"My Mom wants to meet you."Parang nabilaukan ako ng sariling laway nang marinig ang sinabi niya habang mag ka-call kami. Sabado ngayon at hindi kami makakapag kita dahil walang pasok kaya it's either tatawag ako or tatawag siya. Ang balak ko lang naman ay kamustahin siya ngayong weekends tapos biglang—
"Meet me?! Bakit?! Sabihin mo—"
"I already told her yes."
Napasapo ako ng noo. "Hindi ako ready.."
I heard him chuckle from the other side. "Kabado?"
I sighed. I've met his mother once, she looks nice. Pero natandaan ko kasi ang sinabi niya noon. Na hindi pa pwedeng mag girlfriend si Coen dahil mag aaral siya sa ibang bansa. Paano nalang kung hindi niya kami suportado at pag hiwalayin kami?
"Paano 'pag.. hindi niya ko gusto?" I said, almost whispering. Ayan nanaman ang halakhak niya.
"Ano naman? Ako gusto kita," Sabay tawa.
Ako naman ay natawa rin dahil sa ka-cornyhan niya paminsan minsan pero bumalik din ang kaba ko agad.
"Seryoso kasi!"
"I'm serious though. There's nothing to worry about. Just come."
I sighed. "Kailan ba?"
"Bukas."
Pag katapos no'n ay pinaulanan ko ng mura si Coen dahil biglaan. Hindi tuloy ako mapakali sa kama dahil iniisip ko kung anong mangyayari bukas. Problemado din ako sa susuotin ko! What should I wear? A dress? Is it too formal? Should I stay casual? Ugh! This is stressing me out!
But if it's for Coen, I guess I could work it out. Oo, ganoon ako karupok.
Paikot ikot lang ako sa kama at paiba iba ng posisyon hanggang sa mag madaling araw. Sinukuan ko na ang pag pilit matulog at bumaba sa kusina para uminom sana ng gatas at nagulat ako nang makita si Eien sa counter, nakain habang nag ce-cellphone. Napansin niya ang presensya ko at nagulat din nang makita ako. Walang imik akong umupo sa tabi niya at kumain din.
"Ba't gising ka pa?" tanong ko habang nag sasalin ng gatas sa baso.
"I could ask the same thing to you." he answered without looking away from his phone. Inirapan ko siya kahit hindi niya 'yon nakita.
"Eien," tawag ko dito. Kahit suplado 'to ay may kwenta rin kausap minsan. Kami lang ang dalawa sa bahay na 'to kaya siya lang din ang nasasabihan ko ng mga problema.
Nag angat siya ng tingin sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
"I'll meet his parents later." sabi ko at nag iwas ng tingin. Naramdaman ko namang nakatingin lang siya sa'kin sa gilid ko.
"I'm nervous—"
"Don't be."
Napatingin ako sakaniya nang sabihin niya 'yon. Siya naman ngayon ang nag iwas ng tingin.
"I'm sure they'll like you, there's no reason not to. So don't be nervous."
Touched by my brother's words, when I tried to sleep after talking with him, my mind was at ease and I was able to sleep for a while.
Nagising ako sa tunog ng alarm ko at napatingin sa oras. I only slept for three hours. Kahit inaantok pa ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo para mag hilamos at nang sinilip ko ang sarili sa salamin ay napamura nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us (SSG SERIES #1)
Teen FictionStacey Santiago, a normal highschool student, gained interest in the student council's president, Coen Mikael Reyes. Knowing her own place, she could only look at him from afar. But when she realized nothing will change, she chose to make a move on...