Chapter 4 [Trespasser]

11.1K 651 46
                                    

The robust Leviticus is too early in the morning, kinapa ko ang alarm clock at inaninag ang oras doon. It's still five in the morning and now all I see when I parted the curtains on my window is this godlike man, stretching and flexing his muscles.

Kukurap-kurap akong bumaba sa sala. I went straight to the coffee maker and poured myself a cup. Dinalawa ko na upang alukin si Leviticus. I told myself to get used to calling him by his first name.

Ang aroma ng kape ay nanuot sa aking ilong. I am a fan of coffee, whether brewed or with cream, I'm so in love with it.

Inuna kong iserve ang sa kanya. Placed it on top of a small saucer and walked my way towards the garden. Tiningala ko ang kalangitan at nagsisimula pa lamang sumibol ang liwanag, may parte pa ring kinakain ng dilim.

"Coffee?" kinuha ko ang kanyang atensyon. Naglakad ako patungo sa pergola malapit sa kinaroroonan niya.

Leviticus is wearing a black loose shirt that is sleeveless, imposing the muscles on his arm. I tried so hard to dismiss the view but he kept on flexing it. Bahagyang basa siya ng pawis kung kaya't inabala ko ang sariling abutin ang towel nang tumigil siya.

"You're so early.." puna niya nang maramdaman ang malambot na tela ng inabot kong tuwalya.

"The early bird catches the worm.." mariing bigkas ko bilang pagbibiro ngunit hindi man lang siya natawa roon sa sinabi ko.

Bagkus, mas tumindi ang ekspresyon sa kanyang mukha. Naapuhap ko ang bakas ng asul na kulay sa kanyang mga mata, o baka guni-guni ko lang 'yon.

"What?"

I saw how his adam's apple moved. Heto na naman ako, pinapansin ang bawat bahagi ng katawan niya. I should refrain from doing that and act accordingly or else, baka palayasin niya ako.

"I'm just kidding.. Maaga kasi ako ngayon, I have classes starting seven." I remembered the three-day suspension and how it already ended.

Gustuhin ko mang lisanin at hindi na bumalik sa paaralang iyon, alam ko sa sariling kailangan ko pa ring pumasok. Hindi man ako makatapos ng may matataas na marka, magkaroon lamang ako ng degree ay ayos na sa akin iyon. Magagamit ko rin ito kapag naghanap ako ng pormal na trabaho, hindi katulad ng pagpapanggap ko bilang hardinero. I need to get a real job once I graduate.

"You're still going to school? How old are you?" waring may accent akong narinig sa kanyang pananalita, noon ko pa man ito napapansin at ngayon ko lang binigyan ng importansya.

"I'm 25. Graduating na ako."

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa nalaman tungkol sa akin. Hindi tumakas sa paningin ko ang pawis na tumutulo pa rin mula sa hibla ng kanyang buhok.

I'm so overage as a graduating student but I don't care, as long as I finish it then I'm good.

"Five years gap.." he looks like he's thinking deeply about something. Hindi ko maintindihan..

"Baka lumamig iyong kape mo, dito ko nilagay sa table." sabay turo ko sa circular table sa lilim ng pergola. Natanto kong hindi nga pala siya nakakakita kaya bakit ko pa naisipang ituro iyon?

"I don't drink coffee.." aniya na nakapagpatigil sa akin.

It just doesn't make any sense.

"You have a coffeemaker and you don't drink coffee? Hindi ko gets.."

Sa lahat siguro ng hardinero, ako na ang marunong mamilosopo ng kanyang amo. Kumunot ang kanyang noo subalit may bakas ng ngiti sa kanyang labi. Just not a full smile, tho.

"Legend uses it. He's into coffee, but I like teas." ako naman ang tumango-tango nang sa wakas ay malinawan doon.

Legend is his brother and I haven't met him yet. Should I hide once he plans to visit? Malamang ay mabubuko ako at hindi tunay na hardinero ang aking katauhan. Levicitus will think ill of me.

Saved By His Demons (BxB) ✔Where stories live. Discover now