"Good evening, Felip." Isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko nang huminto ang sasakyang ginagamit namin. Hindi ko makita kung sino ang bumati kay Felip dahil hindi ko pa rin inaaalis ang pulang panyo na nakatakip sa aking mga mata.
Muling umandar ang sasakyan namin at maya't maya ay tuluyan na iyong huminto.
Narinig ko siyang bumaba at may inayos na kung ano sa labas.Pagkalipas ng ilang minutes ay inalalayan niya ako pababa ng kanyang sasakyan. Nang tanggalin niya ang panyo sa aking mga mata ay napanganga ako sa aking nakita. Nasa loob kami ng dati naming paaralan. Kahit ang liwanag lamang ng bilog at liwanag ng sasakyan niya ang nagsisilbing ilaw namin, sigurado akong nasa minipark kami ng dati naming paaralan noong high school.
Nayakap ko ito sa sobrang kasiyahan. Labis kong na miss ang paaralan namin. Simula nang makatapos kami ng high school ay hindi na ulit ako nakatuntong sa Academy of Colorado. Matagal na naming plano ni Madison na bisitahin iyon, ngunit dahil sa sobrang busy kami ay hindi na namin nagawa. Hindi ko akalain na si Felip ang makapagpapabalik sa akin doon.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.
Naramdaman kong yumakap na rin siya sa akin.
"Of course! Paano tayo nakapasok dito?" Tanong ko nang kumalas ako sa kanya.
"Pumasok tayo sa gate."
I smirked. "I mean, wala bang nagbabantay dito?" Muling tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa loob kami ng dati naming paaralan.
"Si Mang Donald ang guard nitong school nang dumaan tayo dito." Sagot niya.
Napangiti ako. Doon pa rin pala nagtatrabaho si Mang Donald. Ka close kasi namin ang guard na iyon noong high school pa lamang kami. Palabiro siya. Parang siya na rin yung pangalawang ama namin dahil sa bukod mabait siya, maaalahanin at maalaga rin siya. Kaya pala pamilyar sa akin ang boses ng lalaking bumati kay Felip.
Biglang napalitan ng kaba ang kasiyahang nadarama ko. Baka matanggal si Mang Donald sa serbisyo kapag may nakahuli sa aming nasa park ng school ganoong oras ng gabi.
Napansin kong tumingin sa akin si Felip. "Hey, I know what you're thinking. Don't worry, everything's under control." Sabi niya na tila nabasa ang aking iniisip.
Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?"
"Bigla kang namutla, eh."
"Nag-aalala lang ako kasi baka may makahuli sa atin dito. Paano kung may makahuli sa atin? Trespassing tayo."
"At sino naman ang huhuli sa atin dito? Pulis? Tanod? Pinapasok naman tayo ng guard kaya hindi tayo trespassing."
"Hindi ba." Sabi ko sabay bumuntong hininga. "Ibig kong sabihin, baka matanggal si Mang Donald sa serbisyo kapag nalaman ng owner na pinapasok niya tayo. Who is the owner of the school?"
"I am the owner of this school." Mahinang sabi niya pero sapat na iyon para marinig ko.
Naghari ang aming katahimikan. Bago pa akong muling magsalita ay seryoso ang mukha niya kaya may pakiramdam akong hindi ito nagsisinungaling. Hindi ko akalaing siya na pala ang nagmamay-ari ng dati naming school.
"Really? Are you the owner of this school?" Tumango siya.
Kunsabagay, successful na ito ngayon. Marami na siyang pera kaya afford niya ang bumili ng isang eskwelahan.
BINABASA MO ANG
His Promises
Romance"I'll come back. Balang araw, isasama kita pabalik sa Pilipinas. Aalagaan kita doon. I promise, Ara. I will." Iyon ang mga pangakong iniwan ni Felip John kay Ara bago siya bumalik sa Pilipinas noong fourth year high school. Ara was born in Philippin...