Dalyn's PoV
Akala ko pa naman akin che. Matulungan na nga lang si mama.
Dalyn naman kasi bakit ka ba nag-eexpect masyado. Malamang sa mama mo yon kasi kailangan niya approval ni mama. Pero apat talaga kay mama?? Nubayan!
"Ma ano gagawin?" Sabi ko sabay lapit kay mama sa kusina. Pinapunta na niya sa salas si Stephen, gawaing babae na daw kasi dito sa kusina.
Si mama naman pwede din naman magluto lalaki ehh 🙄
"Problema mo?"
"Ha? Wala po"
"Wala po? Ehh abot hanggang sahig nguso mo?"
Napahawak naman ako sa mukha ko "hindi naman ma aray bakit?!" Etong nanay ko talaga napakabrutal!
"Hindi literal tanga"
"Aray ma grabe ha"
"Inggit ka sa bulaklak?"
"Ha?! Hindi kaya!"
"Ang OA mo. Umayos ka nga dyan para kang siraulo. Bulaklak lang ehh"
"Hindi nga kasi ma!"
"Lokohin mo lelang mo Leng"
"Ma naman kasiiiii. Bat ikaw lang?!"
"Arte mo"
"Maaaa"
"Sige iparinig mo sa boyfriend mo!"
"Iihh kasi naman"
"Para bulaklak?! Aba sasamain ka saken!"
"Oo na po hindi na nga poooo!!!"
"Magluto ka na! Tsk tanghalian na tayo makakakain sa arte mong yan!"
"San punta ma?!"
"Magbibihis lang! Simulan mo na!"
"Hay. Ok po!"
"Ayusin mo mukha mo! Hindi pa byernes santo!"
"Ma naman!"
"Hahampasin na kita ng sandok isa!"
"Eto na nga ma! Magluluto na nga!!"
Mula umaga hanggang hapon wala namang kakaiba. Hindi pa rin nag-iimikan si mama at si Stephen.
Wala pa rin ako makuhang sagot kay mama.
At wala pa rin akong flowers!! Hmp!
"Leng bili ka nga ng tinapay softdrinks saka sabong panlaba!"
"Nay bat di ka pa bumili kanina?!"
"Eh sa nakalimutan ko eh. Bilis na!"
"Eto naman si mama ehh napakamakakalimutin nako ma sign na yan!"
"Na ano ha?!"
"Na kailangan mo ng vitamins!! Highblood ka naman masyado ma! Menopause ka na di ba?"
"Aba't!"
"Joke lang! Waahh labyu ma!" Sabi ko sabay takbo palabas ng bahay
At si tanga. Nakalimutan ko na yung bilihan ng tinapay ehh medyo malayong lakarin mula samen. Hay nako nanay ko talaga gusto ako pinapagod ehh!
Nung makabalik ako sa bahay nagsisigaw na kaagad ako.
"Ma!! Eto na po! Ay palaka! Ano ginagawa mo sa may pinto?!"
Kasi naman pagpasok ko nasa may pinto si Stephen 🤦🏻♀️
"Akin na yan"
"Bakit?"
"Basta. Just come with me"
Kinuha niya yung dala dala ko pero bumalik din ulit siya agad
"Before I set this aside, I have to blindfold you"
"W-woy bakit?!"
"Trust me okay? I won't hurt you"
Pakshet! Kinakabahan akoooooo
Ma?! Tulog ka ba?!
"And please do calm down. This wouldn't be a success if you faint. Malalagot ako kay tita"
"T-tita?! T-"
"Quiet now baby" Stephen before he blindfolded me
Naramdaman ko na lang na hinihila ako ni Stephen sa kung saan pero hindi din naman kalayuan
"I'll remove the blindfold but don't oen your eyes yet okay?"
"Okay?"
"In a count of three open your eyes. One... two... three"
Pagbukas ko ng mata ko yung lamesa sa dining area nakaset up na may kandila sa gitna tapos may tatlong rosas sa harapan ko. May natatakluban ding pagkain sa gitna. I can't help but smile
"Anong meron?"
"Nothing. Just wanted you to feel special"
Maaaaaaa special daw ako!!!! Pakshet hooo
"Ano yung pagkain?"
"Actually these are just some finger foods from outside. Wala na kasi akong panahon magprepare but I promise you next time, hindi lang yan ang kakainin natin"
Umiling naman ako
"Okay na yan. Tipid pa. Saka paborito ko kaya mga yan!"
"Yeah. You're mom told me"
"Akala ko pa naman, si mama lang binilhan mo ng bulaklak"
"Of course not. Gusto ko lang maibigay sayo in a good way, hindi basta basta, saka alam mo bakit tatlo?"
"Bakit?"
"Coz I... love... you"
![](https://img.wattpad.com/cover/213979874-288-k85107.jpg)