Chapter 34: My Turn

1K 33 26
                                    

Stacey's

"Happy birthday, loser." unang bungad sa'kin ni Eien pag kababa ko galing sa kwarto. In fairness, ang aga niya ngayon at siya pa ang nag handa ng breakfast namin. Inirapan ko siya pero napangiti din at niyakap.

"Thanks, loner." sabi ko at humiwalay sa yakap. Tumawag din ang mga magulang ko, this early in the morning. Nag lagay sila ng pera sa bank account ko para daw pang celebrate namin. Medyo nabigla ako sa laki nun dahil hindi naman ako mag cecelebrate.

'Di pa natapos ang service doon ni Eien at siya pa ang nag hugas ng pinag kainan. Once a year experience lang 'to kaya sinulit ko na.

Linggo ngayon kaya inanyayahan kong mag simba si Eien. Pumayag naman siya. I'll pray for a wonderful year. Pag katapos ay nag withdraw ako ng pera pambili ng kung anu-ano. Mag luluto ako ng carbonara, 'yun lang ang kaya kong lutuin. At favorite din namin kaya bumili na 'ko ng mga ingredients para mamaya. At kung sinuswerte nga naman, nakasalubong ko pa si Coleen sa super market, tulak ang cart na may lamang iba-ibang snacks at soft drinks. Nagulat siya sa presensya ko at bigla akong niyakap.

"Happy birthday!!" bati nito. Niyakap ko siya pabalik.

"Salamat! Regalo ko?" biro ko. I don't expect anything from anyone naman.

"Laters! Mauna na 'ko ha? Ingatan mo 'yan," sabi niya sa kapatid ko, tumango naman si Eien bago umalis si Coleen.

What's with the rush?

Umuwi din kami kaagad ni Eien matapos mamili at saglit na nag pahinga. I checked my phone and my social media accounts. May nakita akong mga bumati na dati kong mga kaklase, at yung iba ay hindi ko kilala. Nireplyan ko yung mga kilala ko.

I didn't receive any calls or text messages from him since then. Alam ko ngayon ang balik niya, pero alam niya kaya na birthday ko? Sana sinabi ni Eliezer.

"What am I expecting.." bulong ko sa sarili ko at umiling.

I started cooking while Eien is watching and bugging me. Hindi makapag hintay ang isang 'to, kala mo siya may birthday. Dapat nga siya ang nag luluto eh. Dapat feeling princess ako ngayon!

I finished cooking and then we ate together. Kinuwentuhan niya ako tungkol sa school niya. Medyo nabigla ako nang sabihin niyang may nag hahabol sakaniyang babae. I mean, why not? Maganda ang lahi namin!

"Wala kang boyfriend?"

Muntik na 'kong masamid sa biglaan niyang tanong.

"Wala. Ayaw akong ligawan eh. Kung pwede lang manligaw ang babae, ako na nang ligaw dun." sabi ko at umiling. Natawa siya at umiling din.

I made it sound like a joke, pero nalulungkot ako syempre. Sino bang hindi malulungkot na hindi gusto ng taong gusto nila?

Si Eien ang pinag hugas ko ng pinag kainan dahil sabi ko nga gusto ko mag feeling princess ngayong araw. Tapos na din naman ang exams, wala na 'kong dapat ika-stress.

Tumambay kami sa sala at nanood ng movie. Puro animated movies ang pinapanood namin. Nakaka-dalawang movie na kami at nireready ko ng i-play ang susunod nang biglang nag ring ang door bell. Nag katinginan kami saglit at nag pasyang ako na ang mag bubukas.

Who could it be? Wala naman akong iniimbitahan.

Pag bukas ko ng pinto ay dumungaw ako kung sino ang nasa gate at nanlaki ang mata ko nang makita sila Eliezer na nasa tapat ng bahay namin!

Tumakbo ako papunta sa gate dahil ang ingay nila sa labas, nakanta pa ng happy birthday at may dalang mga lobo. Napangiti ako sa kahihiyan nila at pinapasok sila sa loob.

The Gap Between Us (SSG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon