Still Ara David's POV
Nang namatay sila tatlong buwan na ang nakalilipas ay naging mahirap sa akin na tanggapin iyon. Isang buwan kong iniyakan iyon. Dahil hindi naman ako matapang. Mababaw lang din ang mga luha ko. Ang pagkawala ng lolo't lola ko ay naging mabigat na dagok sa akin. Dahil sa kanila ko lang naranasan ang pag aalaga at pagmamahal sa binigay sa akin at hindi sa mga magulang ko. Kuya Paulo ko nga hindi ko naging close.
Mabuti na lang at nandyan ang mga kaibigan ko para damayan ako.
Ang lahat ng mga ari arian ng aking lolo't lola ay sa akin ipinamana. Ngunit makukuha ko lang iyon pag dating ko sa edad na dalawampu't isa.
Nagpasya ang daddy ko na pagkatapos ng graduation ko ay sa Washington na ulit ako titira. Doon ko na ipapagpatuloy ang aking pag aaral.
Missed ko na sina lolo't lola. Alam kong pag balik ko sa Washington ay wala na namang mag aalaga sa akin dahil busy nga ang mga magulang ko.
Kunsabagay, hindi naman na ako bata para alagaan. Subalit ang nais ko lang naman ay magkaroon lang ng oras sa akin ang mga magulang ko.
Ilang minuto pang naghari ang aming katahimikan sa pagiltan namin ni Felip. Para bang may malalim na iniisip. Hanggang ito na rin ang bumasag sa katahimikan namin. He looked deeply into my eyes and started to say something that me smile sweetly.
"Gusto mo bang turuan kita?" His broad smile made me agree to his proposal. Pero tumanggi ako. "Wag na lang. Matututo rin ako."
*Few days later*
"Bakit naman malungkot ang baby girl ko?" Narinig kong tanong ni Felip sa akin isang araw bago ang aming graduation.
"Baby girl" na ang tawag sa akin ni Felip simula nang magkaroon kami ng one day reunion.
Mula umaga hanggang uwian namin ay siya ang nagdadala ng mga gamit ko.
Hindi ko madalas na nakakasama si Madison at iba ko pang mga kaklase dahil laging nakabuntot sa akin si Felip. Sabay kaming kumain tuwing breaktime. Tinuturuan din niya akong maggitara kapag wala kaming ginagawa.
Hindi agad siya umuuwi para samahan ako sa paghihintay ng aking sundo dahil kadalasan ay nahuhuli sa pagsundo sa akin ang family driver namin.
Kahit panay kantiyaw sa amin ng mga kaklase namin ay hindi kami nahihiwalay.
Napakamahalaga at maasikaso niya. Sa araw araw na kasama ko siya, lalo akong napapalapit sa kanya. Simula nang maging magkaklase kami ay wala pa akong nabalitaan na naging girlfriend o nililigawan. Ang sabi ng mga kaklase ko ay si Felip daw ay parang baul, napakaraming secreto ang itinatago.
Mas madalas nga akong magsalita kahit tuwing magkasama kami. Pulos biro lang siya at pinapatawa ako. Kapag nagtatanong ako tungkol sa mga personal na bagay tungkol dito, sinasagot naman niya ngunit agad ding iniiba ang usapan. Wala akong alam tungkol dito maliban sa magaling siyang tumugtog ng musical instruments.
BINABASA MO ANG
His Promises
Romance"I'll come back. Balang araw, isasama kita pabalik sa Pilipinas. Aalagaan kita doon. I promise, Ara. I will." Iyon ang mga pangakong iniwan ni Felip John kay Ara bago siya bumalik sa Pilipinas noong fourth year high school. Ara was born in Philippin...