Chapter 10

102 2 0
                                    

Now, I was on a flight back to Philippines. Naroon daw si Madison dahil nagtalo daw sila nong may ari ng isang sikat na studio. Nag away daw sila ni Eric dahil doon. Kailangan niya ako. Kailangan ko daw pumunta sa studio dahil hindi daw siya pinapalabas ng owner. Agad agad kong inihanda ang mga bagahe ko.

Nakarating ako sa Pilipinas sa aking tahanan para ilagay ang mga bagahe ko.

Dali dali akong pumunta sa isang sikat na studio. Hiyang hiya ako dahil ang daming taong tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Tapos may babaeng guard na umaalalay at nagsasabi sa akin kung saan dapat ako tutungo. May nakita akong mga red rose petals. May mga tao na humihiyaw at tumatalon. May mga nakikita akong mga banners. Tinakpan ng guard ng panyo ang aking mga mata para hindi ko mabasa ang mga banners.

Naramdaman kong huminto kami. Naramdaman ko rin na tinanggal ng guard ang panyo na nakapiring sa aking mga mata.

Napanganga ako nang marealize ko kung ano ang nangyayare. Felip was onstage. He was staring at me while singing a very familiar song.

Hindi ako makapaniwala kung bakit dinala ako sa concert ng banda nina Felip. Ito siguro ang plano ng mga iyon. May gimik na naman siguro siya.

Napapagod na akong mag tiwala ulit sa kanya. Kaya nga ako lumayo para makalimot. Hindi ko akalaing sa pagbabalik ko ay may inihandang surprise para sa akin.

Laking gulat ko nang bumaba si Felip ng stage at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at iginiya ako sa stage.

"Ara, I'm sorry for everything. All I want to do is to do my promises and take care of you. Would you be my queen forever?"

I was speechless. Alam ko namang nababasa ng mga audiences ang English subtitles na lumilitaw sa isang tv screen. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang inaasahan ko ay hihingi lang siya ng tawad. Hindi ko akalaing sasabihin niya ang katagang iyon.

"Please, marry me."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Kahit nagsusumamo na siyang nakatingin sa akin. Tinignan ko ang mga tao sa aking paligid. Naroon ang mga dati kong kaklase. Naroon din si Mang Donald. Naroon din si Vincent na nakangiti sa akin. Maging ang aking mga staff ng aking restaurant na pinasarado namin ay naroon din.

Ang lahat ng tao na naroon sa lugar na iyon ay halatang kinikilig at hinihintay ang aking kasagutan. Maging ang ibang members ng SB19 ay kinikilig.

Alam ko sa aking sarili ayaw ko nang sumugal at magtiwala kay Felip.

"Tumayo ka na nga riyan." Matamlay na sabi ko.

Nanahimik ang lahat. Mukhang hindi iyon ang kanilang inaasahan na sagot ko.

"I'm sorry, Ara." sabi naman niya.

"Hobby mo na ba ang paasahin ako? Pwede ba tigilan mo na ako. Napapagod na ako eh. Pagod na pagod na ako."

"Hindi kita pinaasa."

"Iniwan mo ako bigla."

"Sinabi ko naman sayo na babalik ako diba?"

"Lagi mo akong pinaghihintay!" Galit na sabi ko.

"I'm so sorry, Ara. Nang araw na iniwan kita may kinakailangan talaga akong asikasuhin. Pasensya na kung hindi kita nakatawag."

"Anong inaasikaso mo? Yung kasal nyo ni Khirsten Dela Paz?"

"It is not true."

"Huwag ka na ngang magsinungaling. Alam ko na ang totoo. Nabasa ko na nga yung article."

"Hindi ako nagsisinungaling. Lalung hindi totoo yon. Maniwala ka sa akin. Si Khirsten lang ang gumawa non. Ex ko yon. Hindi ako bumabalik sa mga Ex ko. I was never engaged to anyone because I had never proposed to anyone but you."

"Ayan ka na naman, niloloko mo na naman ako." Akmang tatalikod na ako nang biglang hilain ni Felip ang aking kamay.

"Please, listen to me. I don't want to lose you again. Kasi, ikamamatay ko kapag nangyare iyon." Punong puno ng pagmamakaawa ang kanyang mga mata.

"Alright. I'll give you five minutes to tell me those lies."

"Ara, hindi nga ako magsinungaling. Hindi kita pinaasa."

"Your time is running out. Bakit lumabas ang article na yon?"

"Khirsten Dela Paz wants me to marry her kaya niya ginawa yung article na yon dahil nalaman niyang may isang Ara David na espesyal sa puso ko. Nakikipagbalikan siya sa akin. Kung kelan naman masaya na ako sayo saka siya nakikipagbalikan. Pero hindi ko na siya babalikan. Hiniwalayan ko siya dahil masama ang ugali niya, kompara sayo. Gusto niyang maghiwalay tayo kaya kita pinababalik dito dahil gusto kong matigil ang pagkalat ng isang article. Pero huli na nang makaabot na yon dito. And the worst, nabasa mo na pala."

"Bakit hindi mo nagawang tawagan agad ako?"

"Sorry, kasalanan ko. I broke my promises for a second time. Napakarami ko nang kasalanan sayo at alam kong malaki yon."

Sinabi pa niya ang ibang dahilan.

"Pag uwi ko dito ay wala ka. Sinubukan kong kausapin si Madison pero galit na galit siya sa akin. Inabot pa ng ilang buwan bago ko siya makausap. I made this plan. Pinakiusapan ko si Madison na kausapin ka na pauwiin ka na. Ako ang nagplano ng lahat ng ito. Biglaan ang lahat. This is just a free concert. Inimbitahan ko ang lahat ng dati kong kaklase pati na rin yung mga fans namin. Gusto kong malaman ang desisyon mo. Kung hindi mo pa rin ako kayang patawarin, I understand. Mahal na mahal kita, Ara. Nakakatawa mang sabihin pero totoo yon noong unang beses kitang nakita."

Ang huling sinabi ni Felip ay ang tuluyang pagbagsak ng aking mga luha. "Ang daya mo."

"Ha?"

(AUTHOR: Hakdog HAHAHAHA)

"Bakit ngayon mo lang sinabi lahat yan? Dapat noong mga bata pa tayo."

"Ngayon lang nagkaroon ng lakas loob."

"Bakit hindi mo sinabi agad noong panahong bumalik ka?"

"Dahil ayaw kitang madaliin."

"Hindi ko ba alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan matapos ang lahat."

"Ara . . . Alam mo bang para sayo ang lahat ng mga kantang ikino compose at inilalaan ko? You're inspiration to me. Galing iyon sa akin puso. They're written because of you. I really love you."

"I love you too." Bigla kong naibulas.

"Ano?"

"Ano ba naman yan? Bingi ka ba?"

"Hindi. I just want to hear it again. Please say it again."

"I said I love you too. Sorry I didn't trust you. Hindi na sana tayo nahirapan ng ganito."

"Does it mean you're going to marry me?" Nakangiting tanong niya.

"Why not? I really love you. Please don't ever leave me again."

"I promise you, my queen. Kung kinakailangan kong i give upang lahat ng meron ako, kahit career ko, iiwan ko para sayo. I love you so much, too."

Felip wiped my tears from my eyes then he kissed me passionately while the other members of the famous boy band named SB19 started to play a very romantic song.

- Wakas -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon