Ilang minuto na ang nakakaraan, ngayon ay full charge na ‘yung phone na nakita ko sa box. Nabuksan ko ‘yun pero may pin. Malay ko ba kung anong pin nitong phone na ‘to.
Nakita ko sa screen ang pangalan ni Ella. Sinubukan kung itype using numbers then gotcha, nabuksan ko.
Tumambad sa akin ang isang wallpaper na magkatabi kami ni Ella. Nakabarong ako habang s’ya naman ay naka-saya. Nakita ko ulit ‘yung ngiting hinahanap-hanap ko.
Una kong binuksan ay ang gallery. Tumambad sa akin ang mga picture ni Ella. Naka-organize sa folder na screenshots at messenger. Pero n’ung buksan ko ang folder ng screenshots, maraming mga picture ng chats ang nakatawag pansin sa akin. Pinindot ko yung unang pic at binasa:
September 13, 2010
From: Ella SilvasquezHoy ‘di pa kita nababati. Syempre una tinatamad ako mag-type kaninang umaga ta’s tinamad ulit ako n’ung tanghali ta’s tinamad din ako kanina, kasi nga nagse-shared post ako ‘di ba? Wala bang pakain? Charot lang basta Justine happy birthday. Ayaw ko mag-english baka mali ang grammar, kahiya naman ‘yun. Basta birthday mo ngayon ta’s maya-maya lang 12:00 na kaya ‘di mo na birthday ‘yun. Pahabol lang ‘tong pagbati ko sa’yo magad!
Basta birthday mo dapat pakasaya ka lang kanina gan’un! Ako nga ‘di ko naman araw-araw birthday pero laging nagpapakasaya. Tapos nga pala, habang binabasa mo ‘to dapat nakangiti ka gan’un, ‘di ‘yung mukhang timang lang ‘di ba? Kaya ngiti ha! Dapat lagi tapos alam ko namang may problema ka rin, tao ka ‘e, ‘di ka naman animal, basta kahit ano pa man ‘yang problema na ‘yan, hayaan mo lang, maaayos din iyan, importante buhay ka ok? Kaya dapat happy lang.
Basta ang wish ko maaayos ‘yung problema mo kahit ano pa man ‘yan. lahat naman tayo may problema, kahit maliit man ‘yan, problema pa rin ‘yan, basta problema, basta ulit, ‘yun na iyon. Tapos dapat lagi kang good vibes gan’un. Basta happy birthday ulit, nagsisimula na naman akong tamarin mag-type, ingat ka na lang palagi, I wish you all the best, basta english din ‘yan ta’s mali pa.
Uulitin ko lang, happy birthday at ng uulitin at ng uulitin ko ulit at ng mauulit ng paulit-ulit. More birthday to come Justine ta’s salamat na rin sa lahat ng efforts mo sa’kin. Pero ‘di mo naman kailangan gawin lahat ng ‘yun. Ta’s bukas ‘wag mo na akong sunduin, kaya ko naman maglakad, kagagaling mo lang sa sakit ‘di ba? Basta ‘yun bawal mabinat ang buntis charot. Sige good night Justine, sana ‘di ka nagtampo, late na ako bumati ‘e. Parang tulog ka na ata, sige bye, inaantok na din ako kaya ‘yan lang ‘yung kaya kong i-type. Basta uulitin ko, happy birthday.
Natulog ka tuloy ng hindi ko binabati ng happy birthday pero ok na ‘yan. Atlis, nag-effort ako dito bago mag 12:00 ‘di ba?
Good night ulit Justine, ngayon lang ako gan’yan sa’yo! Ngayon lang talaga ako nag-effort magad!
Basta importante buhay ka ok? Bye.
Effort na para sa’kin ‘yung pagta-type. Sige bye na talaga, matutulog na ako.Grabe! Tamad ba ang tawag d’yan. Pero shemay! Nakangiti ako ngayon. Para bang hanggang ngayon feel ko pa rin ‘yun greet na ‘yan. Naaalala ko tuloy na may sakit ako n’yan. Ngayon ko lang naalala. Trinangkaso pala ako n’yan.
Kwela s’ya bumati, bukas pa ang birthday ko pero ito, sapat na para sa’kin. Sana hanggang ngayon gan’yan pa rin s’ya.
Naiyak ako bigla nang may naalala ako bigla. Kung ako lang ang pinili n’ya dati, siguro ‘di s’ya nasasaktan ngayon. Siguro ‘di n’ya matatanggap ang mga pasang inabot n’ya kay Ken.
Bakit ‘di na lang ako na laging naririyan sa tabi n’ya. Bakit kailangan pang iba ang piliin n’ya kaysa sa’kin. ‘Di ba ako sapat? O baka bago pa ako dumating ay may nagmamay-ari na sa kanya?
![](https://img.wattpad.com/cover/212621263-288-k364067.jpg)
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomansaSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...