"Samahan niyo na ako! Sandali lang naman!" pamimilit sa amin ni Eli. May practice at photoshoot kasi sila para sa gaganaping pageant at si Eliezer ang napili naming pang laban."I'm starting to believe you're gay, Eliezer. Kailangan mo pa ba talaga ng kasama?" iritadong sambit sakaniya ni Coleen.
Tumingin sa akin si Eliezer. "Nandoon si Coen," sabi niya at ngumiti. Tumingin ako kay Coleen. As if she was telling me, 'ofcourse you'd go'.
"K-kung saglit lang naman, then why not? 'Di ba? Coleen?"
Ngayon ay isa na din ako sa nag pupumilit kay Coleen na sumama. I know she hates staying in school after classes, I hate it too. Pero kung babanggitin niya ang pangalan ng kahinaan ko ay ibang usapan na 'yun.
"Oo na! Sige na! Pag ikaw hindi nanalo pag babayaran mo 'tong oras na sasayangin ko."
Hindi ko alam kung sino ang ichi-cheer ko para sa pageant, pambato namin si Eliezer pero parang gusto kong manalo si Coen na kalaban namin. Can I cheer for both of them?
"Have faith in this mighty meaty boy." pag mamayabang ni Eli at humalakhak. Napatawa din ako. The fuck? Mighty meaty?
Sinabi ni Natalia na asahan naming nandoon siya dahil isa siya sa mag aasikaso ng event na 'to. At pumasok din sa isip ko na nandoon din si Via. After that phone incident I haven't heard of her, at hindi ko din nalaman kung paano nalaman ni Coen na ako talaga ang nakahanap ng phone niya.
"Ganda ng partner ni Prez, Kabahan ka na Sachi!"
Inirapan ko si Eliezer. Ofcourse his partner should be pretty. Na-curious tuloy ako, kung bagay ba sila tignan.
"Bagay sila pag mag katabi, galaw galaw Sachi!" pang aasar pa lalo ni Eli.
"Wala, forever pa-sulyap sulyap lang 'yan sa malayo!" dumagdag pa si Coleen.
Here we go again, making fun of my hopeless romantic. But it's true, I have no plans of confessing or what, for now.
"Tigilan niyo ko bago ko isumpang matalo 'tong strand natin,"
Tumigil sila sa pang aasar pero patuloy pa din ang pag tawa nila. Tapos na ang klase at papunta na kami sa gym para sa practice at photoshoot nila. Habang papalapit kami nang papalapit ay lumalaki ang kaba or excitement ko.
Sumalubong sa amin ang malamig na aircon at ingay ng mga contestants galing sa gym pagka-pasok namin dito. Mas lalong nanlamig ang kamay ko. Ano ba naman 'yan, hindi naman ako 'yung rarampa pero bakit 'yung grabe kaba ko?
"Prez!"
Tuluyan na akong nanigas sa pwesto ko lalo na nang tawagin ni Eli ang pangalang iyon. Coleen was holding in her laugh beside me. Si Eli naman ay nginisian ako. Ramdam kong papalapit na siya mula sa likuran ko kaya lumipat ako sa kabilang side ni Coleen.
"Iwas." bulong ni Coleen at tumawa. Siniko ko siya.
"Mag kalaban tayo? Sure win na 'to." rinig kong sabi ni Coen. Hindi ako maka-tingin sa direksyon nilang dalawa habang nag uusap.
"Gago prez ang hangin mo. Nga pala, This is Coleen, you've met before, right?"
"Hello, nung sports fest, remember?"
![](https://img.wattpad.com/cover/207128887-288-k808292.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us (SSG SERIES #1)
Teen FictionStacey Santiago, a normal highschool student, gained interest in the student council's president, Coen Mikael Reyes. Knowing her own place, she could only look at him from afar. But when she realized nothing will change, she chose to make a move on...