Stephen's PoV
Hindi naman ako yung perpektong tao na tinitingala ni Dalyn noon ehh.
Soccer team? Bangko ako noon. Recently lang ako napansin ng coach namin. Dati? Ni hindi ako papaghawakin ng bola dahil wala akong kwenta.
Then my dad. He hates me. Sinasabi niya na hindi ito yung gusto niya para saken. Not even playing soccer. Pero pinagpatuloy ko.
Yung sinasabi kong bakla na kaibigan ko noon? Sa kanya ako nagstay nung hindi ko pa nakikilala sina Darius. He helped me when I was kicked out of the house pero no other intentions kasi may asawa siya. Oo kahit bakla siya may asawa't anak siya.
Ngayon? Hindi ako sa bahay umuuwi. Nagttrabaho ako pagkatapos ng school at pagkatapos ko ihatid si Dalyn.
Kina Darius at Seve ako palipat lipat ng bahay.
But then everyone thinks I am someone, which I'm not.
I slowly regained myself sa tulong nung dalawa. Oo nakakacontact ako sa office ni papa, just because I'm trying to fix our relationship. Kaya lang. Hindi niya talaga ako matanggap lalo na nung nalaman niya na nakitira ako sa 'bakla'. He thought I am gay. Which I'm not.
Bakit? Coz I don't do what he wants me to do.
I don't want to disappoint Dalyn sa mga bagay na to. Ewan ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kahit alam kong hindi ganun mag-isip si Dalyn.
"Babyyyyy"
"H-ha?"
"2nd place ako!!!"
"Wow! Congrats!"
Sa pag-iisip ko nung mga bagay bagay hindi ko na namalayan yung announcement ng winners pati pagbalik ni Dalyn
"Ok ka lang?"
"Oo naman"
"Sure?"
I nodded
"Nga pala baby? Ready ka na sa weekend? Punta na tayo Camiguin? Pwede ka pa magbackout"
"Tsk. How many times do I have to tell you na hindi ako uurong sa pagkausap sa mama mo"
"Sinusubukan ko lang hehe"
"Dalyn?"
"Hm?"
"What if you knew something na hindi mo pa alam tungkol saken?"
"Huh? Ano bang di ko alam sayo?"
Dalyn's PoV
Seryoso yung tanong ko kasi parang stalker na ko netong taong to dati pa ehh.
Simula nung nakita ko siyang nagttrabaho sa favourite resto ko. Dun talaga ako nagkainteres kasi imaginin mo?! Ganung kagwapo nagttrabaho don?! Hay. Lalo ko tuloy naging favourite yung resto na yun that time.
Tapos nalaman ko pa na soccer player siya sa school noon. Nanonood kaya ako sa games nila kahit madalas bangko siya. Pag pinapasok siya non talagang todo cheer ako pero syempre di naman ako napapansin netong taong to mehehe.
Ang cool cool grabe 😍
Tapos ngayon boyfriend ko na?! Di ba?! Dati stalker mode lang ako tapos ngayon?! Ngayon shet. Akin na to oy! Hihi.
"Maybe we should talk about it"
"Sige okay lang. Sabay na natin sa celebration?" Tanong ko sa kanya
"Sure. San mo gusto kumain?"
"Kahit san basta andun ka yiiiee"
Nakita ko naman na lumaki ngiti sa mukha niya
"Yiiiee kilig ka?"
"Stop that haha. Tara na nga"
"Minsan lang ako bumanat pero kinikilig ka aminin mo! Haha"
"Oo na. Sige na. Stop teasing me" sabi niya nang malawak ang ngiti sa labi. Shet gwapo!
Maglalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Bakit?"
"Hindi ka na ba magpapalit?"
"Bakit?"
"Ang igsi niyang suot mo Dalyn"
"Ayy hehe sabi ko nga po magpapalit na po baby. Wait lang ah?"
"Okay."
Sa way pa lang na dinadaanan namin alam kong dun kami sa resto ngayon pupunta! Yiz! Namiss ko din dun!
Pagpasok namin binati na siya ng kawork niya.
"Naks pre may kasama ka nang chicks ngayon ah?"
"Psh. Kakain lang kami ngayon wag ka magulo"
"Hahahaha sige sige kuha ko kayo ng menu"
"Tara?" Sabi niya saken
"Ok"
Pagkaupo namin pansin ko namang di siya mapakali.
"Ok ka lang ba?"
"Oo naman" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Enebe 🙈
"Dalyn?"
"Hmm?"
"This is actually one of the things I want to say to you"
"Alin?"
"I..."
"You?"
"I work here"
"Ahh oh? Tapos?"