Chapter 34: Courting

1K 27 15
                                    

Coen kept his word. I can sense that he's trying his best to get closer to me. He would check on me during break, hinahatid niya ako pauwi at may isang beses na nagulat ako dahil sinundo niya ako sa bahay. It was all perfect for me. But I can't focus on being happy, knowing that this is only temporary, because he'll be away soon.

"Taray naman nito, nag birthday lang nag ka love life na!" panunukso sa akin ni Coleen. Kahit ilang araw na ang nakakalipas ay hindi pa din sila tumitigil sa pang aasar. Sabagay, kahit ako 'di maka-move on, eh. Because all of this was once my dream.

"Nawa'y lahat." dagdag pa ni Eliezer.

Tinawanan ko nalang sila dahil gustong gusto ko naman. Hindi nawawala ang kilig sa sistema ko at mas lumalaki lang kapag nakikita ko siya. Hindi humuhupa, lumalaki lang.

"Ayan na oh, ayan na." sabi ni Natalia at alam ko na agad ang ibig sabihin niya. I saw Coen walking straight towards our table. Nginitian niya ako at wala akong magawa kundi ngumiti lang din nang mas malawak. There are rumors about me and him already. May nag sasabing kami na, 'yung iba sinasabi ginayuma ko raw. OA nila 'no? Inggit eh.

Nang tuluyan nang makalapit sa amin si Coen ay umusog ako para makaupo siya sa tabi ko pero pinigilan niya ako at umiling.

"I won't take long, may sasabihin lang." sabi nito.

Tumingin muna ako sakanilang tatlo para mag paalam pero bago ko pa maibuka ang bibig ay tinanguan nila ako at pabirong tinaboy doon. Tinawanan ko nalang sila at umiling. Then I followed Coen outside. Napadpad kami sa tapat ng library na wala masyadong dumadaan. He faced me. Kahit ilang araw na kaming ganito ay nabibigo pa din akong panatilihin ang composure ko at napapatalon pa din kapag tumitingin siya sa akin bigla.

Natawa naman siya doon.

"Sorry you had to walk here, I want us to be alone." seryoso nitong sabi.

"Bakit? Importante ba 'yan at bawal may chismosa?" biro ko, pampa-bawas tension. Ngumiti siya at umiling.


"This is about me studying abroad, Stacey."

Nawala ang ngiti ko at bumagsak ang tingin sa sahig. I heard him sigh a bit. This is the topic we've been avoiding for days now. We both didn't want to talk about it. Masyado kaming masaya noong mga nag daang araw para pag usapan ito. I guess we really should face our problems.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo, I won't go."

Mabilis naman akong napa-angat ng tingin at agad na umiling. I held both his shoulders and looked at him directly in his eyes.

"'Wag ganun," seryoso kong sabi. Nagulat naman siya sa naging reaksyon ko. Oo, ayokong malayo sa kaniya, at the same time, ayoko ding maging hadlang sa future namin— future niya pala.

"It's for you to decide, so please, don't let your personal feelings get in the way of your success, and I won't let mine, too."

Sandali kaming nanahimik. Mabagal siyang tumango at kinuha ang kamay kong nakapatong sa balikat niya. Pinisil niya iyon at ngumiti.

"Matured mo naman," biro nito at tumawa. Natawa na rin ako at pabirong hinampas siya.

I mean, it's for the best.

Kung pwede lang siyang sundan kung saan man siya mag aaral, gagawin ko na. But I have my own responsibilities here. Maybe I'm just afraid he'll find someone better than me while he's away, we're both young afterall. Nalungkot ako sa idea na 'yon. Paano kung mangyari nga? I'll be the one left broken here. Because I'm pretty sure myself that he's more than enough. I'm overthinking, hindi pa nga kami eh!

The Gap Between Us (SSG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon