Dalyn's PoV
"Anong gagawin ma?"
"Ipaghanda mo makakain boyfriend mo"
"Ma?"
"Oh?"
"Ma mabait si Stephen promise. Hindi ko din pinapabayaan pag-aaral ko pati si Gina ma. Ma galit ka ba?"
"Kamusta kapatid mo?"
"Okay naman siya ma, baka next week siya umuwi"
"Ahh"
"Ma? Ayoko hiwalayan si Stephen pleassseeee"
"Tsk. Maghain ka na don nang makakain na tayo"
"O-ok po"
Wala ako magawa bushak. Di ko mabasa iniisip ng nanay ko 😣
"Need help?" Stephen
"Ahh hindi na okay lang upo ka na lang dyan"
"Hindi ka ba inaatake ng hika mo?"
"Hindi naman pero kasi..."
"Kasi ano?"
"Hindi ko mabasa iniisip ni mama ehh. Pano kung ayaw niya talaga na magboyfriend ako? Pano tayo?"
Hinawakan niya naman ang kamay ko.
"Hindi naman ako lalayo sayo. I'd do anything para lang makumbinse mama mo okay? Wag mo na isipin yon" Stephen sabay hawi ng buhok ko
"Pero kasi-"
"Shh. It'll be fine" Stephen just smiled at me. Ginantihan ko na lang siya ng ngiti.
"Dalyn tulungan mo ko dito!" Lumabas si mama dala yung kaldero pero nagulat ako sa ginawa ni Stephen
"Let me help you po"
Natigilan si mama pero binigay din yung buhat kay Stephen
"Meron pa po ba? Ako na kukuha"
"Yung ulam"
"Sige po"
Pumunta naman kusina si Stephen tapos pagbalik niya dala na nga niya yung ulam.
Naunang umupo si mama sa hapag kainan kaming dalawa ni Stephen nakatayo pa rin
"Ayaw niyo kumain? Maupo na kayo" Mama
Uupo na sana ako pero hinila ni Stephen yung silya ko para makaupo ako ng maayos bago siya umupo.
Nagdasal kami bago sinimulang kumain
"Stephen oh kanin" pag-aalok ko sa kanya pagkatapos ko kumuha
"Thanks. Ikaw? Yan lang sayo?"
"Okay na to"
"Dagdagan mo pa oh"
"Okay na ngaaa"
"You should eat more"
"Kumain ka na dyan okay na tooo"
"Tsk." Stephen
"Ehem" mama
"Sorry po. I just want to make sure she eats well"
"Pakisuyo ng ulam"
Inabot naman yun ni Stephen
"Hanggang kelan ka dito?"
"Ma-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi pinandilatan ako ni mama
😣
"If I may stay with her here, ganung katagal po ako dito."
"Wala ka bang gagawin sa inyo?"
"Nagleave po ako sa trabaho mam"
"May trabaho ka?"
"Opo. I work part time sa isang resto"
"San ka tutulog?"
"Di ba dito ma?" Sagot ko
"Kung pwede po dito kahit sa salas po okay na ko. Pero kung hindi maghahanap na lang po ako ng matutulugan"
Tiningnan lang ako ni mama
"Dito ka na matulog baka sabihin mo naman masyado akong madamot. Sa salas ka na lang"
"Ma? May kwarto pa naman? Yung kay Gina?"
"Sabi niya salas di ba?"
"Dalyn okay lang. Salamat po"
Nung matapos si mama kumain tumayo agad siya
"Kayo na bahala sa hugasin"
"Ok po"
"San ka punta ma?"
"Sa kwarto"
"Ok ma"
"Dalyn samahan mo ko bukas mamamalengke ako"
"Ok ma anong oras?"
"Madaling araw para iwas trapik"
"Ok po"
"Madami po ba kayong bibilhin? Samahan ko na po kayo para may magdadala" Stephen
"Kung magigising ka ng maaga edi sige"
"Sige po"
Pagkatapos non nagdirediretso na si mama sa kwarto. Jusko puso ko!
