dahil ‘yun ‘yung bukambibig ko kapag umiiyak ako ng dahil Kay Ella.
Ibig sabihin bago pa si Jay Shun ay mayroon pa akong nilabanan. So it means, pagkatapos ni Loide, dumating si Jay Shun. At mula noon, hindi na minahal ni Ella ang tulad ko.
Nalaman ko rin na umiiyak ako habang ginagawa ko ‘to. At sa pagkakaprint nito, para bang sinend ko ‘to via Facebook. Baka nga!
Then, naging close friend ko rin pala si Ella dati. Siguro nawasted ang pagkakaibigan namin mula n’un. Siguro hindi naman dahil nakikipag-usap pa rin s’ya sa’kin ngayon pero kilala n’ya ako bilang Frey. At noong una na napagkamalan n’ya na ako si Justine ay hindi n’ya ako pinansin.
Friendship was wasted when the love come on the way. Dahil sa oras na umamin ka ay lalayuan ka, lalo na kapag hindi ikaw ang gusto n’ya. That was a painful reality, every boys weakness.
Kuya ang tawag ko kay Jay Shun, ibig sabihin mas matanda s’ya sa’kin. Baka nga mas matanda s’ya ng dalawa o tatlong taon.
Gan’un ko ba talaga s’ya kamahal noon. Hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na pagmamahal sa kanya, kasi nga iba ang mahal n’ya. Tapos, ‘di pa kami nag-uusap ngayon.
Tatawagan ko nga para alukin na kumain. “Hello,” panimula ko nang sagutin n’ya ang tawag ko.
“Oh Frey! Napatawag ka?” sagot nya.
“Puwede ka ba anyayahan kahit ngayon lang na kumain sa labas?” tanong ko.
“Ah eh ‘di ako sure,” sagot n’ya.
“Please, kahit ngayon lang, may itatanong rin sana ako,” pilit ko.
“Ok sige,” sagot n’ya.
“Maraming salamat!” sambit ko.
“Susunduin kita sa Gate sa Balara Filters, pupunta tayong Maginhawa Street,” dagdag ko.
Binaba ko na ang phone at nag-ayos papunta roon. Hinihintay ko lang s’ya sa kotse ko nang makarating ako sa pinag-usapan naming lugar. Malapit lang kasi iyon at hindi traffic.
“Ella!’ tawag ko nang matanaw ko s’yang bumaba ng tricycle. “Halika! Pumasok ka sa kotse!” dagdag ko.
Pumasok naman s’ya pagtapos n’ya magbayad sa tricycle. “Kamusta naman?” bati ko sabay paandar ng kotse.
“Ito ayos naman, ikaw?” bati ko rin.
“Nakakaraos pa naman, ano nga pala itatanong mo?” tanong n’ya.
“Mamaya pagdating natin sa kakainan natin,” sagot ko.
Kalahating minuto na nang makarating kami sa lugar. Pumarada kami sa Black Scoop kung saan umorder ako ng miktea at marshmallow cake. Umupo kami sa table malapit sa bintana.
“Ano na ‘yung itatanong mo?” tanong n’ya.
“Kilala mo si Jay Shun Valdeza?” tanong ko.
“Ha? Eh hindi ‘e,” sagot n’ya.
“H’wag mo na akong lokohin Ella, ikaw lang mapagtatanungan ko,” ani ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
“Ah eh, naging MU kami n’un, pagtapos namin maghiwalay ng boyfriend ko n’un, naging MU ko si Jay Shun,” paliwanag n’ya.
Tama nga ako! Totoo nga ang naisip ko na pagtapos ni Loide ay si Jay Shun ang dumating sa puso n’ya.
“Paano kayo nagkakilala?” tanong ko.
“May project kasi kami sa school n’un at tinuruan n’ya kami ng sayaw na ipeperform namin. Nagkagusto kami sa isa’t isa n’un,” sagot n’ya.
“E si Justine?” tanong ko.
“Ahmmm… mas pinili ko si Jay Shun kahit na matagal na nagkakagusto sa akin si Justine,” sagot n’ya.
“Bakit?” tanong ko.
“Ewan,” pag-aalangan n’yang sagot.
“Ok sige,” sambit ko na lamang. Nagpatuloy kaming kumain nang maisip ko ang isang ssimbahan na malapit dito. Malapit sa akin ang simbahan na ‘yun dahil may binitawan akong pangako roon.
“Ella, pupuntahan natin ang St. Clarette Church mamaya, maganda ang simbahan na ‘yun,” sabi ko sa kanya.
“Ok sige sige,” sagot n’ya.
To be continue...
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomantikSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...