Chapter 7

69 1 0
                                    

...it was Felip behind my back.

Saglit akong natulala nang humarap ako sa kanya. Napakagwapo niya sa suot na slacks at tuxedo. Naalangan tuloy ako sa suot kong skinny jeans at yellow na crop top hoody.

May dala siyang bouquet ng flowers at agad iniabot sa akin.

"What are you doing here? Nasaan ang mga empleyado ko? Saan mo sila dinala?" Alanganing tanong ko.

"Don't worry. Binayaran ko ang isang araw na serbisyo ng restaurant mo. It is reserve for our lunch date."

"Lunch date?!" Nagtataka kong tanong. "Nagmamadali pa naman akong pumunta dito because Mr. Wilson said that there's an emergency in my restaurant." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya. Tarantang taranta pa naman ako kanina.

"I'm sorry, I really need help of Mr. Wilson para mapapunta ka rito. I'm not sure if you willing to date with me."

Idinala niya ako sa isang mesa. Ipinaghila niya ako ng isang upuan just like a gentleman. Sinindihan niya ang dalawang kandila na nasa ibabaw ng mesa and it just a snap, the lights switch off. Saka ko lang napansin ang pitong lalaki na may iba't ibang musical instruments. Then the seven men started to play a romantic music.

Felip John Suson's POV

Marami kaming napagkuwentuhan habang kami ay kumakain. Kung mayroong hindi nagbago sa pag-uugali ko, iyon ay ang laging pagiging palabiro ko na siyang unang nagustuhan niya sa akin noon.

Nagulat siya nang bigla kong ilahad ang aking kanang kamay sa kanya. "Would you like to dance?"

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Iniabot niya ang kamay niya sa akin. In just a few seconds nagsasayaw na kami. Ngumiti ako nang ipatong niya ang mga kamay niya sa aking magkabilang balikat. My hands were on her waist.

I really smelled divine. Feeling ko, amoy na amoy niya ang panlalaking pabango ko na hindi naman overpowering. Sa tingin ko, parang gusto na niyang isandig ang ulo niya sa dibdib ko. And so she did. Nangyare ang inisip ko. Hinapit ko naman siya papalapit sa akin. Lalong nagdikit ang aming mga katawan.

"Ara..."

Napatingin siya sa akin. "Why?"

Di ko alam kung bakit pumikit siya. Siguro gusto na niyang halikan ko siya. Ngunit muli siyang napadilat nang muli akong nagsalita.

"Pagod ka na ba? Gusto mong umupo muna tayo?"

Tumango siya. Bumuntong hininga siya bago ko siya iginiya pabalik sa mesa.

*Few minutes later*

"Thank you sa libreng lunch, ah?" Sabi niya sa akin pagkatapos naming mananghalian. Nasa parking lot na kami ng restaurant.

"Actually, dapat dinner date talaga iyon. Kaso, may appointment ako tonight. Ayos lang ba ang lunch date natin?" Nakangiting tanong ko.

"Hindi," matipid na sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "May nagawa ba akong hindi maganda?" Tanong ko.

Ara David's POV

Wala naman talagang problema sa lunch date namin. Ang totoo, nag-enjoy ako. Kahit sino sigurong babae ang nasa kalagayan ko ay kikiligin lalo na kung isang Felip John Suson ang kasama.

Felip John Suson's POV

"Oo," nakairap na sagot niya.

"Ano yon?" Tuluyan nang nawala ang saya sa mukha ko at napalitan ng pag-aalala.

Bigla siyang natawa. "Next time, kapag ide-date mo ako, huwag mo akong isusurprise. Kung alam mo lang kung gaano ako kinabahan nang tumawag si Mr. Wilson kanina," nakangiting wika niya.

"Well, I'm sorry for that."

"At saka first date natin ito. Tignan mo naman ang itsura ko sa itsura mo. Nakasuot ka ng tuxedo tapos ako simpleng outfit lang. Ang unfair mo naman."

Tumawa ako. "Sorry talaga."

"Kaya next time, wag mo na akong bibiglain."

"Ibig sabihin, payag kang magdate uli tayo?"

"Of course, yes. Why not?"

"Okay, I'll pick you up at seven o'clock, tomorrow evening."

"Para saan?"

"We will be having our second date."

"Pumayag na ba ako?"

"Time is running fast. I only have a week para mapatunayan sayo na karapat-dapat ako sa kapatawaran mo. Hindi ko dapat sayangin ang oras ko. Okay?"

"Sige na nga. Kapag na-late ka bukas, hindi na ako makikipag-date sayo."

"Kung may importante kang gagawin, pwede ko namang i-cancel yung date natin."

"Wala akong gagawin bukas."

"So paano? Ihahatid na ba uli kita sa inyo?"

"Huwag na. Mamaya pa ako uuwi. Gusto kong kamustahin ang mga staff ko."

"Sige, mauna na ako, ah? Ingat ka lagi. I love you." Sabay pasok ko sa loob ng mamahaling sasakyan ko.

Pinarurot ko ang sasakyan. Napangiti ako nang binitawan ko ang salitang "I love you" habang pinaparurot ang sasakyan.

Ara David's POV

Nakangiting pumasok ako sa aking restaurant. Kataulad ko ay nakangiti rin ang aking mga staff at halatang hinihintay ang aking pagpasok.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon