But I suddenly froze. It was Felip. Alam ko ang boses niya kaya nilingon ko siya.
"Yes. It's nice. Ikaw ba ang nagpagawa nito?" Sabi ko at bumaling sa bulaklak na pinitas ko.
"Yes. But it is not open for public viewing." Sabi niya.
"Sorry, ah, trespassing pala ako." Pataray na sabi ko.
"Hindi ka naman kasama sa public na tinutukoy ko."
Huminga siya ng malalim.
"I made it for you."
"Why? Anong koneksyon ng pagbili mo ng resort sa akin?"
"Dahil maraming mahahalaga at magagandang alaalang nabuo rito at kasama ka sa mga alaala na iyon."
"Ehh kung mahalaga iyon, bakit hindi mo nagawang bumalik kaagad."
"Honestly, hindi ko talaga alam kung paano ako makabalik dito. Hindi ko rin alam kung paano harapin ka. At alam ko namang kahit magpaliwanag ako, hindi yon sapat para mapatawad mo ako. Sorry kung hindi ako nagawang bumalik kaagad. Pero nandito ako ngayon at handa na akong tuparin ang mga pangako ko sayo."
"Talaga? May pangako ka ba sa akin?"
"Ara.."
"Wala kang responsibilidad sa akin kaya kung puwede sana, iwan mo na lang ako."
"Alam kong napakalaki ng naging kasalanan ko sayo."
"Ano bang kasalanan mo sa akin?"
"Pinaghintay kita ng fourteen years."
"Sa tingin mo ba hinintay talaga kita?"
"Don't be sarcastic, Ara, I know better."
"Wala kang alam dahil wala ka sa buhay ko ng fourteen years, Felip."
"Kaya nga ako bumalik dito para tuparin ang mga pangako ko sayo. Gusto ko pa ring alagaan ka."
"Hindi ko na kailangan ng mag-aalaga dahil matanda na ako at lalung hindi naman ako katanggap-tanggap."
"I think, kailangan mo pa rin ng mag-aalaga sa iyo. Mag-isa ka na lang sa buhay, Ara."
"Kaya kong mabuhay ng mag-isa!" Pasigaw na sabi ko.
Alam kong ngayon lang ako narinig ni Felip na sumigaw. When we were young, I used to be calm and patient. Pero iba na ngayon dahil marami na ang pinagbago.
"Ano ba ang dapat kong gawin para maibalik ko ang tiwala mo sa akin? I'm willing to do everything you want para magkaayos na tayo."
"As in lahat?" Sarcastic na sabi ko. Sinusubukan ko kung hanggang saan yung presence niya.
"Oo, lahat." Sagot niya.
"Go to hell."
"Ara..."
"Sinabi ko na kung anong dapat mong gawin kaya layuan mo na ako."
"Wala na bang ibang paraan maliban dyan?"
"Wala na."
"Just give me one month or even just one week para mapatunayan sayo na dapat mo akong patawarin. Please, Ara. Give me a second chance."
Saglit akong nag-isip. Tinitingnan ko siya na parang tinitimbang ang mga sinasabi niya. Sa huli, wala rin akong nagawa kundi ang pagbigyan siya.
"Alright. I'll give you a week. But if you didn't convince me, huwag ka nang magpakita sa akin kahit kailan, hah?"
"Thank you for the second chance. Promise, I won't waste it."
Tumalikod na ako para hindi niya ako makitang lumuluha. I know that I might hurt if I trust him again.
"Kung may kailangan ka, katabi mo lang ang kwarto ko. Kumatok ka lang." Sabi niya bago tuluyang lumayo.
Ilang beses kong narinig ang pagkatok ni Felip nang pumasok ako sa aking silid. Bago ko siya makausap ay nasalubong ko siya. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakita.
BINABASA MO ANG
His Promises
Romance"I'll come back. Balang araw, isasama kita pabalik sa Pilipinas. Aalagaan kita doon. I promise, Ara. I will." Iyon ang mga pangakong iniwan ni Felip John kay Ara bago siya bumalik sa Pilipinas noong fourth year high school. Ara was born in Philippin...