Chapter 4

77 3 1
                                    

Bumagsak ang boteng hawak hawak ni Ara nang marinig ang pangalang binggit ni Bo Gum at makitang umaakyat ito.

Hindi pinanpansin iyon ng mga tao sa paligid niya ang bumagsak na bote dahil nagsimula silang mag ingay at maglabas ng mga cellphone. May mga naglabas din ng camera para lumapit kay Felip at kunan ng litrato.

Ang iba ay natingilan nang marinig ang pangalan nito. Ang mga kaklase namang lalaki at ang dalawang kaibigan nito ay nagkakaingay rin. Marahil ay sabik ang mga ito na makamusta si Felip. Hindi na ordinaryong tao si Felip ngayon para sa kanila.

Hindi siya pwedeng magkamali. Binaggit ni Bo Gum ang pagdating ni Felip. Naguguluhan siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang umaakyat ito ng stage.

Naka puting t shirt lang ito at maong na short. Umikli na ng kaunti ang dating mukhang kimpi o bunot na buhok nito. At itim na ito hindi kagaya noong sumikat siya.

Tumingin ito sa gawi niya. She couldn't help but stare at him. Nang magtama ang mga mata nito, lalung bumilis ang tibok ng puso niya. Tila para bang sasabog na. Parang gusto niya itong yakapin ng mahigpit, ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay nanginginig ang kanyang mga tuhod at tumakbo papalayo sa pool area.

Halo halong emosyon ang nararamdaman niya. Nagagalit ang isang bahagi ng puso niya na parang gusto niyang sumbatan. Masaya naman ang isang bahagi ng puso niya na parang gustong lapitan. Hindi niya talaga alam. Natatakot siya dahil baka ma disappoint lang siya dahil dito.

Naguguluhan siya. And before she kew it, nasa loob na siya ng kwarto at umiiyak.

Felip John Suson's POV

Tila naulit ang pangyayare noong high school pa lamang ako. Noong gabing nag reunion kami ay hinihintay ko ang pagdating ni Ara. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Mahalaga na ang pagdating ko sa reunion namin.

Kanina ko pang gustong magpakita kay Ara dahil nakikita ko siya. Hindi nga lang niya ako nakikita.

"Uyy si Ara. Lapitan mo naman, Felip." Sabi kanina ng kaibigan ko.

"Kung sakaling lapitan mo siya, hindi kaya siya magagalit." Sabi pa ng isa ko pang kaibigan.

Pinipilit nila akong lumapit kay Ara. Ngunit tinanggihan ko sila kasi hindi ko magawang magpakita sa kanya.

Magkatabi lang kasi ang kwarto namin. Hindi ko nga lang magawang magpakita sa kanya kasi baka magalit siya sa akin.

Halos madurog ang puso ko nang makita ko ang pagdidilim ng mukha ni Ara nang magtagpo ang mga mata namin. Kaya nang makita ko siyang tumakbo palayo ay hindi ko nagawang sundan siya dahil napakalaki ng nagawa kong kasalanan. Pinaghintay ko siya ng labing apat na taon eh.

Ako rin naman kasi ang may kasalanan kung bakit naputol ang communication namin. Naging abala ako sa pag aaral nang bumalik ako sa tirahan sa Pilipinas mula sa Bulacan. Nakilala ko roon ang apat na member ng boy band. Lalu akong naging busy magmula noong sumikat ang aming boy group na SB19, kaya hindi ko nagawang sumulat kaagad kay Ara.

Magmula nang matapos ako ng college, ninanais kong bumalik sa US para balikan si Ara. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Bago ako umalis ng US ay pinangako ko na magiging mas mayaman pa ako kesa sa pamilya ni Ara. Para may maipagmalaki ako sa Daddy niya. Dahil bukod sa strict yon, matapobre din yon.

Hindi naman mahirap ang aking pamilya. Engineer ang aking ama at Doctor naman ang aking ina. Ngayon ay isa na akong electronic engineering. Pero hindi ko nagamit yung kursong natapos ko dahil sa edad ko na twenty ay naging celebrity na ako.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon