Nakarating na ako sa bahay, nasa balkonahe at nakatulala sa kalangitan. Kailangan ko ba talagang tuparin ang pangako ko? Pwede namang hindi, pero ‘di ako matatahimik kung hindi ko tutuparin.
Ella Mae Silvasquez, babaeng nagpapagulo ng buhay ko. Pag-ibig na hindi malimutan at sampung taon nang buhay. Sa pagkakatanda ko, 7 years ago nang ikasal s’ya kay Ken. Kakapasok ko pa lang ng kolehiyo n’un.
Now was February 14. It’s Valentine’s Day, at siguro dapat magbigay ako ng regalo kahit simple lang.
Bibili ako ng rosas at chocolate at iaabot ko mamaya. Pero ngayon, susulat muna ako ng letter. Syempre handwritten para sincere, it’s hard to write but it become easy with your heart.
Ang rosas na ito ay simbolo ng walang batid at hangganang pag-ibig ko sa iyo. Hangga’t nabubuhay ito ay nananatiling buhay ang pag-ibig ko. Sa oras na ito ay malanta, ang pag-ibig ko ay mamamatay gaya ng pagkamatay ng rosas na ito.
Ang tsokolate na ito ay simbolo ng walang dulong tamis ng aking pag-ibig. Sa iyong labi ay dadampi at hatid nito ay walang hanggang pag-aalay ng pag-ibig.
Kahit na corny ay atlis nag-effort akong magsulat. Sa bawat tintang ‘yan may katumbas na pag-ibig. Sa bawat letra ay sigaw ng puso.
Bumyahe na ako sa UP Town para bumili ng rosas roon at chocolates. Syempre para social, Ferrero Rocher. Bigla kasing lumitaw sa utak ko na noong high school ako ay 'yun ang lagi kong binibigay if may mahalagang okasyon, like this, Valentine’s Day.
Nakarating na ako sa area nila at naglalakad sa gawing papunta sa kanila. Para bang may nagturo na sa’kin ng daan pero ‘di ko maalala kung sino.
Pero sa paglalakad ko nakasalubong ko si Ken.Pagtama ng mata namin ay biglang pumungay ang mata n’ya na naghahamon ng away. Dinaanan ko lang s’ya pero para bang may sense ako na susuntukin n’ya ako kaya bigla akong gumilid. Totoo ngang susuntukin n’ya ako dahil napahiga s’ya sa pag-iwas ko.
“Anong ginagawa mo rito?” pasigaw na tanong n’ya habang tumatayo.
“May pupuntahan lang ako,” sagot ko sa kalmadong boses.
“Ang asawa ko na nilalandi mo?” sigaw n’ya.
“Mag-ingat ka sa pilantik ng dila mo, baka dalhin ka n’yan sa impyerno,” sagot ko.
“Tinatakot mo ba ako?” sigaw n’ya. Ilang metro lang ang layo n’ya sa’kin.
“Hindi kita tinatakot, binabalaan lang kita,” sagot ko.
Pinalipad n’ya ang kamao n’ya pero umilag pa rin ako. Patuloy s’ya sa pagsuntok pero iniiwasan ko na lang.
“H’wag na h’wag mong lalandiin si Ella, ‘di porket pulis ka at lider ka pa ng kapulisan ay papalampasin kita,” sigaw n’ya habang patuloy na sumusuntok.
Tahimik lang akong umiilag hanggang sa mapagod s’ya. Nang mapagod s’ya, tinalikuran ko lang s’ya at nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Ella. Mabuti at ang hawak kong regalo ay ‘di nasira.
Narinig ko ang yapak ni Ken na papalapit sa’kin kaya ‘di ko napigilan ang sarili na magturning side kick na s’yang tumama sa mukha n’ya.
Nagulat ang lahat ng chismosa sa paligid sa nanyari dahil natumba na naman si Ken. Tumayo s’ya nang akmang dumating ang mga tanod. Huhulihin sana ako pero nang magpakilala ako, kinamayan lang nila ako.
Bumalik ako sa opisina nang ‘di nabibigay kay Ella ang regalo ko dahil baka magkaroon ng malaking gulo.
“Sir, para kanino ‘yan?” tanong ni Loide sa’kin.
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomantiekSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...