Nagising ako sa umagang ramdam ko ang tahimik ang paligid. Agad akong nag-ayos para pumunta sa opisina. Kailangan ko ng distraction para makalimutan ang sinabi n’ya kagabi. Pero nacucurious ako kung anong kalagayan n’ya ngayon kaya agad kong tinawagan si Maris habang ako naman ay nagmamaneho.
“Kamusta si Ella?” agad kong sambit.
“Ayos na sila ng asawa n’ya,” sagot n’ya.
“Buti naman, ‘yun lang sadya ko, salamat,” sagot ko sabay baba ng cellphone ko.
Kahit alam kong gan’un ay hindi pa rin ako mapalagay. Pero tama na muna. Tama na ang pag-iisip.
Nakarating ako sa opisina. Binabalot pa rin ako ng katahimikan. Para bang ayaw akong tantanan ng nakakabinging katahimikan. ‘Di pwedeng maisip ko ‘yun. Masasaktan lang ako!
“Leo, bantayan mo ang opisina, ilagay mo na lang mga kailangan kong tingnan na file sa lamesa ko, papahangin lang ako,” habilin ko.
Tumango s’ya at agad-agad kumilos.
Plano ko ngayon na pumunta sa Picnic Groove sa Balara Filters para magmuni-muni. Sumakay ako sa kotse at nagtungo roon. Dumaan ako saglit sa grocery para bumili ng softdrinks at pagkain na makakain ko habang naroroon.
Matapos ko mamili ay dumiretso na ako sa Picnic Groove. Pero kaysa katahimikan ang babati sa akin, isang bagay ang sumalubong sa’kin na kinawasak ng puso ko. Si Ella at Ken, masayang naghaharutan sa kabilang banda ng Picnic Groove.
Pinarada ko ang aking kotse at inilabas ang softdrinks at pagkain. Umupo ako sa may lamesa malapit sa bakod na humaharang sa filtration. Hindi ko namamalayan, tumutulo na pala ang luha ko.
May biglang lumitaw na salita sa utak ko na mas lalong gumalantang sa’kin: “Hindi ka naman talaga gusto ni Ella, ikaw lang ang nanliligaw.”
Gumuho ang mundo ko dahil may naalala na naman ako. Same place kung nasaan ako. Nagwawala ako at pinagsisipa ang bakod na nasa harap ko ngayon. Ang pagkausap sa’kin ni Ella sa lamesa ‘di kalayuan dito.
Naaalala ko na ang pinakamasaklap na nangyari sa buhay ko. Hindi lang pala ito ang unang beses na naganap ‘to. Nakita ko na rin silang magkayakap noong high school ako. Pero hanggang ngayon ramdam ko ang luha ko na sunod-sunod na nalalaglag sa mata ko.
Binuksan ko ang isang carbonated softdrinks na dala ko at ininom. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, pati na rin ang luha ko ay hindi ko na rin mapigilan. Bumabagsak na sa’kin ang langit at tinakluban na ako ng lupa. Pero alam kong wala naman akong karapatan na magkaganito.
Hindi ko na makakayanan pa. I need back-up!
Bumalik ako sa kotse at kita ko pa rin sila kaya umalis na ako sa lugar para hindi ko na makita. Pero kahit malayo na ako, nakikita ko pa rin sila sa utak ko. Hindi ko na alam kung paano ko patitigilin ang utak ko. Tatawagan ko na lang si Audrei para samahan ako.
“Hello,” panimula ko nang tawagan ko si Audrei.
“Eyyy, musta?” bati n’ya.
“Magkita tayo ngayon na,” ani ko.
“Anong problema?” tanong n’ya.
“Basta samahan mo muna ako, magkita tayo sa restaurant mo,” tanging sagot ko.
“Sige sige,” aniya.
“Papunta na ako,” ani ko sabay baba ng phone.
Ilang oras na ay nakarating ako sa restaurant n’ya sa Cubao. Pinark ko ang sasakyan sa harap at pumasok sa restaurant. “Maupo ka muna riyan saglit,” bungad n’ya sa’kin.
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomanceSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...
