Stacey'sTime sure flies really fast. Parang kahapon lang, nag sisimula palang kami ni Coleen bilang grade 11 students, and now we're here, at our school's Awarding Ceremony for those who accomplished great academic performances during the school year. Bukas naman ang Graduation Ceremony para sa mga grade 12 students. Meaning that Coen will be graduating tomorrow. He will be graduating as the school's Valedictorian. What a smart guy he is.
"Ate!" Eien called me.
I smiled and walked towards him to give him a hug. Nagulat ako nang makita ang parents ko na nakasunod. I immediately ran to them and gave them a hug.
"Akala ko hindi kayo makakapunta!" sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap.
"Where are your friends?"
Agad kong tinawag sila Coleen para maipakilala ko. Sinama ko na rin si Win dahil friends na kami, I think.
"Pogi talaga ng kapatid mo Stacey," bulong sa akin ni Natalia pag ka-tapos ay napatingin ako kay Eien na nakaupo sa tabi ni Mama habang nag c-cellphone. Nginisian ko si Natalia.
"He's 15," sabi ko. She frowned.
"Whatever. I have a boyfriend!" sabi nito at umirap. Natawa nalang ako.
We went back to our seats because the awarding is about to begin. Ako naman ay hindi mapakali dahil kanina ko pa minemessage si Coen at hindi pa rin ito sumasagot. Sabi niya ay makakapunta siya ngayon. I waited for his message at isa isa nang tinatawag ang mga students na may award. I was bored so I played games on my phone. My mood brightened up when Coen's messaged popped up.
From: Coen
I'm here
Nilibot ko agad ang paningin ko at lumingon kung saan saan pero dahil medyo madaming tao ay hindi ko siya agad makita. Napansin ni Coleen ang pag lingon ko kaya tinaasan niya ako ng kilay at napalingon din. I still couldn't find him.
"Your boyfriend's over there," sabi ni Coleen at itinuro ang pwesto malapit sa entrance. I immediately smiled when I saw him. He was standing there while looking through his phone. Gusto ko siyang tawagin kaso baka pagalitan ako ng mga teachers kaya itinaas ko nalang ang kamay ko nang kaunti at napansin niya naman iyon. Nag tama ang tingin namin kaya napangiti din siya.
Tatayo na sana ako para lapitan siya nang biglang tumunog ang phone ko.
From: Coen
Stay there. We'll talk after the awarding
Napasimangot ako pero sinunod ko naman. Itinuon ko ulit ang atensyon sa mga estudyanteng umaakyat ng stage at sinasabitan ng medal. Minsan ay dinadaldal ko si Win na katabi ko at maya't maya rin akong lumilingon sa pwesto ni Coen. Nairita ata sa'kin si Win dahil sa pag lingon ko at mahina akong binatukan.
"Nakaka-distract ka!" he hissed. Natawa si Coleen sa tabi ko kaya kahit gusto kong lingunin si Coen ay pinigilan ko dahil baka mabatukan ulit ako. Niyaya ko nalang si Win na mag laro ng Mobile Legends dahil maya-maya pa naman kami tatawagin, or so I thought.
"Manalo, Alvis,"
Napatigil ako sa pag lalaro at napatingin kay Win na seryosong nag lalaro.
"Huy! Win!"
"Teka lang tangina rank game 'to—"
Inagaw ni Coleen ang phone niya at tinulak si Win para mag lakad papalapit sa stage. Nag tawanan ang ibang kaklase ko dahil narinig ang usapan namin. Malakas namin siyang pinalakpakan nang sabitan na siya ng medal. Tatlo ang award na nakuha ni Win, ang isa ay para sa academic performance, isa ay sa athlete, at ang isa ay special award. Tatlong beses din siyang pabalik balik sa stage kaya pag balik niya dito ay tinawanan namin siya.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us (SSG SERIES #1)
Teen FictionStacey Santiago, a normal highschool student, gained interest in the student council's president, Coen Mikael Reyes. Knowing her own place, she could only look at him from afar. But when she realized nothing will change, she chose to make a move on...