Still Ara David's POV
Humakbang siya papalapit sa akin. Hindi pa rin nawawala ang kabog ng aking damdamin. Hindi ko alam kung anong gagawin niya.
I closed my eyes. Naramdaman kong may nga brasong nakayapos sa aking katawan. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakayakap na pala siya sa akin. He hugged me tight and I hugged him back.
Tumagal iyon ng thirty seconds.
"Goodnight, Ara." Sabi niya saka kami kumalas sa pagkakayakap then, he gave me a quick kiss on my forehead. Sumakay na siya ng kanyang sasakyan at tuluyan nang umalis. Hindi pa rin ako makagalaw at makaalis sa kinatatayuan ko.
Felip John Suson's POV
I promised myself to never touch and kiss, Ara. Pero sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na makasama siya, nahihirapan akong pigilan ang aking sarili. Tila isa iyong parusa sa akin sa tuwing nakikita at gusto kong makasama si Ara.
Ayaw kong sayangin ang second chance na ibinigay niya sa akin. I wanted to take it slow. I wanted to regain her trust first I revealed my special feelings for her. If I would take advantage of the situation, baka masayang lang ang pinaghirapan ko. Sa pagkakakilala ko kay Ara, she was a very sensitive person. Baka sampalin niya ako at tuluyan na akong hindi patawarin.
Kailangan kong sundin ang plano ko dahil kung hindi ay baka tuluyang mawala sa akin si Ara. And I didn't want that to happen. Ikamamatay ko kapag nangyare iyon.
But who could resist her lips that seemed to sweet and soft? Ngayon ay napigilan ko pa ang aking sarili. Ngunit hindi ako sigurado kung hanggang kailan ko kayang gawin iyon. I wanted to own not just her lips, but also her heat, body and soul.
Tinignan ko ulit siya sa side mirror. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng gate nila.
Isang ngiti at malalim na hininga ang binitawan ko bago tuluyang pinaandar palayo ang aking sasakyan. Kung hindi ko gagawin iyon, baka hindi ko mapigilan ang sariling balikan at tuluyang halikan.
*Few days later*
Nagising ako ng maaga para paghandaan ang pangatlong maagang date namin ni Ara. Agad akong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay naghanap ako ng pwedeng maging outfit ko para sa maaga naming date. Gusto ko lang maging gwapo ako sa harapan niya. I chose black and white checkered na t-shirt. Tinernuhan ko yon ng jeans. I matched them with white sneakers.
Dumaan ako sa bahay ni Ara. Kumatok ako sa kanilang pinto.
Pagbukas ng pinto, natigilan ako dahil nakasuot siya ng black and white checkered tube at skinny jeans. Pinatungan niya yon ng denim jacket para hindi siya ginawin or whatever. She matched them with white rubber shoes. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil pareho kaming naka casual attire.
"Pasensya na kung kailangan mo talagang gumising ng maaga para sa pangatlong maagang date natin." Hinging paumanhin ko habang nasa kusina kami at nagkakape.
"Nakatulog naman ako ng maayos kagabi."
Author: pagsisinungaling ni Ara dahil isang oras lang siyang nakatulog sa kakaisip kay Felip."Are you sure?" Maiging tanong ko para masiguro ko kung nakatulog nga ba siya.
"Oo naman." She said.
"Huwag kang mag alala, hindi ko sasayangin ang paggising mo nang maaga."
"Sanay naman akong gumising ng maaga, eh." Sabi niya.
Kalahating oras lang ay nasa parking lot kami ng isang mall sa Colorado. Sarado pa ang mall na iyon nang dumating kami.
"Felip, I think, masyado pang maaga para mag malling." Alanganing sabi niya. Kung may balak akong ipag shopping siya ay mukhang mabibigo ako. It was eight o'clock in the morning. Wala pang bukas na stall sa loob ng mall. Maging ang mall mismo ay sarado pa rin.
BINABASA MO ANG
His Promises
Romance"I'll come back. Balang araw, isasama kita pabalik sa Pilipinas. Aalagaan kita doon. I promise, Ara. I will." Iyon ang mga pangakong iniwan ni Felip John kay Ara bago siya bumalik sa Pilipinas noong fourth year high school. Ara was born in Philippin...