Kinuha na niya yung plato ko saka hinugasan tapos hindi ko na naintindihan yung ibang ginagawa niya. I'm just staring at him while holding my cheeks
"Ateeeee I'm ho- kuya Stephen?! Andito ka pa?!" Gina
"Ahh oo. I can't leave your sister alone"
"Sus kaya naman niyan sarili niyan kuya. Nagttrabaho pa nga yan kahit nilalagnat"
"I didn't let her do that"
"Ehh?!"
"Ahh Stephen ano sige na. Umuwi ka na gabi na"
"I guess I gotta go. See you the day after tomorrow. I wouldn't be expecting you tomorrow in school. Rest. And please listen to me? Okay?"
"Per-"
"Ako na bahala kuya Stephen! Bye!!!"
"Bye Dalyn"
And then he left
Hinigit ko naman agad ang damit ni Gina
"A-aray ate"
"Ginaaaaa putanginaaaaa" sobrang hinang sabi ko sa kanya habang niyuyugyog ko siya hawak ang magkabilang braso niya
"Ate kalmaaaa yung hika mo ateeeee"
"Hoo!! Okay ako. Okay ako" pagkalma ko sa sarili ko
"Ano ba nangyare?!"
"Hindi ko alam!! Tulog lang ako mula kanina hanggang ngayon bago ako kumain!"
"Wala kang binibigay na gayuma kay kuya Stephen?"
"Hoy sobra ka! Mahal ko yon pero di ako ganyan kadesperada!"
"Para kasing iba ang aura niya ehh"
"Guni guni mo lang yan"
"Hindi ehh"
Habang nag aanalyze si Gina tumunog naman tong spare phone ko
Excited?? Bakit? Hindi pa naman ako makikipagkita sa kanya ah? Tsaka... kailangan ko pa ba?! Dejoke wag ka assumera Dalyn thoughtful lang si Stephen... pero kasi!!! Mababaliw na koooo
Soon?! Gano kasoon Dalyn?! Ni hindi ka pa nga tapos sa ginagawa mong kanta?! Hanep ah lakas tama ng lagnat mo self!!
Kinabukasan pagkagising na pagkagising ko pa lang ehh nakatitig na saken kapatid ko.
"Ano? Gandang ganda ka na naman saken!"
"Ha! Asa ka! Wag ka papasok!"
"At baket? Okay na ko!"
"Papagalitan ako ni kuya Stephen pag pumasok ka!"
"Kelan pa kayo naging close?? Gina?!"
"Wag kang ano ate di ko type yang si Kuya Stephen"
"Good!"
"Basta wag kang papasok susumbong kita kay kuya!"
"Pake naman non saken? Ikaw naumpog ka ba???"
"Seryoso nga kasi ate!!"
"Hindi nga pwede!! Ilalagay ko pa to sa locker niya oh! Tapos kailangan ko umattend ng klase!!"
"Ate naipaalam ka na ni kuya Stephen!"
"Eh?!"
Maya maya naman may nagtext dun sa mismong number ko. Yung isa yung pinantetext ko kay Stephen. Etong isa pang school.
"H-hoy pano niya nalaman tong number ko na to?!"
"Sinabi ko malamang"
"Gina!"
"Ano?! Di naman yan yung pinantetext mo ah?! Ate malelate na ko bye na!!"
"Pero-"
"Ssshhh stay!"
"Ano ako aso?!"