Hindi na ko makapagsalita. Nagpipigil na ko ng kilig ko dito hoooooo
"You liked it?"
Instead of answering I went towards him and hugged him.
"Thank you. Ang swerte swerte ko sayo"
"Maswerte din ako sayo Dalyn. You came into my life unexpectedly, but that timing was perfect for me. I love you"
"Labyu too" sabi ko na lang habang nakayakap pa rin
"Kain na tayo?"
Tumango ako sa kanya bago umupo sa hapag kainan
Flashback
Stephen's PoV
"Oh anong balak mo?"
I was shocked to hear Dalyn's mom in front of me.Sakto naman kasi na inilabas ko yung mga bulaklak saka siya lumabas ng kusina. Hindi ko na napansin.
"Ahh a-ano po"
"You didn't give her the flowers coz you're doing something tama ba ko"
"Mam, I just wanted to surprise her. I haven't done something like this before so might as well she'd be the first. Kung... papayag po kayo?"
"Mahal mo talaga anak ko?"
"Sobra po"
"Mag-usap tayo mamaya. Itago mo na muna yang bulaklak at baka makita pa ni Leng"
"O-ok po"
Nung kinahapunan pinabili ng mama niya si Dalyn ng kung ano ano.
Nang makaalis to saka kami nag-usap
"Wala ka masyadong oras. Bumili ka na lang ng mga tusok tusok dyan sa labas. Yun na lang kainin niyo paborito yon ni Leng"
"S-sige po ayusin ko lang po yung lamesa mam"
"Ano bang mam jusko. Tita na lang di mo ko guro"
"P-po?"
"Bumili ka na don wag mo ko tungangaan tong batang to! Ako na mag-aayos ng lamesa!"
"S-sige po tita!"
Bumili ako at dali daling bumalik sa bahay nila
Pagbalik ko nakaayos na yung lamesa
"Oh magpunas ka di yung pawisan ka pagdating ng anak ko"
"Salamat po"
"Stephen?"
"Po?" Sabi ko habang nagpupunas ng pawis
"Wag mo papaiyakin anak ko ha? Prinsesa ko yan dito kahit balahura yang batang yan. Wag ka magpapakita saken talaga pag umiyak anak ko dahil sayo"
"Tita..."
"Nakikita ko kung gano ka kamahal ng anak ko. Sinubukan ko ang ugali mo at masasabi kong mabait kang tao at mahal mo rin siya. Wag sanang magbago yung nakita kong yun iho"
"Wala po akong gagawin na makakasakit sa anak niyo tita pangako yan. Kung iiyak man siguro siya ehh sisiguraduhin ko pong dahil sa saya tita"
"Panghahawakan ko yang pangako mong yan. Salamat dahil nagpursige kang magpakita saken kahit na malayo itong probinsiya"
"Kahit san naman po ako pumunta kung kailangan ako ni Dalyn gagawin ko po. Basta para sa kanya. I... never felt like this happy before, at hindi ko po hahayaang mawala yung sayang binigay saken ng anak niyo"
"Pagpapasensiyahan mo yan pag sinasaltik ah? Nako may pagkabaliw pa naman yang batang yan"
"I love her craziness tita"
"Oh siya siya sige na mag-ayos ka na dyan dun na muna ako sa kapitbahay at baka makaistorbo pa ko sa inyong dalawa. Pinagkakatiwalaan kita ha? No dirty motives kundi di ka talaga makakabalik ng maynila"
"O-opo salamat po tita"
"Sige na"
"Nasan si mama?"
"Pumunta sa kapitbahay niyo dun daw muna siya eh"
"Eh?!"
"Bakit?"
"Hinayaan ka niya magganito?!"
"Oo?"
"Hala hala tekaaaaa okay na kayo?!"
"I guess you can say that?"
"Iiihhhh yes!!"
"Dalyn calm down. Bakit ba ang hilig mo maglikot napakahikain mo pa naman tsk!"
"Ehh kasiiiii okay ka na kay mama!! I'm just happy you know?"
"I know but please control your emotions. I still wanna see you live long papakasalan pa kita"
"H-hoy!! Jusko!"