"So you're telling me, all of that happened yesterday?!" medyo malakas na pagtatanong ni Natalia.There's no point in hiding it. I was trying to do a good deed to Claire, but all she did was to dig her own grave. Sapilitang inangat ni Coleen ang sleeves ng sweater ko. Hindi ko na siya pinigilan. Their faces darkened when they saw the red scratches from yesterday.
"I'll tell him about this." mahinang sabi ni Eliezer. Pumasok kaagad sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Ha? Bakit pa?!" natataranta kong sabi.
"Anong bakit? Malamang, he's the president, he needs to be informed." sagot naman ni Eliezer at kinuha ang phone mula sa bulsa. Pinigilan ko siya sa pag kuha noon at nag makaawa na hindi niya naman kailangang sabihin. Sa huli ay napairap siya.
"Ano bang kinakatakot mo? 'Di 'yun lilipad agad agad papunta dito kapag nalaman niya." Coleen said, trying to convince me. Napairap nalang din ako at hinayaan sila sa kung ano mang balak nila.
Eliezer stepped out for a while, mukhang may kausap sa phone. I knew exactly who it was. Gusto kong marinig ang boses niya, my brain says. I sighed then shook my head. Let's get over this, first.
"Hindi ka pala pwedeng iwanan mag-isa, 'no?" sabi sa akin ni Coleen.
"Kaya ko naman—"
"Hindi mo kaya, kaya ka nga nasaktan eh." pag pigil sa akin ni Natalia. I can't argue with that.
Diretso uwi na ako pagkatapos naming pag-usapan ang nangyari kahapon. Kung hindi nila nalaman ay kakain pa sana kami sa labas, gaya ng nakagawian namin tuwing uwian. Ramdam kong may nakasunod sa akin sa malayo habang nasa loob pa ako ng campus. Pag lingon ko ay nakita ko si Win na nasa malayo at nakatingin sa akin. Did they really made him guard me?
Tinanguan ko siya at ganoon din ang ginawa niya. Ligtas naman akong nakauwi sa amin. Pag-uwi ko ay nadatnan ko sa sala si Eien na nanonood ng TV. Wala sa sariling hinubad ko ang sweater ko at umupo sa single-sofa katapat niya. Narealize ko lang ang ginawa ko nang makitang nakatitig siya sa braso ko.
"Cat fight?" tanging tanong lang nito at tinuon din sa TV ang atensyon.
"More like, cats versus a mouse." tamad kong sabi. Nakuha niya kaagad 'yon at natawa ng konti. Ganoon din ang ginawa ko.
This is why being with my brother is sometimes relieving. He doesn't really care about anything and doesn't bother about your secrets either.
Naligo ako at dumiretso sa kama ko tsaka bumagsak. It's a long, tiring day. Papikit na ang mga mata ko nang gisingin ako ng mga nakaabang kong home work. Tamad akong bumangon at umupo sa aking study table.
Binuksan ko ang phone ko at nag scroll sa mga social media accounts ko. Nothing new, no new friend requests, and no new messages. You can say, my phone is just there for accessory. Hindi ko siya masyadong nagagamit. Minsan lang ako tumawag sa mga magulang kong nasa ibang bansa pareho. Hindi na ako magugulat kung wala sila sa birthday ko. I've been celebrating it alone with Eien for 3 years already.
Binaba ko ang phone ko at sinara ang librong nasa harap ko dahil natapos ko na ang mga dapat gawin. Nang ibabalik ko na ang mga gamit ko ay nag ring ang phone ko. Muntik ko pang mahulog ang libro dahil sa gulat.
It was an incoming call from an unknown number. Saglit muna akong napatitig doon, kung sasagutin ko ba o hindi. Baka emergency? In the end, I chose to answer it.
It was a long silence before one of us started talking.
"Hello?" sabi ko dito dahil tanging pag hinga lang ata ng caller ang naririnig ko. I was getting creeped out by the silence.
"Hey,"
Kahit isang word lang 'yon, nag taasan ang balahibo ko at bumilis ang pag tibok ng puso ko. My hands began to tremble. Huminga ako nang malalim at napapikit.
"S-Saan mo nakuha ang number ko?" I asked with my slightly shaking voice.
"Kay Eliezer."
"Ah.."
Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin. Gustuhin ko mang magalit kay Eliezer dahil sa pag bigay ng number ko nang walang pahintulot, hindi ko din magawa dahil kung kay Coen niya din pala ibibigay, kahit itanong niya ay ibibigay ko naman!
"I heard about what happened. Ayos ka lang ba?"
I could almost feel the sincerity of his voice. Para akong tangang patangu-tango dito kahit hindi niya naman nakikita. I'm losing myself again. Keep your cool, Stacey.
"Okay lang. Hindi naman siguro uulit 'yung mga 'yun."
"They better not."
I have a lot of questions to ask you. Galit ka ba? Mapapatawad mo ba ako kapag humingi ako ng tawad? Tatanggapin mo ba ang pag amin ko kapag sinabi ko ang totoo? Papakinggan mo ba ako?
"Nasaan ka ngayon?"
Pero syempre, hindi ko kayang itanong 'yun. Not this time, atleast. Siguro mas magandang linawin ang lahat kapag nandito ka na, at kaharap na kita.
I heard his deep sigh through the phone. You're tired too, aren't you?
"Malayo ako sa'yo, Stacey. Kaya ingatan mo ang sarili mo."
I didn't knew what exactly he meant by that. Pero kahit hindi ko siya maintindihan, parang kinurot ang puso ko nang sabihin niyang malayo siya sa akin. Malayo ka sa'kin..
"Okay.." ang tanging naisagot ko.
"Just a few more days, wait for me. I'll fix everything."
"Hindi na kailangan! Nandito naman sila Eliezer—"
"Wait for me."
Saglit na katahimikan, bago namatay ang linya. Napabagsak ako sa kama at napahigpit ang hawak sa cellphone. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso na kanina pa ayaw kumalma.
Unti-unting sumilay ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan. That call was all I need to survive this whole week! I feel so energized for tomorrow.
Sure, Coen. I'll wait.
---
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us (SSG SERIES #1)
Teen FictionStacey Santiago, a normal highschool student, gained interest in the student council's president, Coen Mikael Reyes. Knowing her own place, she could only look at him from afar. But when she realized nothing will change, she chose to make a move on...