Chapter 8

55 1 0
                                    

Still Ara David's POV

Buong araw na akong naging abala sa pag-aayos. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit kailangan kong paghandaan ang date namin ni Felip. Ang alam ko lang ay gusto kong maging maganda ako sa harap niya. Hindi ko napansing apat na oras na pala ako sa banyo.

I surveyed my wardrobe. Matagal bago ako nakapagdesisyon kung ano ang susuutin ko. I chose an elegant golden yellow dress. It was my favorite dress dahil alam kong bagay na bagay yon sa akin. I matched my dress with 4 inches black high heels.

Ilang beses kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin bago ako nakontento sa aking itsura.

Narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng aking tahanan. Five minutes bago mag seven o'clock. Then I heard the doorbell.

Nakangiting tinungo ko ang pinto.

"Good evening," bati ni Felip pagbukas ko ng pinto.

Napawi ang ngiti ko sa mga labi ko nang makita ang suot niya. He was wearing a multicolored hoodie and a black and white striped pants. He had a pair of black sneakers on his feet. Lalong kumunot ang aking noo nang makita ang suot niyang silver na dog tag necklace.

"Are we going to watch a gig?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

Matagal bago siya sumagot. He was obviously pleased with what he was seeing as he surveyed me from head to toe.

"Hell, no." Sagot niya. "You're beautiful." Dagdag pa niya.

Nag-init ang aking mga pisngi sa sinabi niya pero hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kanya.

Inikutan ko siya ng aking mga mata. "Really?"

"Really." Nginitian niya ako.

"Pinagtitripan mo ba ako? Yesterday, nagdate tayo nang simpleng outfit lang ako habang ikaw naka formal attire ka. Ngayon naman, baliktad ulit ang nangyare. Hinayaan mo akong magsuot ng ganitong klaseng outfit while you're wearing that kind of outfit. Mukhang pinagtitripan mo nga ako."

"Whatever you wear, for me, you're still pretty."

"I thought we're dining out."

"Yes. We're dining out." He said then he pulled his hand from behind his back and handed me a bouquet of roses. "For you."

"Thank you." I answered.

"Hindi mo ba ako paoasukin kahit sandali lang?" He asked me.

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at pinatuloy siya. Dumiretso siya sa sala.

"Gusto mo ba ng maiinom?" Sabi ko habang nilagay ko sa flower base ang natanggap kong bouquet at patungo ako sa kusina para kunin ang isang pitsel ng tubig na nasa loob ng refrigerator. Kumuha rin ako ng baso.

Nang lingunin ko siya ay nakita kong hawak niya ang isang set ng I love you since 1892 books ko.

Nilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang pitsel at baso. Inulit ko ang tanong ko ngunit iling lang ang sagot niya sa akin at ipinagpatuloy niya ang pagtingin sa iba ko pang pocket books.

Ilang sandali pa ay nasa loob na kami ng kanyang sasakyan. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang hilingin niya sa akin na takpan ko ng pulang panyo ang aking mga mata. Hindi na ako tumutol. May pakiramdam akong may bago na naman siyang gawin. At kung ano man iyon, I would find it soon.

Mahilig siyang gumawa ng mga surprise at isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Noong mga bata pa kami, madalas niya akong sorpresahin. And I found it very sweet. Hindi pa rin pala nagbabago ang ugali niya hanggang ngayon.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon