KABANATA 10

4 2 0
                                    

Alas-dose na nang matapos ang kwentuhan namin kagabi. Kaya gabi na rin kaming natulog.

Kinaumagahan, pag-gising ko ay wala na s’ya, umuwi na ata dahil nag-iwan s’ya ng sulat:

Maraming salamat nga pala sa tulong mo at pagpapatuloy mo sa akin sa bahay mo.
Bibigyan ko ito ng halaga kaya makakaasa ka na huli ay mabubuhay ang rosas na binigay mo sa akin.
Ang rosas na binigay ko na simbolo ng pag-ibig ko ay iingatan n’ya.

Napangiti ako ng unti sa nabasa ko. Sana hindi s’ya saktan ng demonyo n’yang asawa. Kung ‘di lang dahil kay Ella, habambuhay na ‘yun sa kulungan at papahirapan ko ‘yun.

Pero ‘yung rosas at pag-ibig ko ay iingatan n’ya. Ibig sabihin na-appreciate n’ya ang ginawa ko. Kaso habambuhay ko s’yang iibigin kaya lagi ko s’yang aantabayanan.

Lunes na ngayon at sunod biyernes na ang kaarawan ko. Hindi naman ako excited dahil sigurado facebook ang unang babati sa’kin at tsaka lang nila maaalala kapag nakita nila sa newsfeed nila. Tamang bati pero ‘di naman sincere. Sa mundong ‘to, mas angat ang pag-intindi sa sarili kaysa sa iba. Maaaring dahil sa ginawa nang iba kaya nagiging makasarili ang tao.

Papasok na ako ng opisina nang makasalubong ko si Loide. Walang imik at nilagpasan lang ako. Siguro galit pa rin, sino naman kasing ‘di magagalit kapag mahal ng iba ang mahal n’ya.

“Sir, magpapatransfer daw po si Loide sa ibang station, pirma n’yo na lang ang kulang,” sabi ni Leo nang makarating ako sa tapat ng pinto ko kaya tinanguan ko na lang.

Matindi siguro ang galit nito kaya magpapalipat. Kung sa bagay, ayaw ko rin ng gulo kaya mas mabuti na ‘to.
Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang isang katerbang papeles na pipirmahan kasama ang transfer request ni Loide. Matagal pala akong namahinga. Umupo ako saka inisa-isa iyon, puro close cases lang pala ‘to kasama ang case ni Ken. At sa huli, pinirmahan ko ang transfer papers ni Loide.

“Sir, may bisita po kayo,” ani ni Leo nang pumasok s’ya nang ‘di man lang kumakatok.

“Sino ‘yan?” tanong ko. ‘Di ko naman ini-expect na may bisita ako ngayon. Wala naman akong masyadong kaibigan.

“Si Chrisia at Jen raw po,” sagot n’ya.

“Sige papasukin mo na,” tugon ko at iniluwa ng pinto sila Chrisia at Jen. At agad naman nila akong binati.

“Anong sadya n’yo rito?” tanong ko sa kanila.

“Birthday kasi namin at gaganapin ang pagdiriwang mamayang gabi, iimbitahan sana namin ikaw sa  Orosa Hall,” sagot ni Chrisia.

“Ikaw birthday mo rin ba?” tanong ko kay Jen.

“Oo ‘e, since parang iba ang pakiramdam namin sa’yo, iniimbitahan ka namin, pero kung ayaw mo, e ‘di ‘wag,” sagot ni Jen. Aba! Attitude ka sis’. “Charott lang,” sabay tawa, ‘yung tawang aso gan’un, charottt sayang naman pagkain kung lalaitin ko s’ya.

“Sige pupunta ako, iwan n’yo na lang ang invitation n’yo rito sa lamesa,” tugon ko.

Inilapag naman nila ang invitation card sa lamesa at nagpasalamat. Dali-dali naman silang lumalabas na para bang nagmamadali. Si Jen kasi parang may pupuntahan, tapos masungit pa, attitude talaga ‘to e. Si Chrisia naman, ayos lang, simple lang, parehas silang medyo pandak.

Binuksan ko ang invitation at nagulat na lang ako dahil magarbo. Orosa Hall ang venue at para bang bigatin ang bisita. ‘Di ko pa pala napapagawa ang windshield ko kaya nagtaxi ako kanina, pero ayokong mapahiya kaya bibili ako bagong kotse.

KINAGABIHAN, nagsuot ako ng long sleeve at black pants para magmukhang presentable. Sakay ng bago kong kotse na black Fortuner ay agad akong nagtungo doon.

In Love with the Same Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon