Isang linggo na ang nakalipas matapos ko malaman ang lahat. Sapat na ‘yun para pilitin ko ang sarili kong tumigil. Bagay tuloy ‘yung kantang ‘Kung ‘di rin lang ikaw.’
~Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa’ting dalawa~~Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw~~Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang pusong ibigin ka?~Hindi ko alam kung bakit buhay ko pa ang naging kapalit ng lahat ng paghihirap ko noon. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang gawin ‘yun para makalimutan ko lang s’ya.
Sa kabilang banda, nakatanggap ako ng invitation para sa reunion ng section namin n’ung grade 8. Siguro pupunta ako para madistract ako sa lahat ng ‘to.ALAS-OTSO na ng gabi at nasa labas ako ng dati naming room. Request kasi nila na sa room na lang namin dahil namimiss na nila. Suot ko ang itim na polo at nakikita ko ang iba ko pang kaklase.
Naaalala ko sila at ang mga pangarap nila, ngayon natupad na nila. May abogado, engineer, architect, chef at iba pa. Ang saya nilang titigan na naabot na nila ang kanilang mga pangarap tulad ko.
Lumabas muna ako saglit dahil ‘di pa naman nagsisimula. Pero nakasalubong ko si Ella na suot ang isang black dress kasama si Loide. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Loide.
“Dahil imbitado rin ako rito, may hinatid lang ako,” pagsisinungaling ko, ‘di pa ‘to ang oras.
“Ella mauna ka na sa loob, Frey mag-usap tayo sa labas,” ani Loide at tinaguan ko na lang. Pumasok si Ella sa loob habang ako naman ay sumunod kay Loide.
“Yabang mo talaga ‘e noh! Ba’t ka pumunta rito? Bobo ka ba?” aniya.
“Hindi ako bobo, tandaan mo, tanga lang ako hindi bobo, kung magpapatalinuhan tayo rito, siguradong bigwas ka na, at anong ginagawa ko rito? Kasama ako sa reunion dahil ako si Justine,” dumagungdong sa buong lugar ang sigaw ko.
Napanganga na lang s’ya sa nalaman n’ya at nagsitinginan ang mga dumarating sa event. “Justine,” tawag mula sa likod ko.
“Maris? A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Patay! Nalaman na!
Hinila ako ni Maris papasok sa loob. Tiningnan kami ng mga tao sa loob na dati kong mga kaklase. Gulat-gulat sa nakita nila.
“Si Justine ba ‘yun?” rinig kong bulungan sa mga gilid-gilid.
“Guys, sorry sa istorbo, I want you all to meet, the one who back. Alam natin na nawalan tayo ng balita sa kanya, here is Inspector Justine Terevasquez known as Jeffrey Lesviano,” pakilala ni Maris habang nasa gitna kami.
“Jus-Jus-Justine?” tanong ni Ella habang papunta sa harap ko. “Paanong nanyaring ikaw si Justine?” isa pang tanong n’ya.
Naririnig ko pa rin ang mga bulungan sa gilid ko. Lahat sila nagulat sa nalaman nila na ang kilalang Inspector ay kaklase lang pala nila.
“Nagsinungaling ako,” sagot ko sa kanya.
“Pero paano mo naitago ang lahat? Paano nag-iba ang lahat ng pagkakakilanlan mo?” tanong n’ya.
“Dahil ‘di ko maalala,” sagot ko.
“Hindi mo maalala?” pagtataka n’ya.
“Alam mo pinaka-worst dito, nalimutan ko lahat ng nakaraan ko dahil sayo, dahil sa’yo muntik na ako mawala sa mundong ‘to. Alam mo ba kung paano? Ten years ago umasa ako sa’yo, binigay ko lahat sa’yo. Then mas pinili mo ‘yung walang modong lalaking ‘yun kaysa sa’kin na sinakripisyo lahat. 7 years ago, nagpakasal ka sa kanya at ako, nasaksihan ko lahat ng ‘yun. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yun?” unti-unting tumutulo ang luha ko habang sinasambit ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko.
“Sobrang sakit n’un, habang ako ‘di na makaahon sa sakit na binibigay mo, nakita ko pa ang kasal ninyo, ‘di ko na makakayanan pa. Alam mo anong ginawa ko? Interesado ka bang malaman? Sasabihin ko sa’yo, tumalon ako ng tulay para magpakamatay, dahil suko na ako sa lahat, sobrang hirap na ng nararamdaman ko…”
“Paggising ko, nasa ospital na ako, wala na akong maalala, kahit ang pangalan ko ay ‘di ko na maalala, alam mo ba kung bakit nag-iba ang pangalan ko? Tinago ni mama ang sikretong ‘yun para ‘di na ako masaktan ulit. Iniba nila ang pangalan ko dahil ‘yun daw ang kagustuhan ko. Dahil kapag naalala ko pa ang nakaraan ay baka ‘di ko na kayanin pa…”
“Masakit lahat ng ‘yun Ella, ngayon naaalala ko na lahat. Kahit anong gawin ko ngayon, ‘di pa rin ako ang pipiliin mo. Kahit na gawin ko ang lahat para ‘di ka masaktan, ‘di pa rin ako ang magiging laman n’yang puso mo. Dahil ‘yang puso mo, pagmamay-ari na ng iba,” paliwanag ko sa kanya.
Nakita ko na rin s’yang umiiyak. Gaya ko wala ring tigil ang iyak. “Kaya itigil na natin ‘to, dahil sa ating dalawa, ako lang ang masasaktan,” dagdag ko sabay alis.
Ayoko na makita pa s’yang muli, dahil sa oras na masilayan ko ang mukha n’ya baka muli akong magpakatanga sa kanya. Baka sa huli, buhay ko na naman ang kapalit ng lahat ng ‘to.
TATLONG LINGGO na ang nakakaraan mula noong pangyayari na ‘yun. Nandito lang ako ngayon sa bahay at nakakulong sa kwarto. Ang buhay ko ngayon ay trabaho-bahay, bahay-trabaho. Gusto kong malimutan ang lahat ng ‘yun.
Maraming bagay ang nagpapaalala sa’kin ng tungkol sa kanya. Lalo na ‘tong tumambad na kahon. Kinuha ko ‘yun papuntang bakuran. Sinilaban ko ‘yun para lahat ng alaala ay masunog at mawala sa aking isipan upang ‘di ko na maalala pang muli.
~Summer ended without a trace
Time gones by, while you remain
Funny how I thought I walk on through
With my heart in one~~Why do I still cry for you?
Dying to get close to you
Why do I still fear to face the ghost of you~~How I tried to get you off my mind
But you return all the time
I believe that I just can let you go
Like a fool I am~~I’ve been trying to release you
To get back my feet to the ground
Still I need my hope to hold onto
Even I know I should back away
You just a part of me that I can’t erase~Ang kantang nababagay sa nararamdaman ko ngayon. Ayoko na at takot na akong makita s’yang muli, kahit na anino n’ya. Sapagkat kapag nakita ko s’ya ay baka muli akong magmahal at magpakatanga. Pero kahit na sunugin ko ‘to lahat, naging parte s’ya ng buhay ko. Sa bawat segundo ng buhay ko, kahit napilitin ko ang sarili ko na kalimutan s’ya, babalik at babalik pa rin s’ya sa isip ko.
Ang akala kong isang alaala na matutuwa akong aalahanin ay s’yang alaala na ayaw ko nang balikan pa.
Ang video na nakita ko sa laptop sa box ay huling confession ko. Nasambit ko roon ang bawat masasakit na naramdaman ko. At narinig ko ang katagang “kung sa huli ay ‘di rin kami, mas mabuting mawala na lamang buhay kong inalay sa kanya, ang pagtalon ko mamaya sa tulay ay ang katapusan ng lahat ng sakit na pinaramdam n’ya sakin.”
Sa huli, hindi pagpapakamatay ang solusyon kundi acceptance. Lahat ng bagay ay dapat na tanggapin kahit gaano kasama. Dahil kapag tanggap mo na, tatawanan mo na lang iyon na para bang hindi ito nangyari.
The End…
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomanceSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...