Chapter 6

59 1 0
                                    

Still Ara David's POV

Huling araw na ng aming reunion namin sa resort kaya naman sinulit ko ang pakikipag bonding sa aking mga dating kaklase. Nakatulong sa akin ang dalawang araw na bakasyon ko.

Naimpake ko na ang aking mga gamit bago pa mag 6 o'clock ng gabi. Hinintay kong punatahan ako ni Felip hanggang 9 o'clock ng gabi. Ngunit hindi pa rin siya dumating. Ang akala ko ay hindi na siya magpapakita nang mga araw na iyon but I was wrong. Bago ako umalis ng resort ay nagpakita siya sa akin.

"Ara, ihahatid na kita." Nakangiting sabi niya. Pasakay na sana ako ng sasakyan nang hinihingal siyang lumapit sa akin. Mukhang pagod siya galing sa pagtakbo dahil pawis na pawis siya.

"No need. I have a car." Hindi ko alam kung bakit nagtatampo ako sa kanya sa hindi niya pagpapakita sa akin ng buong araw.

"It's already nine o'clock. Delikado na sa daan." Sabi pa niya.

"Hindi naman gaanong malayo ang Atlantic sa Colorado eh."

"Kahit na, delikado pa rin."

"Anong gagamitin nating car kapag ihahatid mo ako?"

"Your car. Sasakay na lang ako ng taxi pabalik sa amin."

"No. No need. Alam mo, maaabala lang kita. Mahirap maghanap ng taxi sa amin. Ganito na lang. Gamitin mo na lang ang kotse mo tapos susundan kita pabalik sa amin gamit ang sasakyan ko."

Saglit akong nag-isip.

'Mapilit itong mokong na ito ah'. Sabi ng isip ko. In the end, wala rin akong nagawa kundi ang pumayag o pagbigyan siya sa gusto niya.

"Sige na nga. Ihatid mo na nga ako."

Bago kami sumakay ay nakita ko ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

Nakarating na kami sa aming tahanan. Nagpaalam na sa akin si Felip para umuwi na.

11:50 A.M

"What's the problem Mr. Wilson?" Yamot na tanong ko sa Manager ng restaurant ko.

Paggising ko ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot yon. Magtu-twelve o'clock na ng tanghali ngunit inaantok pa rin ako. Ngayon lang akong nakaramdam ng pagod galing sa resort. Hindi kasi ako nakapagpahinga kaagad. Hindi rin ako nakatulog kaagad nang ihatid ako ni Felip nang nagdaang gabi. Nae-excite ako sa kaalamang magkikita kami ng isang buong linggo.

"This is an emergency, Ma'am. You have to come here at the restaurant." Natatarantang sagot ng nasa kabilang linya.

"What's---" hindi ko na natapos tuloy ang sasabihin ko dahil naputol na ang linya.

Kauuwi ko lang ng bakasyon tapos problema ang haharapin ko.

"I'm so tired." Sabi ko sa sarili ko.

Agad akong naligo, nagbihis at sumakay kaagad ng sasakyan upang makarating sa aking restaurant.

Napansin kong natakpan ng mga kurtina ang mga bintana. Pagpasok ko doon ay nagtaka ako, madilim ang paligid. Hindi nakabukas ang mga ilaw.

"Mr. Wilson?" Tawag ko sa Manager ngunit wala namang sumasagot.

"Is anybody here?" Dagdag ko pa.

Wala pa ring tumutugon. Lalu akong kinabahan. Something was wrong. Nasaan ang mga empleyado ko? Nasaan ang mga tao sa aking restaurant?

Hinalungkat ko ang cellphone ko sa bag na dala dala ko. Gagamitin ko sana ang backlight non nang sa kalagitnaan ng paghahalungkat ko, biglang bumukas ang mga ilaw.

"Hi," isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.

Humarap ako. Pagharap ko.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon