"Goodnight, Ara." Wika ni Felip sa akin pagkababa namin ng sasakyan niya. Nasa tapat na kami ng aking bahay.
"Hindi ka na ba papasok para magkape?" Tanong ko sa kanya. I really had a wonderful night with him. Ayawko man aminin, gusto kong makasama siya nang mas matagal pa kahit alam kong pagod na ako.
"Hindi na siguro. Sa tingin ko, kailangan mo nang magpahinga. Alam kong napagod ka."
Gusto kong mag stay muna siya kahit saglit lang at alam kong mas tama iyon. Pagod na talaga ako at hinahanap na ng aking katawan ang aking malambot na kama.
"Do we have a date again tomorrow?" Huli na nang matanto kong mali ang naitanong ko sa kanya. Hindi yata tamang ako pa ang nagtatanong kung may date ba kami o wala. Baka isipin niya, hinahanap hanap ko na ang company niya.
Isang ngiti ang itinugon niya sa akin. Alanganin ang ngiti niya.
"Of course. Kaya kailangan matulog ka na. Susunduin kita rito ng seven o'clock nang umaga."
"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napakaaga naman ng date namin. Kaya ba niyang gumising nang ganoon kaaga? Seryoso kaya siya?
"You heard me right, seven in the morning." Seryosong wika niya.
"Ang aga naman yata." Kunwari ay reklamo ko. Pero ang totoo, gusto ko siyang makasama.
"Hindi ka ba pwede nang ganoong oras?"
"Pwede." Maikling sagot ko.
"Kapag umaga kasi walang masyadong tao." Inakbayan niya ako. Kusang bumuka nang bahagya ang aking bibig dahil sa ginawa niya. But deep inside me, gusto kong inaakbayan niya ako.
"Ano naman ang koneksyon niyon sa date natin?" Naguguluhang tanong ko.
"Ayoko ng maraming tao kapag magkasama tayo." Sagot niya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maaasar.
"Ayaw mo bang makita nila na kasama mo ako? Hindi naman ako nakakahiyang kasama, ah." Pati ako ay naiirita na rin sa katatanong sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang kanyang sagot. Ikahihiya pala niya ako sa ibang tao. Ayaw pala niyang makita ako sa public na kasama niya. Kunsabagay, may point naman siya. Baka nais lang niyang pangalagaan ang career niya.
"Look, it's not what you think. Kung alam mo lang kung gaano ko gusto ipagsigawan sa buong mundo na sa wakas, kasama na ulit kita. Pero ngayon, hindi ko pwedeng gawin."
"Dahil ikasisira iyon ng career mo?"
"Nope."
"Then what? I can't understand you."
"Mas mahalaga ka pa sa career ko."
"Eh bakit ayaw mong makita ng buong mundo na magkasama tayo?"
"Ayokong kapag namamasyal tayo, may nagpapa autograph sa akin o magpapapicture. Ibinigay ko na ang mahabang panahon ng buhay ko sa mga fans. Iniwan kita ng mahigit isang dekada. Ngayon na lang ulit kita nakasama. Gusto kong ibigay ang oras ko sa iyo nang buo. Ayoko ring sugurin ka ng mga reporters kapag nalaman nila na lagi tayong magkasama. Utang ko man sa kanilang lahat ang kasikatang tinatamasa ko ngayon, still I want my life to be private." Sabi niya. Bumuntong hininga ako. "I know you're not used to the kind of life I am living right now. Believe me, Ara, I'm just protecting you. I'm afraid the world would take you away from me if they know how special you are to me.
Na touch ako sa sinabi niya kahit hindi ako sigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo o binobola lang niya ako. "Thank you."
"Sige, Ara, una na ako." Paalam niya, pagkatapos.
"Sige." Sagot ko naman.
Kinuha niya ang jacket na ipinahiram niya sa akin. He went back to his car.
Kahit nagpaalam siya ay hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Sa halip ay tumayo lang ako nang tuwid at humarap sa kanya.
"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ara ..."
"Yes?" Lumakas ang tibok ng aking dibdib. May nababasa ako sa mga mata niya na ayaw kong pangalanan. Sigurafo akong iyon din ang nakikita ko sa mga mata niya habang nagsasayaw kami nang nagdaang araw.
BINABASA MO ANG
His Promises
Romance"I'll come back. Balang araw, isasama kita pabalik sa Pilipinas. Aalagaan kita doon. I promise, Ara. I will." Iyon ang mga pangakong iniwan ni Felip John kay Ara bago siya bumalik sa Pilipinas noong fourth year high school. Ara was born in Philippin...