Chapter 36: Encounter

955 20 2
                                    

Coleen's

"Hala malandi, nag pasko lang nagka-jowa na!" sabi ko kay Stacey habang magka-video call kami. Our family decided to celebrate Christmas here in Baguio. Not only the weather is great, but the tourist spots too.

And apparently, habang wala ako ay nag sasaya na pala ang gaga kasama ang first ever boyfriend niya. Ang masasabi ko nalang ay nawa'y lahat.

"Kailan ka ba uuwi? Walang thrill mag kwento kapag wala akong mahampas!"

I rolled my eyes.

"Sa 30 pa!"

"Ano ba 'yan,"

I can't blame her, nabo-bored din ako dito dahil wala akong makausap. Miss ko na si Stacey, si Natalia, at syempre, si Eliezer.

Kung pwede lang umuwi in advance, kaso wala rin naman doon si Eliezer dahil sigurado akong nag out of town din sila kasama ang pamilya niya. I didn't ask him where, though. Dahil wala na kaming masyadong oras para makapag usap bago mag Christmas break. They held a party, kaya ayun, busy at hindi ko malapitan. And it's unnecessary to ask where his family is going.

I can't wait for New Year's Eve.

Binaba ko ang video call namin ni Stacey dahil lalabas kami maya-maya para kumain at mag libot na rin. Nag ayos ako at naisipang bilihan sila Stacey ng souvenir while I'm at it.

We went out for dinner, at dumayo sa infamous tourist spot, Valley of Colors. The view was great, pero mukhang hindi kami mag tatagal dahil mag didilim na. But before that, we decided to take pictures as a fam, ang problema ay wala kaming tripod. Taking selfies is a waste for the good view.

"Let's ask this young man right here," sabi ni Dad. Hinayaan ko lang sila at nag libot ng tingin sa makukulay na gusali sa paligid.

"Dito, boss?"

Napaitlag ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Tumingin muna ako kay Kuya na nakatingin sa'kin ngayon at nakangiti. He's the only one who knows.

At dahan dahan akong lumingon at hindi nga ako nag kakamali! This must be my Christmas present, perhaps?!

"Coleen!" nakangiting tawag sa'kin ni Eliezer, hawak ang camera at kumakaway. Kinawayan ko siya pabalik.

Wow, destiny must really like playing with me. 'Wag mong sabihing nandito rin si Win, ha?

Bago pa mag tanong sila Dad ay niyaya ko na silang mag pose para sa pictures. We took several of them at nag pa-picture ako ng solo sa Kuya ko.

"Picture tayo, Coleen!"

Nilingon ko sila, nakangiti at tumatango. Inabot ni Eliezer ang DSLR sa isa niyang kasama, mukhang nakababata niyang kapatid dahil kamukha niya.

I stood there, stiff beside him. Ni-hindi manlang ako dumidikit. Napansin niya 'yon at mas lumapit sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin pero naka-ready na siyang ngumiti sa camera. The next thing I knew was the camera clicked and I was not ready!

"Luh, isa pa!" sabi ko. Natawa naman siya.

This time, we were both smiling.

Sandali lang kaming nakapag usap ni Eliezer dahil nag yayaya na rin si Kuya na umuwi dahil may bukas pa naman daw. Sinabi kong i-send niya ang mga pictures na kinuha kanina gamit ang camera niya, sana pala kumuha rin ako gamit ang phone ko. Para pwedeng i-wallpaper.

The Gap Between Us (SSG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon