Ilang linggo na ang nakaraan at ngayon ay araw ng sabado. Day-off ko ngayon sa trabaho. Wala akong masyadong magawa dahil hindi naman ako mahilig gumala.Alas-dose na ng madaling araw ngayon. Nakaupo lang ako sa balkonahe ko at tinatanaw ang langit. Kasama ang earphone ko, magkasama namin hinaharap ang mmalamig na simoy ng gabi.
Medyo nagugutom na rin ako kaya tumingin ako sa fridge pero walang pagkain. Tinatamad akong lumabas! Humiga muna ako saglit sa sofa ko at napagdesisyunan na kumain sa labas. Alam ko na twenty-four seven ang Jolibee kaya doon na lang ako kakain.
Bumyahe ako sa malapit na Jolibee sa Katipunan. Sa harap ‘yun ng Ateneo. Pinarada ko sa harap n’un ang kotse ko at pumasok sa loob ng restaurant.
Umorder ako ng chickenjoy, spaghetti na paborito ko at fries. Pumwesto ako sa second floor, sa tapat ng glass window.
Kumakain lang ako habang nakatanaw sa malawak na kalangitan sa taas ng Ateneo. Kasama ng buwan ang mga kumikislap na bituin sa kalangitan. Hindi naman maulap at maganda ang klima.
Isinuksok ko ang earphone sa tainga ko at nakinig sa MLTR songs. Mahilig kasi ako sa Michael Learns To Rock lalo na ang kantang The Actor.
~He takes you up and he takes you out
‘cause he can show you so much
I go to bed and tomorrow again
Theres a lot of work to be done
He gives you gold and he promise you
The whole world will be yours
I just can’t tell you I love you so, even though my odds are low~Nakatitig lang ako sa kalangitan hawak ang kutsara ko. Masyadong emotional ang kanta. Isang love triangle na kung saan mahal ng babae ang mayaman na kasintahan n’ya. Sa kabilang banda, may babaeng nagmamahal sa kanya.
~I’m not an actor, I’m not a star
Or even I don’t have my own car
But I’m hoping so much you stay
The you will love me anyway~Biglang tumulo ang luha ko sa kanta. Pinagdikit ko ang dalawa kong palad at binitawan ang hawak na kutsara. Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa, kasabay ng mga luha ay ang naglalakbay kong isip.
~the dirty games and the neon show
This is the world he knows
Watching the stars satisfies my soul
Thinking of him made me feel so cold
The fancy cars and the restaurant
You’re just a fond of that man
Sometimes I wonder if you are blind
Can’t you see he got dirt in his mind~Lumuluha lang ako habang pinapakinggan ang kantang ‘to. ‘Di ko alam kung paano ko naging paborito ang kantang ‘yan pero para bang may dahilan na hinahanap ang isip ko. Naguguluhan lang ako, sumasakit lang ang ulo ko.
Ipinikit ko ang mata ko at may huling luhang tumulo sa mata ko. Ramdam ko ang init ng luhang ‘yun saka ko iminulat muli ang mata. Pinunasan ko ang mata ko gamit ang hinlalaki ko.
Totoo nga, if you’re happy, you enjoy the music; if you’re in pain, you understand the song. I don’t know why pero para bang ang bigat ng pakiramdam ko.
Tumingin ako sa paligid, uunti na lang ang costumer at ala-una trenta na ng umaga. Linggo na pala! Tumingin ako sa labas at inuubos na ang pagkain ko. Natanaw ko ang National Book Store sa tabi ng Jolibee na kinakainan ko ngayon.
Kumunot ang ulo ko dahil para bang may ibang pinapahiwatig ang National Book Store na nakikita ko ngayon. Binuksan ko ang facebook ko ngayon para ichat si Audrei. S’ya ang tinuring kong kapatid nang nag-aaral pa ako. Isa s’yang chef dahil ‘yun ang gusto ng asawa n’ya.
Mabuti at online pa s’ya. Itatanong ko kung anong koneksyon ng National Book Store sa’kin. Para bang may ala-ala ako d’un. Since kaibigan ko si Audrei mula high school sa pagkakatanda ko, baka alam n’ya.
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomanceSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...