Nagluto ako ng adobong manok at gumawa ng salad for dessert. Minsan lang naman manyari ito kaya dapat pagsilbihan ko naman s’ya. Naghanda ako sa dining table habang s’ya naman ay nasa salas at nanonood ng TV.
Nakakasawa lang dahil ‘di pa rin mapatay-patay si Cardo. Hindi ko ba alam kung tao s’ya o pusa. Sarap sugurin ‘yung management para patayin si Dalisay, nakakasawa ang mukha n’ya. Pero syempre, charot lang ‘yun baka idemanda ako.
Kitang-kita ko s’ya dahil salamin lang ang pagitan ng dining room at ng living room ng bahay ko. “Ella, handa na ang pagkain,” ani ko.
Napalingon naman s’ya at ngumiti. Tumayo s’ya sa sofa at lumapit sa akin. “Salamat Frey,” aniya.
“Umupo ka na, sabay na tayong kumain,” ani ko at umupo sa tapat n’ya. Rectangular glass table ang pagitan namin at sa magkabilang dulo ay ang kinauupuan namin.
“H’wag kang mahihiya sa’kin Ella, ‘di ka na iba sa’kin, anytime pwede ka rito at kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako,” sambit ko habang kumakain.
Tumingin s’ya sa’kin at ngumiti, “sobra-sobra na ang tulong mo Frey kaya ayos lang ako.”
“Kung may gusto kang kainin ngayon sabihin mo lang, may coke sa fridge, free kang kumuha anytime,” ani ko.
Ngumiti na lang s’ya at tumango. Para bang bumait ata s’ya ngayon at nakakapanibago lang.
Tiningnan ko lang s’ya habang kumakain. Bakit gan’un? Nakakaakit talaga ‘yung ilong n’ya, ‘yung matinis n’yang boses na nagpapakabog sa malamig kong puso.
“Oyyyy Frey,” tawag n’ya na nagpabuhay ng sarili ko. Kanina pa pala ako nakatitig. Anong mayroon sa mukha n’ya at para bang ‘di maalis ang mata ko sa kanya. Para bang nababalot iyon ng hiwaga. “Ayos ka lang ba Frey at kanina ka pa tulala?” tanong n’ya.
“Ah… e… a-ayos lang ako,” sagot ko.
“Tapos ka na pala kumain,” ilang minuto ba akong nakatitig at ‘di ko napansin na tapos na s’yang kumain. Talaga naman Frey oh.
“Ako na magliligpit nito pagtapos mo, nakakahiya sa’yo,” sambit n’ya at napatango na lang ako. Ngumit kasi parang tanga lang, tuloy tumitig na naman ako sa kanya.
“Hoy Frey, kanina ka pa wala sa sarili, may problema ba?” tanong n’ya.
“Ang ganda mo kasi… ah… este… wala wala,” sagot ko. Natawa na lang s’ya at ano naman nakakatawa d’un aber? Shemay kanina pa ‘to.
Nakakahiya sa kanya, jusqo.
Kumain na lang ako nang mabilis at pagtapos ko ay agad akong umakyat sa taas pero napatigil ako sa kalagitnaan ng hagdan. “Ella, pwede mo namang iwan ang mga plato d’yan at ako na lang bahala, magpahinga ka na lang at masyadong magulo ang araw na ‘to,” sabi ko n’ung tumingin s’ya sa’kin.“Nakakahiya sa’yo kaya hayaan mo akong tumulong dito,” sagot n’ya.
Tumango na lang ako at dumiretso sa kwarto. Tumalon ako sa kama at sinuntok ang aking unan. Ano ba naman ‘yan? Nakakahiya! Kanina pa ako titig na titig sa mukha n’ya.
Ilang saglit lang may kumatok sa kwarto ko. “Frey,” tawag n’ya kaya agad akong lumabas.
“Ano ‘yun Ella?” tanong ko.
“Natapos ko na, nahugasan ko na ang mga plato kaya wala ka nang poproblemahin, salamat nga pala Frey,” nakangiti n’yang sambit.
“Nga pala, rito ka muna matulog ngayon, ihahatid kita sa matutulugan mo,” ani ko.
“Ay naku Frey ‘wag na, baka ano pang isipin---” pinutol ko ang sasabihin n’ya.
“H’wag kang mag-alala, ‘di ako papayag sa iisipin nila, ayoko nang lumaki ang isyung ito, saka isang gabi ka lang matutulog dito,” putol ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/212621263-288-k364067.jpg)
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomanceSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...