Chapter 15: Realization

1.3K 30 8
                                    

Eliezer's

Sigh. What an eye sore.

Wala nang mas sasama pa sa makita mong naglalandian 'yung taong gusto mo at 'yung taong gusto niya. Just hurry up and break up already. Just kidding.

"You're too obvious."

"Waaaay too obvious."

Lumipad ang tingin ko sa dalawang kasama ko ngayon. Walang iba kundi sina Coleen at Sachi. Bukod sa wala akong choice kundi sumabay sakanila, nae-enjoy ko din silang kasama.

"Pinag sa-sabi niyo?" tanong ko sakanila. Kasalukuyan kaming nasa library dahil masyadong crowded sa cafeteria, at kung minamalas nga naman. Nandito din pala sila Natalia at 'yung boyfriend niya. This is the least scenery I wanted to see in my entire life.

"Kung ganiyan ka makatingin sa dalawang iyon," ngumuso si Coleen sa direksyon nila Natalia, "Edi sobrang halatang sinusumpa mo na silang dalawa na mag hiwalay agad agad!" sabay hagalpak nila ng tawa ni Sachi.

Hindi ko iyon tinanggi dahil 'yun naman talaga ang nasa isip ko.

"Can't you just be happy for Natalia as her bestfriend?" tanong sa akin ni Sachi. I looked at her as if she had all the audacity in this world to say that.

"Would you be happy if Coen and Via started dating?" I fired back. Natahimik siya at inirapan ako. See? It's not that easy.

Mas lalong natawa si Coleen at umiling. Palibhasa walang pinoproblema ang isang 'to. Bumalik ang tingin ko sa dalawa. Kitang kita ko kung gaano siya kasaya kasama ang lalaking 'yon, si Nikko.

Akala mo ba ginusto ko 'to? I've always wanted to get rid of this feelings and be happy for her, that's why I am avoiding her. Not because I am jealous, well, maybe I am. But because I'm afraid this feeling will only grow and I wouldn't be able to control it anymore.

Nahuli ako ni Nikko na nakatingin sakanila. Ngumiti siya sa akin at kumaway. I didn't respond. Umiwas ako ng tingin at nakipag-usap kina Sachi.

Nikko is kind. Way too kind. Can't he just be an ass so I would have a reason to hate their relationship?

So frustrating.



Natapos na ang klase at kailangan ko nang gampanan ang duties bilang isang student council. Lalo na't may paparating na program ng isang club, kailangan namin itong pag planuhan maigi.

Nag paalam na ako kina Sachi at Coleen at tumungo sa office. Tumingin ako sa wrist watch ko, late na ako ng five minutes dahil kasama ako sa class room duties ngayon.

Ayos lang 'yan, malakas naman ako kay prez.

Na-blanko ako nang makita ko si Nikko na nakatayo sa harap ng office. Must be waiting for his girlfriend.  Nang mapansin niya ako ay ngumiti nanaman siya at kumaway. Hindi ko ulit siya pinansin at pumasok sa office.

Sinesermonan ako ni Kael dahil sa pagiging late ko pero hindi na ako nakipag biruan pa at nag sorry nalang. Natigilan siya dahil sa inakto ko pero nag patuloy din sa meeting.

Why does he keep doing that? It irritates the shit out of me.

The meeting ended late. Medyo nag ka-gulo ang club officers at ang council tungkol sa budget, at bilang treasurer naipit ako sa sitwasyon na iyon at na-stress din. Napatingin ako kay Kael na naka-tungo ngayon sa lamesa, bigla kong naalala..

The Gap Between Us (SSG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon