Prologue

245 4 1
                                    

Felip John Suson's POV

"Announcing the arrival of our valedictorian, Ara David."

Napatigil ako sa pakikipag usap sa aking mga kaibigan nang marinig kong binanggit ni Bo Gum ang pangalan ni Ara. Nang lumingon ako sa direksiyon kung saan nakatingin ang aking mga kaklase ay naramdaman ko ang awtomatikong mabilis na pag tibok ng aking puso.

Ang buong akala ko ay hindi siya darating but there she was with her innocent eyes and sweet smile. She look so angelic.

Grade six pa lamang kami ay crush ko na si Ara. Ngayon kami ay nasa ikaapat na high school na. Ngunit limang Linggo na lamang ay gagraduate na kami. Hindi pa rin ako nagkakaroon ng lakas loob na sabihin iyon sa kanya. Sana magkaroon na ako ng lakas loob.

Nang unang kita ko nga sa kanya natatameme ako. Hindi ako makapagsalita kapag kinakausap ako dahil bakit ba ang ganda ganda niya? Hindi lamang siya maganda kundi mabait din. The first time I set my eyes on her, my heart thumped crazily and my mind failed to function normally.

Hindi ako makafocus sa lahat ng mga dapat kong gawin kapag naiisip siya lalu't kapag kinakausap niya ako. Minsan kapag nasa tabi ko ang mga kaibigan ko at nakikita nila yon ay inaasar ako pagkatapos. Minsan kinikilig ako sa asar nila pero minsan nababadtrip din.

(Author: Edi layuan mo sila HAHAHA)

Kahit matagal na kaming magkakilala may mga pagkakataon kasi akong hindi pa rin makapagsalita tuwing kinakausap niya ako. Minsan nga natataranta ako kapag nararamdaman ang presence niya.

'Bakit ba ang ganda ganda mo? Hindi lang maganda. Mabait din.', dagdag minsan ng isip ko sa tuwing kinakausap niya ako.

(AUTHOR: Naku po HAHAHAHA sana ol)

Siya yung pinaka mayaman sa aming klase. Her father's business empire included banking and hotel management. Siya rin yung pinakamatalino sa amin. First honor siya lagi at lagi naman akong pumapangalawa. Kaya nga parang napakahirap abutin sa kabila ng pagiging humble niya.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit sa Academy of Colorado ako nag enroll gayong napakaliit ng paaralan nila kung ikokompara sa ibang private school na kung saan doon ako nag aral noong kinder pa lamang. Ngunit gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay nakakapag aral naman ako at naging kaklase ko siya.

Para sa akin, ito yung dahilan kung bakit ko siya nakilala. Siguro nga iyon yung pumili sa akin kung saan ako mag aaral.

Sa Philippines ako ipinanganak. Lumipas ang tatlong taon ay sinama ako ng aking magulang sa US. Hindi ko alam kung bakit doon na ako lumaki at nag aral. Pero kahit ganon ay okay lang sa akin.

"You are three hours late," Narinig kong sabi kay Ara ng kanyang matalik niyang kaibigan at kaklase rin namin na si Madison.

"Better late than never," sabi naman ni Ara kasabay ng matamis niyang na ngiti na dahilan para lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso. I really like to see her smilling. Ang ngiti niya ay parang isang gayuma na nagpapaganda sa mood ko.

Apat na oras ngang late si Ara. Kilala kasing strict ang daddy niya kaya siguro hindi siya nakapupunta ng mas maaga sa reunion namin. Madalas siyang hindi nakakadalo sa mga ganoong event dahil sa daddy niya. Hindi ito nakasama sa field trip namin at sa kaarawan ng aming guro. Wala rin siya sa camping namin. Tuwing may ganon ay umaasa akong naroon siya. Dahil para sa akin, nakakalungkot kapag wala siya.

Sa murang edad, masasabi kong ang simpleng paghanga ko para sa kanya ay nauuwi sa pag ibig.

Aminado akong torpe ako. Hindi kasi ako marunong manligaw kaya hindi ko alam kung paano popormahan si Ara. Bukod doon, sa tingin ko, wala pa siyang isip na magkaroon ng boyfriend. Kung gusto man niyang magkaroon ng boyfriend, sana ako na lang at wala nang iba.

Nagpasya akong tumayo sa inuupuan naming circle at hanapin siya. Pagdating ko sa garden, ang class president lang ng aming batch ang naroon si Seulgi.

Inilibot ko ang tingin sa paligid ngunit wala roon si Ara. Nagsisimula na akong kabahan ng may marinig akong umuubo mula sa likuran ng garden. Agad akong nagtungo roon.

"Hi!" Bati ko nang makita si Ara na nag iihaw ng pork steaks sa likod ng garden. Maganda pa rin siya kahit pawisan na.

"Ouch!" Sabi nito nang hindi sinasadyang mahawakan ang iniihaw na pork steaks.

Dagli akong lumapit dito. "Sorry nagulat yata kita." I held her hand and kissed the tip of her finger.

(AUTHOR: Sana ol)

Nang maramdaman ko ang pagkailang niya dahil sa ginawa ko ay agad akong dumistansya rito. "Wait a minute," Agad akong tumakbo pabalik sa circle na inuupuan namin ng mga kaibigan ko kanina at pagbalik ko sa may likuran ng garden ay meron na akong bitbit na toothpaste.

Pinahiran ko ng toothpaste ang napasong daliri niya. Hindi ako sigurado kung effective iyon, ngunit nagbabaka sakali lamang ako.

Akala ko magagalit siya sa ginawa ko dahil hindi ito umiimik. Ngunit nawala ang kaba ko nang tumingin siya sa akin.

"Thank you," nakangiting sabi niya.

And that smile made me fall in love with her even more.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon