Stephen's PoV
"Wala tsk!"
Ano ba nangyayare kay Dalyn? Kanina pa to parang kiti kiti sa nanay niya na tanong ng tanong.
Ako naman buhat buhat ko yung mga pinamimili ng mama niya.
Buti na lang talaga sumama ako. Who could've brought all this? Ehh pareho silang babae.
Mamaya may tumulong pang di kaaya aya tsk.
Dalyn's PoV
Nagsimula't natapos kami mamalengke hindi talaga ako sinagot ni mama 😣
Nung papunta na kami sa sakayan dun ko lang narealize na wala akong kadala dala. Paglingon ko na kay Stephen pala lahat hala!
"Nako Stephen akin na yang iba nakakaloka bat di ka nagsasalita?!"
"Ok lang kaya ko na"
"Sure ka?"
"Yes. Sige na"
Hindi din naman ganun kadami yung pinamili namin pero syempre wala na nga ako ambag sa pamimili pati ba naman sa pagbubuhat?? Kaso ayaw so naglakad na lang uli ako.
Stephen's PoV
Habang naglalakad kami papuntang sakayan I saw someone selling flowers kaya sinenyasan ko yun. Paglapit saken bumili ako agad ng pito bago ko itinago yun humabol kina Dalyn. Buti na lang di nila ako napansin dahil busy si Dalyn sa pangungulit sa mama niya.
Pagdating namin sa bahay nauna na silang dalawa pumasok so I managed to fix the flowers. Kailangan ko lang humanap ng right timing parang ibigay ang mga yon.
"Stephen! Lika na!"
"Coming!"
Pumasok na ko sa loob but I made sure to keep some of the flowers hidden
"Oh? San ka nakabili ng flowers? Sana di ka na bumili- ayy ano ba yan" Dalyn
Nagdiredirecho kasi ako sa mama niya to give the flowers. Buti na lang tinanggap
"Sorry baby. Apat na lang yung natira kanina ehh"
"Ok lang. Nag-expect pa ko hmp!" Mahina lang niyang sinabi yung huli but I can sense it's related to the flowers.
Don't worry Dalyn. Yours is more than just flowers.
Just wait for it.