Chapter 3

63 2 0
                                    

Pinunasan ni Ara ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. Hindi niya namalayan na nakatulog na ulit pala siya. Siguro ay dahil bumigat ang mga mata niya na sa sanhi ng pag iyak dahil naalala na naman niya si Felip at ang mga pangako nito sa kanya.

Labing tatlo nang nakalilipas ay naaalala pa rin niya ang mga pangako nito. Hindi niya ito nakakalimutan. Hanggang sa panaginip ay naroon si Felip. She missed him so much. Pero sa tingin niya ay pinaasa lang siya nito. Totoo nga siguro ang kasabihang, "Promises are made to be broken".

After their graduation, Felip came back from Philippines. Noong una ay nagsusulatan pa sila sila. Pero lumipas ang isang taon ay bihira na lamang hanggang sa tuluyan maputol ang komunikasyon nila. Sa pagkakaalam niya ay wala naman itong ginawa na pwedeng ikagalit nito.

Hindi niya alam kung bakit tumigil ito sa pagsusulat. Marahil ay nagsawa na ito dahil nakahanap ng bagong kaibigan o malalapitan sa Pilipinas. Hindi niya tuloy maiwasang magtampo rito kapag naiisip iyon. At sa tampong nararamdaman niya ay nauuwi ito sa galit at pagkayamot.

Hindi biro ang maghintay lalu na't wala siyang kasiguraduhan kung kelan ito babalik o babalik pa nga ba. He promised to come back (babalik sa US) and take care of her but he was not around when she badly needed him.

Marami na kasing pagbabago sa buhay niya magmula nang bumalik ito sa Pilipinas. Hindi pa rin niya alam kung kaya pa niyang ipagpatuloy ang buhay nito gayong wala ito sa tabi niya.

Her father died because of heart attack when she was seventeen. Namatay ito noong mga oras na nabigyan siya ng atensyon nito. Kahit papaano ay nakabonding niya ang daddy niya bago ito mawala. Nanghinayang siya nang husto dahil kung kelan nabigyan na siya nito ng oras ay saka pa ito pumanaw.

Magmula nang namatay ang daddy niya ay nagsimulang malugi ang negosyo nila sa US. Ang mommy niya ang katuwang ng daddy niya sa negosyo. Mahal na mahal ng mommy niya ang daddy niya. Kaya magmula nang namatay ang daddy niya ay naapektuhan ng husto ang mommy niya. Naging malungkutin ito at nawala na ng gana sa buhay. Unfortunately, her mother died after a few months because of depression.

Ginamit ng kuya Paulo niya ang perang iniwan ng daddy niya para magtayo ng negosyo. Hindi pa niya maaaring gamitin ang mga ari arian ng kanyang lolo't lola sapagkat wala pa siya sa tamang edad.

Nagtulungan sila ng kuya Paulo niya na magtayo ng isang restaurant. Naging close sila ng kanyang kapatid dahil sa mga nangyari sa kanilang pamilya. Kahit papaano ay nagawan naman ito ng paraan kaya nagiging successful.

Subalit, dumating ang mga araw na kailangan na rin siyang iwan ng kanyang kuya Paulo dahil nag asawa na ito at muling nanirahan sa Italy.

Twenty eight years old na siya ngayon. Kaunting panahon na lamang ay wala na siyang kalendaryo. Natatakot na siyang tumandang mag isa. Gusto na rin niyang may makakasama sa kanyang pagtanda. Gusto na rin niyang matulad kay Madison at sa kuya Paulo niya. Pero paano mangyayare kung hanggang ngayon ay si Felip pa rin ang idinidikta ng kanyang damdamin?

Ara David's POV

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa Fantasea Palace of My Baby Girl Resort kung saan gaganapin ang another day reunion namin. Ilang oras ko ring pinag isipan kung pupunta pa ba ako doon or hindi. At ngayon ay nasa harapan na ako ng resort. Late ako ng mahigit tatlong oras. Five o'clock kasi pumunta yung mga dati kong kaklase, eight o'clock naman akong nakarating.

Doon kami nag reunion bago ang aming high school graduation namin. Hindi kami nag swimming dahil may court naman doon na maluwag. Fantasea Resort of Atlantic Palace pa ang pangalan niyon noon. Balita ko ay may nagmamay ari na ng resort na ito kaya binago yung pangalan.

Pagpasok ko roon, nagulat ako dahil napakalaki na ng pinagbago. Idinagdag na rin don ang hotel and restaurant.

Ang susi na kasama ng kapirasong papel ay ipinadala sa akin three weeks ago para sa kwartong gagamitin ko sa pananatili sa resort. Nasa fourth floor ako, sa ikaapat na palapag.

Agad akong nagtungo sa silid. Pagpasok ko doon, namangha ako. Meron siyang king size bed, 29 inch cable TV, marami pang iba. Wala na akong ibang masabi dahil mas lalo pang gumanda itong resort kumpara sa noon. May balcony rin pala doon.

Sa balcony na iyon, kitang kita ko ang pitong swimming pools, marami na ring tao na nagkakasiyahan.

Nagpalit ako ng swimsuit. Pinatungan ko iyon ng itim na telang manipis ang kulay coral pink ko na one piece. Nakatutulong naman iyon sa pagiging single ko para mapanatili yung paghubog ng aking katawan.

Author: She was still sexy and fit despite her age.

Tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto.

Puno na yung pool area nang dumating ako doon. Bumabaha na ng mga boteng inumin at mga pagkain.

Karamihan sa mga bumati sa akin ay basa na, siguro dahil nakapagswimming na tapos umahon lang.

"Oh my God, Ara, you're still sexy." Sabi sa akin ng palabirong si Bo Gum. He is my Korean classmate. Matalino siya. Kahit papaano ay hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya.

"And still single like you." Narinig kong sabi ni Madison. Nakipag beso beso ako sa kanya. Nilingon ko yung mga kasama niya. Isinama pala niya yung asawa niyang si Erick at ang dalawang anak nilang si Ericson at Erica.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon