KABANATA 1

29 6 0
                                    

Nakasakay na ako ng tricycle papunta sa luma naming bahay. Since may allowance every month kapag nag-aral sa PNPA, nakabili ako ng bahay sa may katipunan na mas malaki kaysa sa luma naming bahay.

Bumaba ako at para bang walang pinagbago ang lugar maliban sa nawala ang ibang bahay, pinagiba dahil gagawing highway. Pero buhay pa naman bahay namin, alagang Lesviano 'e.

Medyo luma na at nangangalawang na ang yero at kupas na ang pintura. Binuksan ko ang kandado at tumambad sa akin ang alikabok. Five years na kasi mula nang iniwan namin ang bahay na ito. Agad akong tumungo sa kwarto ko kung saan nakalagay ang naiwan kong gamit.

Isang box kasama ang naiwan na lamesa at katre, magkakatabi sila. Umupo ako sa lumang katre na tinutulugan ko noong bata pa ako. Binuksan ko ang kahon at tiningnan ang laman: mga lumang notebook, papel at libro.

Tumambad muna sa akin ang noteboo na puro tula ang laman. Binuksan ko iyon na may date na: August 13, 2009, 11 years ago.

Tiningnan ko ang harap na may baybayin at trinanslate ito: Sierra Oscar Foxtrot India Alpha. Sa pagkakaalam ko isa yung phoenic term as 'SOFIA' at sino si Sofia?

Gumulo-gulo ang isip ko dahil 'di ko matandaan na Sofia. Kaya tiningnan ko ang mga pahina kung may pangalan pa at mayroon nga. Justine B. Terevasques ang nagsulat pero ang alam ko, ako ang sumulat nito. May nakasulat rin na 'Dedicated to Sofia Hermandez.'

Ang gulo, sino si Justine? 'Yun ba ang tinutukoy ni Maris kanina. Baka ako si Justine. Pero paano? Ako si Frey. Ang gulo, sumasakit na ang ulo ko.
Tinawagan ko si mama na nasa probinsya ngayon, doon na sila nakatira.

"Mama! Hello?" panimula ko.

"Musta 'nak?" pangamusta n'ya.

"May itatanong sana ako 'ma," agad na sambit ko.

"Sige," sagot n'ya.

"Sino si Justine 'ma?" tanong ko.

"Ha? Hindi ko alam, wala akong kilalang Justine 'nak," sagot ni mama.

"Ma hindi ako nakikipagbiruan, ako ba si Justine?" tanong ko.

"Nak, oo ikaw nga," sagot n'ya.

"Pero paano?" tanong ko.

"Pinalitan namin ang pangalan mo dahil may dahilan ka," sagot ni mama.

"Anong dahilan?" tanong ko. Napakagulo pa rin talaga.

"Hindi ko rin alam anak, ikaw lang ang nakakaalam dahil bago ka maaksidente sabi mo na kapag gusto mong baguhin lahat sa'yo," sagot ni mama.

"Sige na mama, ingat kayo d'yan," paalam ko.

Binaba ko na ang cellphone ko. So, ako nga si Justine pero bakit gusto kong baguhin ang buhay ko noon. Ang gulo pa rin. Kaya sinimulan kong basahin ang notebook na hawak ko.

Naglalaman iyon ng 436 stanzas na poem na may 4 lines tig-iisa. And about 'to sa love story namin ni Sofia.

Nakakaburyong magbasa kaya napapikit ako saglit pero pagdilat ko, ibang mundo ang sumalubong sa akin.

Nasa loob ako ng classroom na 'di ko maalala kung saang school 'to. Hawak ko ang kwadernong puno ng tula pero nawala ang kalahati ng sulat. Naka-uniporme rin ako.

"Pabasa nga Justine," sambit ng katabi ko.

Pagtingin ko si Ella ang katabi ko. Pero pa'nong ang bata pa ng mukha n'ya. "Ha?" nagtataka kong tanong.

"Sabi ko pahiram ng tula mo, babasahin ko," sagot n'ya.

Nasaan ako? Ang creepy naman.
Nakita ko si Maris sa corridor kasama sila Jam at Jen. Binigay ko kay Ella ang notebook at tumakbo kay Maris na para bang lilipad ako.

In Love with the Same Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon