Still Ara David's POV
Natuon ang pansin ko sa styrofoam na nasa loob ng compartment. Mayroon din akong nakitang kahon na tiyak kong pizza ang laman at ilang mga soft drinks in can.
Muli kong ibinaling ang tingin sa kanya. "Dito ba tayo maghahapunan?"
Isang tanong din ang isinagot niya sa akin. "Ayaw mo ba? Maganda yatang magpicnic dito."
He went back to his car. Siguro may kukunin siya. Paglapit niya sa akin ay may dala dala na siyang jacket at inilagay sa aking mga balikat dahilan upang hindi ako ginawin dahil malamig sa park. Saka niya ako iginiya sa kanyang sasakyan.
Ilang sandali pa ay masaya na kaming pinagsasaluhan ang mga pagkaing dala niya. May dala rin siyang gitara at tumutugtog siya.
Maya't maya ay nagtanong ako. "Masaya bang maging sikat?"
Tumingin muna siya sa akin bago siya sumagot. "Minsan oo, minsan hindi."
"Bakit naman?"
"Masaya kasi napaparinig ko sa buong mundo ang kanta naming ginagawa ko. Kahit paano, may nababaho akong buhay at may naiimpluwensyahan kami. Masayang malamang may nakaka-appreciate ng mga ginagawa kong nga kanta at sa banda namin pero ..."
"Pero ano?"
"Pero minsan, mahirap ding maging sikat. Minsan dumadating sa buhay ko na malungkot din ako. Minsan, nahihirapan din ako."
"Saan ka naman nahihirapan?"
Hindi siya sumagot. Tinignan niya lang ako sa aking mga mata. Saka ko lang napansin na masyado nang personal ang mga itinatanong ko. Baka naiilang siya.
"Sorry. Sige hindi na ako magtatanong."
Tumahimik ako at tumingin na lang sa madilim na kalangitan na punong puno ng mga bituin.
"Mahirap maging sikat." Biglang sabi niya.
"Anong mahirap sa pagiging sikat?" Tanong ko sa kanya na sa kalangitan pa rin nakatingin.
"Ayokong nauungat ang mga personal na bagay sa buhay ko. Hangga't maari, gusto kong maging private ang buhay ko para mapangalagaan ang mga taong mahal ko. Hindi ko gusto yung sinusundan ako ng mga tao kapag gusto kong mapag isa."
"Mahirap nga iyon." Pag sang ayon ko sa sinabi niya. "Pero wala kang magagawa, parte yan ng tinatahak mong propesyon."
"Ikaw, masaya ka ba ngayon sa buhay mo?"
Nagulat ako sa tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Pero sumagot agad ako.
"To be honest, hindi ako masaya."
"Bakit naman?"
"May kulang pa sa buhay ko na hindi ako sigurado kung kaya kong ma achieve."
"Ano pa ba ang kulang sayo ngayon? Don't tell me kulang pa ang pera mo. Imposible naman kung kulang. Malaman ka naman eh."
"Mas mayaman ka kaya kesa sa akin."
Nagtawanan kami bago siya magsalita. "Ano pa ba ang kulang sa isang Ara David?"
"Pamilya."
"Pamilya?" Tumango ako.
"Pangarap kong bumuo ng sariling pamilya. Gusto kong magkaroon ng asawa't mga anak balang araw."
"Mahirap bang gawin iyon?"
"Siguro. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa naaachieve iyon."
"Huwag kang mag alala, mabuti kang tao. Darating din ang oras na iyon. Maghintay ka lang."
"Sana nga." Nasabi ko.
"Tara na, gabi na." Yaya niya sa akin. Sabay kaming tumayo. Bago siya pumasok ng kanyang sasakyan ay pinagbuksan niya muna ako ng pinto ng sasakyan at tuluyan nang pumasok.
BINABASA MO ANG
His Promises
Romance"I'll come back. Balang araw, isasama kita pabalik sa Pilipinas. Aalagaan kita doon. I promise, Ara. I will." Iyon ang mga pangakong iniwan ni Felip John kay Ara bago siya bumalik sa Pilipinas noong fourth year high school. Ara was born in Philippin...