"It's already November.." bulong ko sa sarili.Bakit ang bilis ng oras? Palapit na nang palapit ang birthday ni Coen at hindi manlang ako nakalapit sakaniya nitong nagdaang linggo. Nasa ibang building siya at tuwing lunch time naman ay hindi ko rin siya malapitan gawa ng may kasama siya. I just have to find the perfect chance, why won't it come?
"It's already November pero wala ka pa ring ginagawa. Hay nako, mauunahan ka talaga." sabi ni Eli at umiling. Narinig niya pala.
"I'm trying! Sadyang hindi ko siya ma-tiyempuhang mag isa," sagot ko.
"Then try harder!" biglang singit ni Coleen sa usapan.
How harder should I try? Naiinis na ako. Only if that Claire would leave him alone just for a day so I could ask him!
"It's not that Stacey isn't trying her best, it's just that.." tumigil si Natalia sa pag sasalita at tumingin sa likod ko. Magkakasama nanaman kaming apat dito sa library at nag papalamig, kunwari nag babasa ng libro pero ang totoo masyado lang crowded ang cafeteria para pumwesto doon.
But anyways, Pumasok si Coen mag-isa sa library. Hinihintay pa namin kung may susunod ba sakaniya, maya-maya pa ay walang naka-buntot dito kaya tinawag siya ni Eli.
"Prez," mahinang tawag nito dahil nasa library kami.
Tumingin naman sa gawi namin si Coen. Lumingon lingon muna siya bago lumapit samin.
"Wala ka atang buntot ngayon?" Eli asked.
Coen sighed. "Please don't mention it.." aniya na para bang pagod na rin dahil sa kaka-buntot sa kaniya ni Claire.
"Hi Coen, our friend here has something to ask," sabi ni Coleen at siniko ako. Nabigla ako pero nilakasan ko na ang loob ko.
"Ano 'yun?" harap sa akin ni Coen. I was just about to open my mouth when we heard the door opened, I was easily distracted by it, and what's worst is, it was Claire.
Napa-face palm ang buong grupo namin, kulang nalang ay pati si Coen mag face palm dahil dumating pa siya at hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
Lumapit sa amin si Claire habang nakangiti.
"Andito ka pala," she said as if it was a coincidence.
I can't help but to roll my eyes in secret. Napansin nila Eli iyon at natawa.
"Ano ulit 'yung itatanong mo, Stacey?" tawag sa akin ni Coen.
Nag angat ako ng tingin sakaniya at kay Claire.
"Nevermind, next time nalang." I said and smiled. Tumango siya bago mag paalam, ngumiti sa amin si Claire bago sumunod kay Coen. Nang makalabas na silang dalawa ay nag labasan na ang mga kanina pang tinatagong sama ng loob ng mga kasama ko.
"Andito ka pala," pang gagaya ni Natalia kay Claire. "Kaasar! Akala mo coincidence at hindi nilibot ang building para hanapin si Coen!" dagdag pa niya.
Nasita kami ng librarian dahil medyo napalakas ang boses ni Natalia. Well, she's pissed and I get it.
"I know right? What a fake ass bit—"
"Okay okay, stop. Let's just figure out how to help this helpless one right here," pag aawat ni Eli sakanila at sabay tingin sa akin. Helpless...
"In terms of being consistent, talo ka na agad." paninimula ni Coleen. Can't argue with that, I mean.. Isn't it weird if I follow him around like how Claire does?
"Anong gagawin ko?" tanong ko. Even I can't figure out what to do.
"Coen goes home every 4 PM, minsan medyo maaga." sabi ni Natalia. I was confused.
"Ano ngayon?"
The three of them looked at me as if I was the stupidest person they've ever met.
"God. You're helpless.."
I figured out what they meant. Aabangan ko si Coen umuwi para mag-isa lang siya. I need patience for that, kasi maaga ng 30 minutes ang dismissal namin sakanila.
Pag ka-dismiss sa amin ay tumulong muna ako sa class duties which lasted for 20 minutes because the being the class representative means additional work, bago dumiretso sa kabilang building, which is the senior's building. There's a chance I'll be seeing Via there, but that doesn't matter, right?
Napadaan ako sa office ng student council at sakto namang lumabas galing doon si Via. Speak of the devil...
She rolled her eyes as soon as she saw me.
"Another eye sore." sabi nito at huminto sa harap ko. "What? Hahanapin mo din si Coen?" she asked. So that does mean I'm too late at naunahan na ako ni Claire?
"Napadaan lang.." sagot ko at yumuko.
"That's a stupid reason because the exit is the other way,"
Napapikit ako nang mariin nang marealize ko na nasa kabila nga ang exit at walang sense ang palusot na binigay ko. Am I doomed?
"You're lucky because he told me to stop being mean to you.." mahina niyang sabi. If that's the case, then I'm safe. Nanatili akong tahimik.
"Ano? Tatayo ka lang diyan? Bahala ka maunahan nung bwisit na 'yon." sabi nito at nag lakad na. Nilingon ko pa siya dahil hindi na ako nakasagot. I shook my head and ran to their class room, pero mga cleaners nalang ang nandoon. Tumakbo ulit ako pero this time, papunta sa exit ng building, he still might be inside the campus.
I reached the ground floor and stopped to catch my breath. Hindi ako nag kamali at nandoon pa siya, naka-talikod at naka-salpak ang earphones. I was about to get close nang mapansin kong may kumikinang sa bag niya. I am easily distracted, and figured out it was the keychain I gave him. Natulala ako doon pero bumalik din sa senses ko na may sadya pala ako dito.
"Co—"
"Coeeeen!"
Bumagsak ang balikat ko dahil sa nakakairitang boses na iyon. Lumingon si Coen at nakita niya ako. He looked surprised to see me here, pero binawi din ang tingin nang kausapin siya ni Claire.
"That's a cute keychain you got there," dinig kong sabi nito at tinuro ang keychain sa likod ng bag niya.
Kung hindi pa ako tinawag nila Coleen na hinihintay ako ay hindi ko pa sana aalisin ang tingin ko sakanila. I was walking behind them dahil wala akong lakas ng loob na lagpasan sila at iisa lang kami ng direksyon papuntang gate.
"You're into cute stuff like this? I'll buy you one on your birthday!"
I am eavesdropping at this point that it hurts right here, in my chest. Nang makarating ako kela Coleen ay inakbayan nila ako.
"May next time pa!"
Yup. May next time pa.
---
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us (SSG SERIES #1)
JugendliteraturStacey Santiago, a normal highschool student, gained interest in the student council's president, Coen Mikael Reyes. Knowing her own place, she could only look at him from afar. But when she realized nothing will change, she chose to make a move on...