Dalyn's PoV
Teka lang. M-mahal? Ako?! P-paano?!
Sinubukan ko magsalita pero naubusan yata ako ng hangin 😣
"Dalyn?! Are you okay?!"
"H-hindi ako makahinga. I-inhaler"
"Fck it!"
Pagkabalik niya dala na niya yung inhaler ko.
"Calm down Dalyn, please"
"O-ok na. Okay na ko"
"Are you sure? Dalhin na kaya kita sa ospital?!"
"W-wag na!"
"You always scare the sht out of me Dalyn goodness!"
"S-sorry"
Natahimik lang kami pareho ng mga ilang segundo bago ako nagkalakas ng loob magsalita
"Stephen?"
"Oh?"
"T-tungkol sa sinabi mo kanina... t-totoo ba?"
"Why would I joke about it?"
"Kasi syempre ano... ako unang umamin ehh baka mamaya ano lang na-natuwa ka lang saken ganon. Okay lang naman saken S-Stephen"
"Are you doubting me?"
"H-hindi sa ganun!"
"Dalyn. Mahal kita. Direcho ko nang sinasabi sayo ngayon mahal kita. Kung hindi ka naniniwala. Salamat na lang kasi pinaramdam mo saken pano magmahal. Aalis na ko"
"Stephen wait lang!"
"Kumalma ka. Wala ako dito pag hinika ka ulit. Stop making me worried if you don't want me to love you like this. See you tomorrow na lang"
Stephen's PoV
Nainis ako kasi porke ba siya yung unang umamin hindi ko na matutumbasan yon?
I can't even believe myself that I said that I love her. Ang alam ko lang iba siya sa lahat ng nakilala ko.
What do I have to do to prove to her that I love her too? Hindi ba talaga kapani paniwala pag sinasabi kong mahal ko yung tao?
*blag!
Tsk! Hindi pa ko nakakalayo sa kanila kung ano ano na nangyayare?!
I rushed back to her home
"What happened?!"
Nakita ko siya na namumulot ng bubog sa sahig
"N-nabitawan ko. Nabasag"
"Tsk. Stand up"
"H-ha?"
"I said stand up"
Hinanap ko yung walis at dustpan at ako na naglinis nung kalat.
"How can I leave you if you're acting like this?"
"Stephen"
"Ako na bahala dito. Magpahinga ka dyan"
"O-ok"
After I finished cleaning up niligpit ko na yung walis at dustpan
"Uwi na ko Dalyn"
"T-teka lang ano..."
"What?"
"K-kasi..."
"Alam ko naman na Dalyn kahit di mo sabihin. Ang akin lang, sinabi ko na nararamdaman ko, sana sabihin mo na rin saken ng direcho yung ginagawa mo."
"A-alam mo?"
"Oo"
"Paano?"
"Mahalaga pa ba yon? Di ba mas mahalaga yung sinabi ko sayong mahal kita kesa kung pano ko nalaman na ikaw yung sumusulat saken matagal na?"
"P-pero wala naman na-kakakita saken-"
"May nakakita o wala. What's the sense? Alam ko na ngayon? Minahal na nga kita dahil don di ba? Hanggang kailan ka magtatago sa mga sulat? Pano kung hindi ko nalaman? Kailan ka magpapakilala? May balak ka bang magpakilala? I even got confused if I'm feeling it right, and yeah, eto na ko ngayon, mahal na kita at hindi ko na nahintay na umamin ka"
Dalyn's PoV
Hindi na ko nakapagsalita. Ngumiti na lang siya saken tapos umalis na.
"Aaaahhh. Gaga ka Dalyn! Gaga ka! Bistado ka na pala tanga tanga mo! Aish!!"
Ano na gagawin ko ngayon?!
Bahala na nga! Nalaman na din naman! Tatapusin ko na yung kanta! I... need to give it to him now. Tama na pagtatago sa sulat!!