Stephen's PoV
Buti na lang paglabas ng clinic ehh wala na don si Brittany. That girl is giving me more headaches than the usual 🤦🏻♂️
Pagdating ko sa room Brittany walked up to me and hugged me aish
"Papa Stephen san ka ba galing?! I am so down not seeing you!"
"Stop it Brittany. Bitaw"
"Why?!"
"Tsk! Leave me alone will you?! Stop making a scene!"
"No! I'm never going to leave you!"
Naglakad na lang ako papunta kina Darius
"Yes Mr. Heartthrob?" Darius
"Painform sa mga prof natin hindi kami makakaattend ng classes ni Dalyn"
"Bakit?" Seve
"She needs to be brought home"
"Ay service ka na ngayon? Hahaha" Darius
"Whatever man just tell them okay?"
"Aye aye boss! Hahaha" Seve
"Thanks"
"Papa Stephen where are you going?! Sama ako!"
"Hoy harina ayy este Brittany tumigil ka ngang baliw ka tch" Seve
"Alis na ko"
"Go go. Baka iniwan ka na ni Dalyn haha"
"Kayo na bahala sa isang yan"
"Opkors!"
Dalyn's PoV
Hihintayin ko ba talaga si Stephen?! Parang lalo ako lalagnatin pag kasama ko siya umuwi sa bahay!!! Waaaaahhh.
Tumayo na ko at pumunta sa nurse
"Nurse, may need pa po ba ako ayusin bago ako umuwi?"
"Ahh wala na inasikaso na ng boypren mo"
"Boypren?!" Kelan ako nagkaboypren?!
"Di mo ba boypren yung kasama mo kanina?"
"S-si Stephen?!" Napakagat ako sa damit ko. Jusko nurse!! How I wish!! Aahhh teka lang hihikain yata akooo
"O-oy okay ka lang?!"
Nagsignal ako ng thumbs up bago bumalik agad sa kwarto ko para mag inhaler
Pakshet. Etong nurse na to dadagdag pa sa sakit ko eh!!!
After ko mag inhaler naisip ko na naman yung sinabi niya
Inasikaso na ng boypren mo
Inasikaso na ng boypren mo
Kinuha ko yung unan saka impit na sumigaw bushak!!
"Inhaler hoo!! Hala nasan na?!"
"Hey what's happening?!"
Parang lalong lumala hika ko pakshet!! Stepheeeeenn
"I-Inhaler... di ko makita inhaler ko" sabi ko na hinihingal
Taranta naman niya yun hinanap. Binigay niya kaagad sakin pagkakita niya. Naihagis pa kasi Dalyn!!! Lechheeeee.
Nag inhaler kaagad ako. Hoo!!! Pero bakit parang hindi pa rin ako makahinga maaaaa titig na titig siya maaaaaa help meeee
"Ok ka na?" I nodded as a response
"What are you doing bakit ka hinika?"
"W-wala may naisip lang" ikaw leche kaaaa
"What would it be na hihikain ka ng ganyan? You scared me"
Ikaw pakshet ka!!!!
"Let's go iuuwi na kita may lagnat ka pa" sabi niya sabay hawak sa noo ko
"You need to take vitamins you know." Pagpapatuloy niya
Inayos niya yung gamit ko na nagkalat dahil sa paghanap ko ng inhaler
"A-ako na"
"It's done. Let's go"
"Akin na bag ko uy"
"Ako na"
"Kaya ko naman ehh S-stephen!"
Hinila lang niya ako palabas ng clinic.
Buti na lang start na ng klase wala na masyadong tao sa labas kasi jusko baka hindi na ko pumasok bukas sa dami ng makakakita!!!
Papara sana siya ng taxi pero pinigilan ko siya habang nakayuko pa rin at nakatitig sa kamay namin!!!!
"T-tricycle lang kaya na pauwi Stephen"
"Ahh ok"
Pumara siya ng tricycle tapos una niya ako pinasakay. Sinabi ko naman sa tricycle kung san yung bahay namin.
Sa dami ng nangyayare nakalimutan ko lagnat ko. Bigla na naman tuloy sumakit ulo ko kaya hinaplos ko yon.
"May gamot ka na ba sa inyo?"
"A-ahh oo ata"
"Ata? You're not even sure?"
"E-ehh kasi-"
"Nevermind pagdating natin sa inyo ibibili kita gamot"
"Stephen ano ba to? Anong ginagawa mo?"
"I should be the one asking you that?"
"Ha?"
"Why are you doing this to me?"
"A-ano?"
"Why are you invading my mind every day? Simula nung nagconfess ka... I can't stop thinking about you"
PUTANGINA.