KABANATA 8

5 2 0
                                    

Pagtapos namin kumain ay naglakad kami sa kahabaan ng kalsada patungo sa St. Clarette Church. Kumakain kami sa ano mang madaanan naming kainan habang tinatahak ang daan patungo roon. Namangha ang mata n’ya nang makita ang simbahan. Kay ganda ng bulaklak rito at napakaaliwalas ng paligid.

Pagpasok namin ay mas lalong nalula ang mata n’ya sa ganda ng simbahan na ito. Kaming dalawa pa lamang ang tao rito. Namangha kami sapagkat ‘di pangkaraniwan ang simbahan na ito, sapagkat mataas ang altar nito at wala sa gitna rin ang altar.

Napakalawak at napakatahimik ng simbahan na ito. “Alam mo ba noon, may binitiwan akong pangako rito,” pambasag ko ng katahimikan.

“Ano ‘yung pangakong ‘yun?” napabaling s’ya ng tingin sa’kin.

“Muli akong babalik rito upang dalhin ang babae na gusto kong dalhin sa altar na ‘yan,” ani ko at humarap sa altar.

“Pero kasal na ako Frey,” aniya.

“Hindi ko naman hangad na sirain ang pagmamahalan ninyo ni Ken, kaya iniba ko ang pangakong ‘yun at pinalitan ng dadalhin ko ang taong mahal ko sa lugar na ito,” sabi ko sa kanya. “May isa pa akong pangakong binitiwan dito ngunit ‘di ko maalala,” dagdag ko pa.

“Ha? Paano namang nakalimutan mo?” tanong n’ya.

“Hindi ko alam,” sagot ko. “Matagal na mula nang bitiwan ko ang pangakong ‘yun. Nais ko sanang tuparin pareho pero ‘di ko maalala ang isa,” dagdag ko pa.

“Ang ganda ng simbahan na ‘to, paano mo ba nalaman na may gan’tong simbahan?” mangha n’yang tanong at sinusuri ang bawat sulok ng simbahan.

“Ang teacher ko kasi dati noong high school ako ay dinala rito kasama ang iba ko pang kaklase, pinagdiwang namin ang pasko namin dito,” sagot ko. “Dahil bago ka lang dito, magwish ka, sabi ng teacher ko noon, kapag bago ka pa lang sa simbahan ay dapat magdasal ka muna tapos humiling ka sa Diyos pagkatapos ng iyong dasal,” dagdag ko.

Lumuhod naman s’ya at nagdadasal ng tahimik. Nakatingin lang ako sa imahe ni Hesu-Kristo sa altar na inukit sa kahoy. Para bang naaalala ko na ang lahat. Ang pinangako ko noon na dadalhin ko ang taong papakasalan ko at si Ella sa lugar na ito. Gayun na rin na may sindihan ng kandila sa tabi ng simbahan. Libre ang magsindi roon para magdasal. Hiniling ko noon na sana maayos at magawa ko ang pangako ko sa harap ng Diyos at nagawa ko na nga.

Dumilat s’ya at umupo sa tabi ko. “Ella,” tawag ko dahilan para mapabaling s’ya sa’kin.

“Kung sakaling ako nga si Justine, anong gagawin mo?” tanong ko. Nagtaka naman s’ya sa tanong ko.

“Kung sakali lang naman,” pahabol ko.

“Ewan, ‘di ko alam,” sagot n’ya.

“Bakit mas pinili mong pakasalan si Ken?” tanong ko.

“Ha? Kasi mahal ko s’ya,” sagot n’ya. Oo nga naman.

“Minahal ka ni Justine at halos isakripisyo n’ya lahat pero ‘di mo s’ya pinili,” ani ko.

Napatingin naman s’ya sa’kin na nagtataka na. “Ikaw ba ay si---” pinutol ko ang salita n’ya.

“Hindi nga ako si Justine, tingnan mo kasi, nag-effort s’ya noon para sa’yo pero hindi s’ya ang pinili mo,” sabi ko.
“Hindi mo na ba naranasan na umibig noon?” tanong n’ya sa’kin.

“Naranasan na,” sagot ko.

“Anong nanyari?” tanong n’ya.
Ok Ms. Q and A na ‘to. Pero ‘di ko pwedeng sabihin o ipahalata na ako si Justine. Baka iwasan n’ya ako, remember?

In Love with the Same Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon