Kahapon pagdating ko sa bahay ay diretso tulog na ako. Gusto kong magpahinga sa nakakapagod na mundong ‘to. Masyadong mabigat ang bawat nanyayari.
Muli kong nakita ang box na nakita ko sa lumang bahay namin. Gusto kong makilala ang sarili ko. Baka naririto ang kasagutan para sa lahat ng problemang ‘to.
Namamaga pa rin ang mata ko kakaiyak. Kahit ala-syete na ng umaga ay madilim pa rin ang buong kwarto. Noong bata ako, natatakot ako sa dilim dahil may multo raw, pero ngayon, mas gugustuhin kong naririto sa dilim dahil ito lang ang nagpapagaan sa’kin.
Muli kong binuksan ang box at may mga sulat na naroroon. Isa-isa ko silang binasa:
Kay Binibining Ella Silvasquez,
Isang magiliw na araw sa iyo binibini. Nais ko lamang ipahatid ang mensahe na nararapat mong malaman. Isang balita ang aking nabatid na sumagot sa lahat ng aking mga tanong. Ang isang bagay na inililihim mo. Ang hindi mo pagsabi n’un at ginawa mong iyon, hindi mo lang dinurog ang aking puso ngunit pinulbos mo na rin. Ikaw ang pumatay sa puso at kaluluwa ko. Habang iniibig kita ay mayroon kang iniibig na iba nang hindi ko batid. Ano ang silbi ng salita mo ukol sa sampong taon kung ikaw mismo ang sumira nito. Ikaw pa naman nagturo sa akin na gawin kung anong pinangako ngunit hindi mo iyon pinanindigan. Sa mga oras na aking isinusulat ang liham na ito ay halo-halong emosyon ang aking nadarama: galit, lungkot at pagkadismaya. Napakasakit ng iyong nagawa na habang ako’y nagpapakahirap ay ikaw ang may tinatagong lihim na gigimbal at wawasak sa aking puso. Ikaw ang binibining natutunan kong mahalin ng totoo, sobra at tapat. Ngayon, ang nadarama ko ay pangungulila sa pag-ibig na dapat sa iyo madarama ngunit salungat pala. Hindi ko alam ang nararapat kong gawin sa ngayon. Masyadong nasira mo ang tiwala ko na kahit kailan pa man ay pinagkatiwala ko sa iyo, ngunit sinira mo. Ikaw ang pumatay sa akin, ikaw ang nagwasak ng mundo kong kay rikit. May unti pa akong pagmamahal at tiwala sa iyo, huwag mo nang sirain pa dahil iyon na lamang ang natitira kong tiwala sa lahat ng tao. Ikaw pa naman ang pinagmamalaki kay papa na kapag nakapagtapos ako ay maaari ko nang kunin ang iyong kamay. Sa loob ng sampong taon dapat mong maibalik ang tiwala ng mama mo ngunit kung isang taon pa lamang ay hindi mo na nagawa, ano pa ang susunod na siyam na taon. Natatakot ako na masira ko muli ang tiwala mo ngunit ikaw naman ang sumira ng tiwala ko. Tingnan mo ang ginawa mo sa akin ngayon, sinira mo kung sino ako, winasak mo na ang buong pagkatao ko. Minahal kita ng tapat ngunit sumampal na sa akin ang katotohanan na hindi mo rin magagawa iyon. Sinayang mo hiyas na diyamante sa paghahanap ng bato. Sinayang mo ang buwan sa panonood ng mga bituin. Hindi kita sinisisi na minahal kita dahil desisyon koi yon, ngunit wala rin naman akong pinagsisihan sa desisyon kong iyon. Sa ngayon, ang aking problema ay ang tiwala ko kanino man na dahil lang sa isang binibini ay nawasak iyon. Isang mataas na antas ang inaasahan ko ngunit wala ni isa ang umabot n’un. Ang akala ko pa naman ay nagbago ka ngunit wala ka pa rin pinagkaiba. Napakabulag mo sa pag-ibig, nasa harap mo na lamang hindi mo pa makita. Nabibilang na lamang ang oras ko sa mundong ito at mas lalo mo pang pinaikli iyon. Sa pagsakripisyo ko ng lahat ng mayroon ako ay wala na akong babalikan pa. Nawala ko na lahat ng akin ngunit wala rin naman palang kwenta ang mga sakripisyo ko. Kaya ngayon, wala na akong babalikan. Batid ko naman na habang ako’y nagdadalamhati rito ay ikaw naman ay maligaya sa iba. Sa iyo lamang ang puso ko ngunit durog na ito. Patuloy pa rin akong umaasa pero hindi ko batid kung magtatagal pa. Isa kang naninira ng puso. Ang maliwanag kong mundo ay pinadilim mo sa isang iglap. Sana maibalik mo ang tiwala ko at kung hindi ay lahat ang masasaktan. Gumawa ka ng sarili mong halimaw at sana maibalik mo ito sa dati.Nasaktan na pala ako dati ng Ella na ‘to. Unti-unting bumagsak ang luha ko sa aking nabasa. Dito ko nalaman na ang lahat ng sakripisyo ko noon ay binalewala n’ya. Para bang lahat ng paghihirap ko ay walang silbi man lang.
Ganito pala s’ya kalupit sa akin noon na habang nagpapakahirap ako sa mga efforts ko ay naglalandian na pala sila ni Ken. Hindi ko alam kung magagalit ako pero mas nagingibabaw sa’kin ang mga luha.
Para bang pinagkaitan ako ng langit ng pagmamahal na hinahanap-hanap ko.’Yun lamang ang hinihiling ko sa bawat oras, ang kanyang puso.’Yun ang pilit kong iniingatan noon, pero ngayon sinasaktan lang s’ya ng demonyong Ken na ‘yun.
Hindi ko talaga mapapatawad si Ken. Mahirap makita na sinasaktan ang mahal mo. Pero mas masakit ‘yung makita mong saktan s’ya pero ‘di n’ya magawang umalis doon.
Tanga ba s’ya? O ako lang ang sadyang tanga? Naghahabol kahit wala naman talagang mahahabol. Lumalaban kahit wala namang pinaglalaban. Pilit na nanunuyo kahit wala namang sinusuyo.
May isang liham na nakaagaw ng pansin ko. Ang huling pabor:
Kay Rafaela Mae Salango,
Isang magiliw na araw sa iyo binibini. Ito ay isang napakaimportanteng liham na dapat mong mabasa. Hindi ako umaasang mahalin mo ako pabalik ngunit naririto ako upang sa isang huling pabor. At sana huwag mo nang dagdagan ang galit ko sa iyo.
May pangako akong binitiwan at gaya ng iyong sabi ay nararapat itong tuparin. Sana sa huling linggo ng Enero ay mapagbigyan mo ang huli kong pabor. Nakiki-usap ako sa iyo.
May binitiwan akong pangako sa harap ng isang sagradong nilalang na dapat kong tuparin. Kahit iyon na lamang ang kailangan kong tuparin.
Nakiki-usap at buong awa akong humihingi ng pabor. Kahit ito na ang huli paki-usap. May lugar na dapat tayong puntahan dahil pinangako kong ihaharap kita doon. May isang simbahan akong napuntahan at napag-iwanan ng pangako. Hindi naman iyon malayo. Kailangan masama kita roon.
Kausapin mo ako sa personal para masabi ang iyong tugon. Kailangan ko ang tugon mo bago matapos ang araw na ito. Puntahan mo ako para mabawasan ang galit ko.
The moon shines so bright
while your eyes are at the star.
It brought you light
but you’ve forgot the moon that you ignore.I shining through but you’ve never notice me…
Naalala ko na ‘yung pangakong nakalimutan ko sa simbahan ni Saint Clarette. ‘Yun ay ang ihaharap ko si Ella doon upang masaksihan n’ya ang ganda ng bawat simbahan. At sa huli ay nagawa ko nga.
Ngunit may isang impormasyon ang gumimbal sa’kin. May laptop sa box na mukhang naglalaman ng impormasyon. Isinaksak ko iyon at binuksan, encrypted with password ‘to. Sinubukan kong ilagay ang buong pangalan ni Ella at bumukas.
May nag-iisang file akong nakita sa desktop at nang buksan ko ‘yun. Nasagot lahat ng katanungan ko, lahat ng luha ko nagsi-labasan, hindi ko ba alam kung matutuwa ako sa pinanonood kong video.
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/212621263-288-k364067.jpg)
BINABASA MO ANG
In Love with the Same Girl (COMPLETED)
RomanceSa mga taong nagdaan sa buhay natin minsan 'di na natin nakikilala ang sarili natin. Maitatanong mo na lamang na ako ba ito noon. Kapag may nakasakit sa puso natin ay kinakalimutan natin para 'di masaktan. Pero paano kung ang tadhana na ang kumilo...