Stephen's PoV
I just brought out my phone since wala ako magawa dito.
"Ikaw ba yung boypren?"
Napatayo ako bigla nang marinig ko yung boses pagtingin ko mukhang eto yung nanay ni Dalyn
"O-opo"
"Napakamagugulatin niyong dalawa. Upo ka"
"Salamat po"
"So. Kelan pa naging kayo ng anak ko?"
Sasagot pa lang sana ako nang makabalik na si Dalyn
"Ma-"
"Hindi ikaw kausap ko. Bumili ka soft drinks sa labas"
"Ok ma" tumingin siya saken worriedly pero nginitian ko lang siya to assure that I'm fine.
Nang makaalis si Dalyn nagsalita ako agad
"Bago pa lang po kami ni Dalyn mam. A little over a month?"
"Niligawan mo anak ko?"
"Sa totoo lang po hindi ko nagawa ang bagay na yan bago naging kami but I make sure I show her and make her feel what I feel for her"
"Alam mo bang pinagbawalan ko magjowa yang si Dalyn?"
"She actually mentioned it to me"
"Pero tinuloy niyo?"
"Kasi po mahal ko anak niyo"
"Sa gwapo mong yan ang dali sayong magsabi ng i love you sa kung sino sino lang. Pati sa anak ko. Ayoko siyang magboypren dahil distraction yon. Mamaya makasira ka pa sa pag-aaral ng anak ko"
"Mam... with all due respect po. I love her too much that I'd sacrifice anything for her. Kung nakakasira na po ako sa pag-aaral ng anak niyo ako po mismo ang didistansya pero..."
"Pero ano?"
"Hindi ko po hahayaang mangyari pa yon dahil ako po mismo hindi ko kayang malayo sa kanya. I would support her in everything she does and try to give her everything she wants. I don't even know kung paano nangyare pero andito po ako ngayon sa harap niyo proving to you how much I love her. Kahit pa po ilang beses ako magpabalik balik mula Maynila papunta dito sa Camiguin gagawin ko."
"Bakit anak ko?"
"Po?"
"Bakit siya?"
"Sa kanya po ako sumaya mam. She gave me happiness more than I ever imagined. Wala po ako ibang masasabing rason kundi, yung saya na dinala niya sa buhay ko"
Saktong tapos ko magsalita dumating na si Dalyn
"Silipin ko lang niluluto ko" mama ni Dalyn
"Ok po"
Lumapit naman agad saken si Dalyn
"Anong sabi ni mama?"
"She just asked me things"
"Kamusta?"
"I guess... fine. Hindi ko din alam Dalyn"
"Nabuang man si mama uy jusko"
"Dalyn!"
"Po?!"
"Tulungan mo ko dito!"
"O-opo! Wait lang ah?"
"Sure. Go ahead"
I was scared but yeah. I think I said what I have to say. Sana lang makita ng mama ni Dalyn na malinis intensyon ko sa anak niya.
