Chapter 30: Informed

904 23 1
                                    


Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin at napangiwi nang makita ang mga kalmot nila sa akin kahapon. It hurts, yes. But I'm more worried kung paano ko ito itatago. Binuksan ko ang closet ko at tumumbad ang iilang long sleeve na minsan ko lang isuot.

I sighed. Well, I guess this will do.

Sinuot ko ang isang pink na sweater na naalala kong regalo sa akin ng lola ko noong ika-13th birthday ko. It was too big for me back then, pero ngayon ay medyo tumangkad ako kaya naman nag kasya na ngayon.

Bumaba na ako sa kitchen at nadatnan doong kumakain ang kapatid ko at nang napansin niya ako ay napangiwi siya dahil sa suot ko.

"Hindi ba against yan sa dress code? It's not even cold out there." tanong niya habang pinag mamasdan pa din ang suot ko.

"Anong magagawa nila, eh nilalamig ako." sabi ko at inirapan siya. He just shrugged and I'm glad he didn't asked more about it. Nag paalam na akong papasok sa school.

Eien goes to my old school, kung saan ako grumaduate ng junior high. Next year ay dito na din siya mag aaral, but it's still his choice. Balita ko ay kukuha siya ng scholarship sa isang sikat na university dito. Though it's not necessary, our parents can pay for his tuition, but he likes doing things his way.

Nag aalala ako dahil baka mag taka si Coleen kung bakit ako naka-sweater. The heat is bearable, dahil air-conditioned ang bawat room at lumalamig din ang simoy ng hangin dahil papalapit na ang December. Ang birthday ko.

Just as I thought, pinuna niya kaagad ang suot ko.

"Lamig ah." she said sarcastically. I grinned at her.

"Hoy, bawal 'yan!" pabirong sita sa akin ni Eliezer nang makita ako.

If it weren't for those girls! Masyadong halata ang pamumula ng kalmot nila dahil maputi ako, I wish I had Natalia's skin color at this point, it's easier to hide scratches.

Hindi na nila masyadong pinuna ang suot ko at nag iba ng topic. Tinanong ko si Coleen kung saan siya dinala ni Win, she rolled her eyes and groaned.

Nag taka naman si Eliezer sa nabanggit ko.

"You guys talked?" tanong nito kay Coleen.

"Oo," medyo iritadong sagot nito.

Pinag masdan ko ang mabagal na pag tango ni Eliezer at ang pag lingon niya sa pwesto ni Win. Nahuli naman niya itong nakatingin kaya nginitian niya ito.

Ako lang ba, o parang may namamagitan sakanilang tatlo?

Matagal ko nang napapansin ang kay Coleen, but I chose not to ask her about it kasi alam kong idedeny niya lang. I want her to speak up by her own.

Speaking of that, kailangan ko na palang sabihin sakanila ang nangyari noong araw na 'yon.

"Ready na 'kong.. mag kwento."

Nag ka-tinginan sila bago tumayo si Eliezer at tumakbo palabas ng room. Hindi nag tagal ay dala-dala na niya si Natalia. Napasapo ako ng noo dahil pinag titinginan na kami ng mga kaklase namin.

"Go." sabi nito.

Sinabi ko sa kanilang lahat ang nangyari noong gabing 'yon. Kung paano ako umiyak sa harap ni Coen, at sinundan niya ako, tapos, ang naudlot na pag-amin ko. They all looked regretful of my actions. Kahit ako, pinag-sisihan ko ang gabing iyon.

"Why didn't you just tell him? That was your chance.." malungkot na tanong ni Natalia.

"Pinag-sisisihan ko. Hindi ko din alam, hindi ko masabi noong gabing 'yon." sabi ko habang nakayuko.

Naramdaman ko ang pag tapik ni Eliezer sa balikat ko.

"I've been wanting to ask you this, pero kailan mo ba balak umamin? Mabilis ang oras, Stacey."

I sighed. Will he listen if I speak up? Baka nga galit siya sa akin, I suddenly left on his birthday, I bet he's disappointed.

"Pag balik niya.." I said out of nowhere.

Parang nabuhayan sila ng loob sa sinabi ko. Tumango si Coleen sa naging desisyon ko. Biglaan ang pagkakasabi ko, sa isang linggo pa ang balik ni Coen, and that day is exactly the start of a new month.

That day is my birthday.

Hindi gaya kahapon, masaya akong nag lunch kasama ang mga kaibigan ko, hindi na ako mag-isa kaya naman siguro hindi na nila ako lalapitan, diba?

Or not.

I immediately got nervous when I saw their group walking towards us. Hindi siguro iyon napapansin nila Coleen, pero nanlalamig ang kamay ko at napatigil sa pag-kain nang makita sila.

Napansin ni Eliezer 'yon at nilingon ang pinag mamasdan ko ngayon.

"Ano 'yun?" tanong niya. Mabilis akong umiling at ngumiti.

"Wala, natulala lang."

Mag papatuloy nalang sana ako sa pagkain pero natigil din nang maramdaman ko ang pag tigil nila sa harap ko. Kahit pa na may kasama akong parte ng student council ay hindi pa din pala sila titigil.

"Kapit SSG ka nanaman!" sabi ni Claire at pabirong hinampas ako sa likod, pero kahit sabihing pabiro ay malakas 'yun. Nag-kunot noo si Eliezer at tumayo.

"Anong ginagawa niyo?" I can sense the anger in his voice. Napayuko nalang ako at napapikit nang mariin. Tumayo din si Natalia.

"What? We're just joking! Friends kaya kami, 'di ba?" she was referring to me. Nag hihintay siya ng isasagot ko, hindi ako kumibo. Friends? I'm not stupid.

"Umalis na kayo bago ko ireport 'to sa adviser niyo."

"Psh, tapang ah. Treasurer lang naman."

I felt annoyed when they started to make fun of the others. Tiningala ko siya at sasagutin sana pero naunahan na ako ni Coleen.

"You're quite stupid, aren't you? He's part of the student council, regardless of his position."

Now the attention is on us. May ibang nag vi-video, at nag bubulungan. Nag lapitan na din ang ibang estudyante dito.

It's only been two days since his leave, but everything is in chaos, and it's my fault, I believe.

"Sir, ayun po."

Napatingin ako sa familiar na boses sa entrance ng cafeteria. It was Win, along with the faculty staff. I felt relieved when I saw them, and nervous at the same time, dahil hindi ko alam kung paano 'to ikukwento kela Coleen. I was planning on hiding it, dahil akala ko hindi na mauulit pa. Pero mukhang wala silang balak tigilan ako hangga't hindi bumabalik si Coen.

"Shit. May sumbungero." sabi ng isa nilang kasama.

Hindi sila nakatakas at isinama sa guidance office. Pinabalik naman kami sa klase at ang adviser nalang daw namin ang kakausap sa amin. Eliezer and Natalia went to the guidance office as well, bilang witness sa nangyari. Coleen and Win accompanied me to the class room. Hindi sila nag salita.

"Salamat." tanging sabi ko kay Win pagkarating namin sa room. Tumango lang siya at bumalik na sa pwesto niya.

"You will tell us about this later." ang sabi ni Coleen at bumalik din sa pwesto niya.

Tulala lang ako habang discussion. Hindi ko na inisip pa ang nangyari sa cafeteria dahil sabi ko sa sarili ko na mag sasawa din ang mga 'yun. Iniisip ko lang na sana nandito si Coen para payapa ang lahat.


---






The Gap Between Us (SSG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon